Pumanaw ang Oscar-winning singer-songwriter na si Glen Hansard dahil sa single-vehicle motorcycle accident sa Dublin, Ireland, madaling-araw ng Miyerkules, July 29, 2026.
Siya ay 56.
Ayon sa ulat ng The Irish Times, galing si Hansard sa The Wren's Nest pub para dumalo sa isang trad session—isang casual gathering ng mga musikero na tumutugtog ng traditional Irish music.
Matapos ang music session, umalis siya lulan ng kanyang motorsiklo at bumiyahe sa Lower Road.
Ngunit wala pang dalawang milya ang layo mula sa pub ay naganap ang malagim na trahedya na ikinasawi ng kanyang buhay.
Dahil walang ibang sasakyang sangkot sa insidente, wala umanong isasagawang criminal investigation.
Gayunman, magsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang sanhi ng aksidente at makabuo ng ulat para sa coroner's inquest.
Isasailalim din ang bangkay ni Hansard sa post-mortem examination, kabilang ang toxicology test, upang malaman ang eksaktong dahilan ng kanyang pagkamatay.
Kinumpirma rin ng management ni Hansard ang kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag.
Nakasaad dito: "With broken hearts we announce the passing of Glen Hansard in the early hours of this morning.
"We are still dealing with the shock of it all, so we kindly ask that the privacy of Glen’s family, colleagues and friends is respected at this difficult time."
View this post on Instagram
Naulila ni Hansard ang kanyang asawang Finnish poet na si Maire Saaritsa at ang kanilang anak na isinilang noong 2022.
Read: Godzilla vs. Kong star Kaylee Hottle, 18, dies in car crash
GLEN HANSARD: FROM BUSKER TO OSCAR WINNER
Nagsimula si Hansard bilang isang busker o street performer sa Dublin.
Noong 1990, pinangunahan niya ang Irish rock band na The Frames, na naglabas ng anim na studio albums mula 1991 hanggang 2006.
Mas nakilala siya sa buong mundo nang magbida at magsulat ng musika para sa 2007 independent film na Once.
Kasama niya rito ang Czech singer-songwriter na si Markéta Irglová, na naging kapareha rin niya sa folk duo na The Swell Season.

Ang duet nina Hansard at Irglová na "Falling Slowly" ay nagwaging Best Original Song sa 2008 Academy Awards.
Dahil sa tagumpay ng pelikula, ginawa rin itong Broadway musical na nanalo ng walong Tony Awards noong 2012.
