PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Siblings win PHP3.2B in Canada lottery; are they Pinoys?

The brother initially thought he had won CAD75,000 or PHP3.2M.
by Bernie V. Franco
Published 1 Hour ago
Siblings lotto winners
The siblings, who work in Canada, had been betting on their favorite numbers for two years before finally hitting the jackpot--75 million Canadian dollars, or about PHP3.2 billion.
PHOTO/S: Global News on YouTube

Magkapatid na babae at lalaki ang nanalo ng 75 million Canadian dollars o PHP3.2 billion sa lottery sa Toronto, Canada, noong March 3, 2026.

Pero kamakailan lamang sila ipinakilala at iginawad ang kanilang napanalunan.

Na-draw ang kanilang lucky combination numbers sa Lotto Max, ang itinuturing na biggest national lottery games sa Canada.

Hindi tinukoy ang nationality ng magkapatid na foreign workers, subalit batay sa video interview at comments ng netizens, posibleng Pilipino sila.

Ipinost ang video interview sa magkapatid na ipinakilalang sina Jonathan R. at Mylene P. sa Global News, ang news and current affairs division ng Canadian Global Television Network, nitong June 24.

Binanggit sa May 2026 report na nagdesisyon ang Ontario Lottery and Gaming Corporation (OLGC) na ilabas lamang ang first name at initials ng surname ng mga winners dahil sa privacy concerns.

Inilarawan sila ng (OLGC) bilang “first brother and sister” na nanalo sa major lottery jackpot ng organization.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Expired driver’s license valid until July 31

HOW THE SIBLINGS WON

Hindi makapaniwala si Jonathan noong una niyang nalaman ang natamong suwerte.

Inakala kasi niyang mas maliit ang jackpot prize na kanyang napanalunan.

“Early in the morning, I wake up and… I [took] my ticket, and I scanned to my phone, and I saw, ‘Oooh, I won,’” pagbabalik-tanaw nito.

"I thought it’s 75,000 [Canadian dollars]. I get my eyeglass to make it sure it’s 75,000. And I check again, ‘Oh, my God, it’s 75 million.’”

Ginising daw agad ni Jonathan ang kapatid na si Mylene, na ang nasambit ay, “And I say, ‘Oh, yes! Finally!’”

Dalawang taon na raw kasi nilang tinatayaan ang mga numbers na may importansiya sa kanilang buhay.

Mangiyak-ngiyak si Mylene dahil tuluyan nang magbabago ang kanyang lagay sa buhay: “I came to Canada to change my life, my family. That’s why I bring my brother [Jonathan] here to help me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Because I’m breadwinner of my family so now I’m not alone.

“I’m working hard, two jobs, sometimes three jobs…” emosyunal na sabi niya.

Masaya naman daw si Jonathan na samahan ang kapatid sa pagtatrabaho.

Read: Life story of Gerald Bansag, a SPED teacher in the U.S.

WHAT TO DO AFTER THE WIN

Ano ang plano nilang gawin sa kanilang napanalunan?

“Of course, I have a lot of money. Anything you want to buy you can buy. Unlike before, right?” sabi ni Mylene.

“I go to Germany, Australia, Japan, Los Angeles.”

Plano rin daw niyang ikutin ang Canada at magpatayo ng bahay.

“Dream house. I build my house for my family, my sister, my brother, that’s my dream. And travel around the world.”

Pahabol ni Mylene, “And I wanna keep helping people.”

Gusto rin ni Jonathan na mag-travel kasama ang kanyang pamilya.

“First of all, I will help to my family back home and then in my place, I build my small chapel,” aniya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Mylene sa suwerteng natamo, “It’s my dream come true. Yeah, finally. It’s my dream come true.”

Habang isinasagawa ang interview, hiniling pa niyang i-check ang kanyang bank account via phone.

“Oh, it’s there,” sambit niya na may malaking ngiti.

NETIZENS ON PINOY SIBLINGS

Bukod sa hindi ibinigay ang buong pangalan ng magkapatid, hindi rin sinabi kung saang bansa sila nagmula.

Pero bakas sa mga katangian, kagaya ng physical features at pananalita nila na sila ay mga Pilipino.

Ang kanilang pagkapanalo ay iniulat ng mga media sites sa Canada at maging sa ibang bansa.

Sa comments ng netizens sa social-media pages ng mga nagbahagi ng kuwento ng magkapatid, nagkaroon ng dagdag na pagkakakilanlan sa dalawa.

May Pinoy netizen na nag-post ng picture ni Jonathan habang ito ay nasa restaurant.

May iba namang nagbanggit ng kanilang hometown at province sa Pilipinas.

Marami naman ang masaya sa suwerteng tinamo ng magkapatid at sa pag-angat na kanilang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The siblings, who work in Canada, had been betting on their favorite numbers for two years before finally hitting the jackpot--75 million Canadian dollars, or about PHP3.2 billion.
PHOTO/S: Global News on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results