PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadech Kugimiya and Yaya Sperbund wed for the third time

Nadech Kugimiya's adoptive father finally made it to their wedding.
by Jojo Gabinete
Published 20 hours ago
Nadech Kugimiya and Yaya Sperbund wed for the third time
Nadech Kugimiya and Yaya Sperbund seen with his adoptive father Yoshio Kugimiya and adoptive mother Kaew Kugimiya.
PHOTO/S: @kengnaruemityarn Instagram

Sa ikatlong pagkakataon, muling nagpakasal ang Thai superstars na sina Nadech Kugimiya, 34, at Urassaya “Yaya” Sperbund, 33.

Nangyari ang kanilang pag-iisang-dibdib ngayong Sabado, Hulyo 18, 2026. Ginanap ang magarbong wedding reception sa Dusit Thani Hotel, Pathumwan, Bangkok, Thailand.

Nag-umpisa noong 2010 ang relasyon ng couple, at sulit na sulit ang kanilang matagal na paghihintay na ikasal dahil tatlong beses na nangyari ang pag-iisang dibdib nila.

Unang ikinasal sina Nadech at Yaya sa pamamagitan ng isang tradisyonal na seremonya na naganap noong Abril 17, 2026 sa bayan ni Nadech sa lalawigan ng Khon Kaen, Thailand.

"Isan" ang tema ng idinaos na kasal sa Khon Kaen na pagbibigay-pugay sa kultura ng mga Thai.

Nadech Kugimiya and Yaya Sperbund wed for the third time
First wedding
Photo/s: CTTO
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Thai superstars Nadech Kugimiya and Yaya Sperbund are now married

Nangyari ang ikalawang beses na pagpapakasal nina Nadech at Yaya sa Oslo, Norway noong Mayo 22, 2026.

Thai-Norwegian si Yaya at ang pagdaraos ng pangalawang beses na pagpapakasal nila ni Nadech sa Norway ang paraan ng pagbibigay-pugay nila sa bansa na pinagmulan ng kanyang ama na si Sigurd Sperbund.

Nadech Kugimiya and Yaya Sperbund wed for the third time
Second wedding
Photo/s: CTTO
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nadech Kugimiya, Yaya Sperbund hold second wedding in Norway

THE THIRD WEDDING

Espesyal para sa mag-asawa ang ikatlong pagkakataon ng pag-iisang dibdib nila dahil sa pagdalo ni Yoshio Kugimiya, ang adoptive Japanese father ni Nadech na matagal nang bedridden.

Ang pagkakaroon ng karamdaman ni Yoshio ang dahilan kaya hindi siya nakasipot nang ikasal sina Nadech at Yaya sa Khon Kaen at Oslo, Norway.

Nadech Kugimiya with his adoptive father
Photo/s: CTTO
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang adoptive mother at tiya ni Nadech na si Sudarat “Kaew” Kugimiya ang nagbahagi sa social media ng mga video at larawan mula sa kasal ng kanyang anak at manugang na naganap ngayong Sabado.

Inilahad ni Kaew sa kanyang Instagram post na napaluha siya nang masaksihan niya ang personal na paglalagay ni Nadech ng kurbata sa ama nito bago naganap ang kasal. “

"The love of a child who cares for his father made it to perfection.

"With Papa Yoshio, the most handsome on his beloved son’s big day,” ang bahagi ng kuwento ng ina ni Nadech.

Lubos ang ligaya ni Kaew sa araw ng kasal sa Bangkok ng kanyang anak dahil kumpleto sila.

Read: Thai stars Nadech Kugimiya, Yaya Sperbund are now engaged

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadech Kugimiya and Yaya Sperbund seen with his adoptive father Yoshio Kugimiya and adoptive mother Kaew Kugimiya.
PHOTO/S: @kengnaruemityarn Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results