Ikinagulat ng maraming pageant fans ang pag-dethrone kay Miss Grand USA 2026 Mekayla Li ng Massachusetts, makalipas lamang ang mahigit isang linggo matapos siyang makoronahan
Sa Instagram nitong Miyerkules, August 19, 2026, inanunsiyo ng Miss Grand USA Organization ang pag-terminate nila kay Mekayla mula sa kanyang titulo at korona.

Hindi sinabi ng organisasyon ang dahilan ng dethronement ni Li.
Pero mababasa sa kanilang pahayag ang tungkol sa contractual obligations na dapat daw mapanindigan ng titleholder.
Buong pahayag ng organisasyon: "Miss Grand USA announces the termination of Mekayla Li’s reign and her release from the Miss Grand USA Title and all associated duties. This decision was made in accordance with contractual policies outlined by the Miss Grand USA organization.
"We ask that all dialogue surrounding this transition remain respectful. Miss Grand USA stands firmly against bullying, harassment, defamation, degrading remarks and personal attacks of any kind."
View this post on Instagram
Read: Sugarpop member Vanessa Rangadhol dies at 30 after accident
SPECULATIONS ABOUT mekayla li's DETHRONEMENT
Bago ang pageant night ng Miss Grand USA 2026 noong August 10, sa Las Vegas, Nevada, nagtungo si Mekayla sa Pilipinas para sa kanyang final training
Siya ay nag-train sa ilalim ng pageant coach na si Kenneth Ganaba simula July 4.
Si Miss Grand International 2024 CJ Opiaza ang isa sa naging host ng Miss Grand USA 2026, habang bisita naman si Miss Grand International 2025 Emma Tiglao at MGI Vice President Ms. Teresa.

Iba't ibang espekulasyon ang lumabas tungkol sa pagkaka-dethrone ni Mekalya.
Ayon sa ilang pageant sites, dati daw may asawa si Mekayla at na-divorce na ito. Mahigpit na patakaran ng Miss Grand International na bawal may asawa sa pageant.
May kinakaharap din daw itong isang civil case sa Amerika.
Read: Joy Belmonte responds to student's open letter on class suspension
WILL First Runner-up VICTORIA OLUWAKOTANMI takes over?
Samantala, wala pang desisyon kung ang first runner-up na si Victoria Oluwakotanmi ng Indiana ang ipapalit na Miss Grand USA 2026.
View this post on Instagram
Komento ni Miss Grand International 2022 Isan Menin tungkol kay Victoria: "I am SO proud of you!
"You were absolutely incredible, and I hope you know that a result could never take away from everything you showed on that stage. This is only the beginning.
"You showed everyone the woman and queen you are, and I couldn’t be prouder to have been part of your journey."

Marami ring fans ang umaasang si Victoria ang tanghaling bagong Miss Grand USA 2026.

At may nagsabi ring magkikita sila sa India para sa Miss Grand International 2026.

Read: Magui Ford, Robbie Jaworski make romance public with HK trip
