PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Viral: “Pinoy” hits back at "pickpocket" in Rome; celebs react

"Ninong Manny will be proud," a netizen's comment reads.
by Bernie V. Franco
Published 1 Hour ago
Viral pickpocket in Rome
A viral video now circulates online where a supposed Filipino stands up to the an alleged pickpocket due to bullying claims in Rome, Italy. Celebrities like Charo Santos-Concio, Bretman Rock, Eula Valdes, among others, cheer on the Pinoy.
PHOTO/S: DJE Media on YouTube

Viral ngayon at sunud-sunod ang pag-repost ng video ng sinasabing Pilipino na nakipagsuntukan sa isang diumano’y mandurukot sa Rome, Italy.

Sa sobrang pagka-viral ng video, pati mga artista ay napa-react at kinatigan ang pagpalag ng sinasabing Pinoy sa umano'y pambu-bully ng pinaghihinalaang pickpocket.

Ang ni-repost na video na kinasasangkutan daw ng Pilipino ay mula sa video ng vlogger na si DJE Media sa YouTube. Ipinost ito nitong July 21, 2026.

Sa YouTube channel ng vlogger, nakalagay sa kanyang description na ipinapakita niya ang everyday life sa United Kingdom at Europe.

Pero karamihan sa recent content niya ay pagpapakita ng street crimes sa iba-ibang lugar.

Isa na nga rito ay ang video niya ng underground train station sa Rome.

Sa video ng vlogger, makikita na mayroon siyang tatlong kasamang kalalakihan, isang foreigner at dalawang mistulang Pinoy.

Ang tatlong ito, malinaw na nagsilbing guides ng vlogger sa pag-iikot nila sa train station sa Rome para tukuyin ang mga pickpockets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batay sa video, kilalang-kilala ng dalawang Pinoy ang mga pickpockets na nambibiktima ng mga pasahero sa train station.

Kung panonoorin ang video bukod sa anyo ay bakas din sa pananalita na posibleng Pilipino nga ang dalawa.

Paulit-ulit ding maririnig sa public address system sa train station ang paalala na mag-ingat sa mga mandurukot.

Kapag naabutan ng grupo ng vlogger ang isang alleged pickpocket, kinukumpronta nila ito sa public train station, iniis-spray-an ng pepper spray, at binabalaan ang mga nasa paligid na ingatan ang kanilang mga gamit.

THE CONFRONTATION

Ang nag-viral clip ay mula sa higit isang oras na video ng vlogger. Pagkatapos ay sunud-sunod ang pag-repost sa video clip sa social media.

Ipinakita sa clip nang magkainitan ang Pinoy at ang alleged pickpocket.

Nagsimula ito nang tinukoy ng dalawang Pinoy ang dalawang binatang banyaga sa train station.

Kinumpronta ng grupo ng vlogger ang dalawang binata, at tinatanong sila kung bakit sila nagnanakaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nagpakita ng takot ang dalawang binata.

Ang isa sa kanila ay naglabas pa ng kanyang private part habang binibidyohan sila ng vlogger.

Nang sumakay sa train ang dalawang binata, sumunod ang vlogger. kasama ang dalawang Pinoy, at isa pang kasamang foreigner.

Habang nasa loob ng train, nagkainitan ang Pilipinong nakapulang t-shirt at ang isa sa dalawang binata.

Tinatawag ng Pinoy ang binata ng "pickpocket," at sumigaw ang binata ng “Filipina! Filipina!”

Hindi ito nagustuhan ng Pinoy. Nagkahamunan ang dalawa. Ang Pinoy ang unang nang-headbutt.

Pagkatapos ay sinuntok siya ng binata. gumanti naman ang Pinoy, at nagkagulo na sa loob ng train. Nakisali na rin ang isa pang Pinoy, ang foreigner, at ang isang kasama ng sinasabing mandurukot.

Nagtulungan ang grupo ng vlogger at natalo nila ang sinasabing mandurukot.

Viral Pinoy Rome
The man in red t-shirt, supposedly a Filipino, pins down an alleged pickpocket inside the train in Rome.
Photo/s: DJE Media on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: OFW’s “lakas ng loob” made him a restaurant owner in Canada

CELEBRITIES, NETIZENS REACT

May mga social media accounts na ni-repost ang insidente at pinuri ang Pilipino.

Nakalagay sa titulo na hindi raw umurong ang Pilipino sa pambu-bully.

Nakatawag pansin ito sa maraming Pinoy netizens, at maging ang mga kilalang personalidad at celebrities.

Ni-repost at pinusuan pa ni Charo Santos ang reposted clip via Instagram.

Komento ni Pokwang, “You deserve that Pacquiao’s punch bro!! t*ng *n* kayo hahhaahahaha”

Nagpakita rin ng pagsuporta si Bretman Rock.

Halata rin ang gigil ni Pokwang na sumagot pa sa mga kapwa niyang nainis sa sinasabing mandurukot.

“Kuya ate,” komento nito.

Charo Santos repost
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Pokwang comment
Bretman Rock
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gigil nyo ako!” komento naman ni Eula Valdez na may kasama pang angry emoji.

Gumamit naman ng “clapping hands” emojis si IC Mendoza upang magpakita ng suporta sa Pinoy.

Pagsuporta naman ni Enzo Pineda, “Bullying should never be tolerated esp if they are disrespecting your country. Let’s go kuyas.”

Eula Valdes
IC Mendoza
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Enzo Pineda

Sunud-sunod din ang ipinakitang pagsuporta ng mga Pilipino at netizens sa mga Pilipino.

Ang iba idinaan sa biro ang kanilang komento.

“Ninong Manny will be so proud,” sabi ng isa.

Komento ng isa pa, ang bilin ng nanay na basta huwag lang mangunguna sa away.

“Powered by rice,” hirit ng isa pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
comments 1
comments 2
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nagsabing huwag daw kalimutan na si Manny ay isang Pilipino at marami sa kagaya niya ang marunong lumaban.

Ang iba, nagpaliwanag na bagama’t mababait ang mga Pilipino, huwag daw silang maliitin dahil marunong silang lumaban.

Samantala, wala pang lumalabas na ulat ukol sa pangyayari at hindi pa natutukoy ang mga taong sangkot sa isyu.

comments 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A viral video now circulates online where a supposed Filipino stands up to the an alleged pickpocket due to bullying claims in Rome, Italy. Celebrities like Charo Santos-Concio, Bretman Rock, Eula Valdes, among others, cheer on the Pinoy.
PHOTO/S: DJE Media on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results