Pumanaw na ang American actress na si Hayden Panettiere sa edad na 36.
Kinumpirma ng ama ni Hayden na si Skip Panettiere ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang statement na ipinadala nito sa ABC News.
“It is with profound sadness that we share the tragic passing of our beloved Hayden.
"She was an incredible light and a force of nature who brought immeasurable love and joy to all who knew her — and to the millions who watched her onscreen,” saad ng ama ng aktres.
Hiniling din ng pamilya ni Hayden na bigyan sila ng privacy "as our family takes time to process this unimaginable loss."
Hindi pa direktang tinutukoy kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Hayden.
Read: "Falling Slowly" singer Glen Hansard dies in motorcycle accident
HAYDEN'S BATTLE WITH DEPRESSION AND ADDICTION
Nitong unang bahagi ng 2026 ay isiniwalat ni Hayden ang pakikipaglaban niya sa postpartum depression at addiction, na naging dahilan ng desisyon niyang ibigay ang custody ng kanyang nag-iisang anak na babae, si Kaya Evdokia Klitschko, noong 2016.
Si Kaya ay anak ni Hayden sa dati niyang partner, ang Ukrainian professional boxer na si Wladimir Klitschko
Kamakailan ay inilabas ni Hayden ang kanyang memoir na This is Me: A Reckoning, na naging tampok sa mga balita dahil sa mga rebelasyon nito, kabilang ang tungkol sa kanyang past relationships.
Noong 2024, ibinahagi ni Hayden ang sakit at pagdadalamhati niya matapos biglang pumanaw ang kanyang nakababatang kapatid na si Jansen noong 2023 dahil sa hindi natukoy na kondisyon sa puso.
“When you lose somebody that that you saw in all the important moments in your life, standing right next to you, it just rocks your world,” sabi ng aktres sa TODAY show.
HAYDEN PANETTIERE'S ACTING CAREER
Nagsimula ang acting career ni Hayden noong 11-month-old lamang siya nang lumabas siya sa TV commercials.
Simula four years old ay lumabas na siya sa mga soap opera gaya ng One Life to Live at Guiding Light.
Kabilang sa memorable acting projects ni Hayden ay ang mga TV series na Heroes (2006-2010) at Nashville (2012-2018); at mga pelikulang A Bug's Life (1998), Remember The Titans (2000), Ice Princess (2005), Bring It On: All or Nothing (2006), at Scream 4 (2011).
Read: Late announcement: Spider-Man actress Mary Rivera dies at 82
