Nagluluksa ang music industry sa buong mundo dahil sa pagpanaw ng award-winning Welsh singer na si Bonnie Tyler.
Sumakabilang-buhay si Bonnie sa Faro, Portugal, noong Hulyo 8, 2026.
Siya ay 75.
Inanunsiyo ng pamilya ni Bonnie ang malungkot na balita sa pamamagitan ng social media ngayong Huwebes, Hulyo 9.
Nakasaad dito: "Bonnie's family and team are heartbroken to announce that Bonnie unexpectedly passed away last night in hospital in Portugal as a result of the illness that she was being treated for.
“We will issue a further statement shortly but for now ask for privacy to deal with this tragedy.”
Unang iniulat noong Mayo 7, 2026 na kritikal ang kalagayan ni Bonnie nang ipasok siya sa isang ospital sa Faro, Portugal, dahil sa emergency intestinal surgery.
Humiling ng dasal ang kanyang pamilya para sa paggaling ni Bonnie.
Noong Hunyo 15, ibinahagi nilang hindi na comatose ang mang-aawit pero nananatili siya sa intensive care unit ng ospital.
Saad nila: “We are pleased to share that Bonnie is no longer in a coma, but remains very unwell and in intensive care in hospital in Portugal.
“We would like to thank everyone for the huge outpouring of love and support from all over the world that we have received for Bonnie and want to tell you that she is aware of, and very grateful for, your good wishes.”
Noong Hunyo 8 ay ipinagdiwang ni Bonnie ang kanyang ika-75 kaarawan, pero hindi na siya nakalabas ng ospital mula nang maratay siya.
Read: Bonnie Tyler still in critical condition after emergency surgery
THE LEGACY OF BONNIE TYLER
Gaynor Hopkins ang tunay na pangalan ni Bonnie Tyler.
Nag-umpisa ang kanyang singing career nang matuklasan siya ng isang talent scout na kumakanta sa isang nightclub sa Swansea, South Wales.
Nakilala si Bonnie dahil sa pagkakaroon nito ng husky voice.
Ilan sa mga kantang pinasikat niya ay “Total Eclipse of the Heart,” “Holding Out for a Hero,” at “It’s a Heartache."
Naulila ni Bonnie ang kanyang asawa na si Robert Sullivan.
Ikinasal sila noong Hulyo 1973 pero hindi biniyayaan ng anak ang kanilang pagsasama.
Read: Winnie Cordero opens up about husband's death, life after loss