Ngayong Biyernes, Hulyo 3, 2026, ang araw na pinakahihintay ng milyun-milyong tagahanga nina Taylor Swift, 36, at Travis Kelce, 36.
Sa araw kasing ito magaganap ang tinaguriang "Wedding of the Century" ng American pop superstar at ng NFL champion sa Madison Square Garden sa New York City.
Ito ay sa gitna ng usap-usapang bago pa man ang kanilang magarbong pag-iisang dibdib ay nagpakasal na sina Taylor at Travis sa isang private ceremony na dinaluhan ng ilang malalapit sa kanila.
Pinatotohanan ng ilang sources na kasal na ang dalawa bago pa man ang seremonyas na gaganapin sa Madsion Square Garden.
Isang araw bago ang engrandeng kasal, noong Hulyo 2, nagtipon-tipon ang mga tagahanga sa paligid ng Madison Square Garden sa pag-asang masisilayan ang kanilang mga idolo at ilan sa celebrity guests na dumalo sa rehearsal dinner.
Tinatayang aabot sa isang libo ang mga inimbitahang bisita sa engrandeng kasalan.
Dahil sa mahigpit na seguridad para sa pribadong seremonya, isinara ang ilang kalsada sa paligid ng venue.
Hindi naman natuwa ang ilang residente at manggagawa sa New York sa naging epekto ng road closures.
Isa sa mga naging usap-usapan ang headline ng Daily Mail na: "New Yorkers outraged over ‘selfish’ Taylor Swift wedding that will shut down Penn Station and Midtown as everyone tries to escape sweltering July 4 heat."
Read: Taylor Swift and Travis Kelce to tie the knot on June 13 — report
TAYLOR SWIFT AND TRAVIS KELCE DONATE $26 MILLION
Nagkaroon din ng halo-halong reaksiyon online matapos maiulat na nagbigay sina Taylor at Travis ng US$26 million na donasyon sa iba't ibang charitable organizations sa Amerika bago ang kanilang kasal.
May ilang netizens na kumuwestiyon sa timing ng naturang donations.
Isa sa mga komento ang nagsabing: "Donating all that money to charities at this exact moment is totally coming off as PR control to counter all the growing resentment. They are trying so hard to buy public judgment."
Sa kabila nito, labis naman ang pasasalamat ng mga organisasyong nakinabang sa tulong ng celebrity couple.
Isa sa mga tumanggap ng donasyon ang Grammy Museum Foundation.
Sa opisyal na pahayag ni Michael Sticka, president at CEO ng foundation, sinabi niya: "On behalf of the Grammy Museum Foundation, we are deeply grateful to Taylor Swift and Travis Kelce for their extraordinary generosity and support of our Grammy In The Schools education programs.
"Their transformative gift will help expand our mission of bringing music education to students across the country, creating opportunities that will inspire and empower hundreds of thousands of young people for years to come.
"With heartfelt gratitude, and on behalf of every student whose life will be touched by this gift, thank you, Taylor and Travis."
Habang naghahanda ang dalawa para sa isa sa pinakamalaking celebrity weddings ng dekada, hindi lamang ang engrandeng selebrasyon ang pinag-uusapan kundi pati ang epekto nito sa New York at ang kanilang multimillion-dollar charitable donations—na patuloy na humahati sa opinyon ng publiko.