Tinamaan ng aberya ang Live Final ng 75th Miss World ngayong gabi, September 5, 2026.
Ito ay matapos umulan nang malakas sa outdoor venue ng nasabing pageant, na ginanap sa April 2nd Square sa Nha Trang, Vietnam.
Napansin ng mga nanonood sa livestream ang mahabang commercial break na umabot ng lagpas 25m minutes pagkatapos ng evening gown competition.
Pero sa mga social media posts ng mga nanoood mismo sa venue, makikita ang malakas na pagbagsak ng ulan, na siyang naging dahilan ng paghinto muna sa kompetisyon.

Maraming Pilipino ang nakatutuok sa Miss World pageant upang suportahan ang laban ni Asia Rose Simpson, na mula sa Quezon City.
Nagsimula ang Live Final bandang alas otso ng gabi. Sa simula ng programa, unang ipinakilala ang 111 kandidata mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, sa pamamagitan ng pagtanghal ng Dances of the World.
Dito pa lang ay makikitang malakas ang laban ni Asia Rose, dahil nasa gitna siya nang ipakilala ang lahat ng kandidata mula sa Asia at Oceania.
Nasa gitna rin siya nang sabay-sabay na sumayaw ang lahat ng kasali.
Suot ng beauty queen mula sa Quezon City ang isang modern version ng Maria Clara outfit na kulay pink at may mga bulaklak. Idinisenyo ito ni Renel Suarez.
Read: FULL TRANSCRIPT: Miss World 2026 Top 6 Final Q&A portion
EVENING GOWN COMPETITION
Matapos ang mga patalastas ay nagsimula na ang evening gown competition. Unang lumakad ang 28 candidate mula sa kontinente ng America at Caribbean, sumunod ang 25 candidates mula sa Africa.
Pagkatapos ay naganap ang mahabang break dahil sa ulan. Lampas alas-nuwebe ito nangyari.
Pagbalik ng program ay ipinakilala naman ang 32 candidates mula sa Europe, saka 26 candidates ng Asia at Oceania.
Dito ipinamalas ni Asia Rose ang kanyang poise sa paglalakad sa stage, suot ang intricately-beaded gown na may kulay purple at silver.
Mayroon din itong kulay magenta na detached wing sleeves na may fluid movement effect habang siya ay naglalakad.
Sumisimbilo ang gown sa isang namumukadkad na lotus, at idinisenyo ito ni Ryan Ablaza Uson.
Read: Joheirry Mola Dominguez of Dominican Republic is Miss World 2026

TOP 40 CANDIDATES
Matapos ang evening gown competition ay inanunsiyo na ang mga kandidatang nakapasok sa Top 40 sa 75th Miss World.
Sa bawat grupo ay may kinuhang Top 10.
Binuo ang Top 10 mula sa mga nagwagi sa mga fast-track competitions—tulad ng Best in Talent, Best in Sports, Head-to-Head Challenge, Multimedia, Top Model, Beauty with a Purpose, at People’s Choice—at sa mga pinili ng mga hurado.
Nakasuot ang lahat ng contestant ng ao dai, o a traditional Vietnamese dress, habang ginagawa ang announcement.

Unang ibinulgar ang Top 10 ng America at Caribbean.
Anim ang fast-track winners: Puerto Rico (Sports), French Guyana (Multimedia), Trinidad and Tobago (Head-to-Head Challenge), Dominican Republic (Top Model), Belize (Beauty with a Purpose), at Canada (People’s Choice).
Jury's choice: Peru, Brazil, Argentina, at United States.
Sa Europe naman ay lima ang fast-track winners: England (Talent), Germany (Head-to-Head Challenge and Multimedia), France (Top Model), Spain (Beauty with a Purpose) at Gibraltar (People’s Choice).
Jury's choice: Belgium, Ukraine, Wales, Poland, at Scotland.
Lima rin ang fast-track winners para sa Africa: Zambia (Multimedia), South Africa (Head-to-Head Challenge), Nigeria (Top Model), Zimbabwe (Beauty with a Purpose), Eritrea (People’s Choice).
Jury's choice: Mozambique, Malawi, Kenya, Tanzania at Senegal.
Panghuling tinawag ang Top 10 sa Asia at Oceania. Pasok sa fast-track winners si Asia Rose Simpson bilang Head-to-Head Challenge winner.
Ang Head-to-Head Challenge ay ang preliminary competition sa Miss World na sumubok sa public speaking skills ng mga kandidata.
Wagi rin sa fast-track ang Indonesia (Multimedia), Vietnam (Top Model), Malaysia (Beauty with a Purpose), at Cambodia (People’s Choice).
Jury's choice: China, Cook Islands, India, Turkey, at Lebanon.

TOP 20 CANDIDATES
Mula sa Top 40 ay pinili na ang mga kandidatang pasok sa Top 20.
Unang inihayag ang dalawang standouts sa Beauty with a Purpose Challenge—sina Miss World Malaysia Taanusiya Chetty at Miss World Zimbabwe 2026 Makanaka Makanyiso.

Sunod na inanunsiyo ang tatlong overall winners sa tatlo pang fast-track competition.
Dinig ang sigawan sa venue nang tawagin si Asia Rose Simpson bilang overall winner ng Head-to-Head Challenge.
Ang Zambia naman ang nanalo sa Multimedia Challenge, at ang France ang Miss World Top Model.
Mga hurado na ang pumili sa huling 15 na pasok din sa Top 20: Peru, United States, Argentina, Dominican Republic, Brazil, Cook Islands, China, Vietnam, Senegal, Kenya, South Africa, Spain, Belgium, Gibraltar, at Ukraine.

TOP 12 ANNOUNCEMENT
Sinuot muli ng mga kandidata ang kanilang mga evening gown para sa pag-anunsiyo ng Top 12.
Pasok agad dito ang Beauty with a Purpose challenge winners ng Malaysia at Zimbabwe.
Walo naman ang pinili ng mga hurado. Pasok muli rito si Asia Rose Simpson ng Pilipinas.

Kasama rin sina Gabriela Botelho ng Brazil; Joheirry Mola Dominguez ng Dominican Republic; Le Nguyen Bao Ngoc ng Vietnam; Romanda Hombir ng South Africa; Adah Mushibi ng Zambia; Indira Ampiot ng France; Elisabeth Alabern ng Spain.
Huling tinawag sina Snit Tewoldemedhin ng Eritrea at Soye Karibi-George ng Nigeria, na nakapasok dahil nakakuha sila ng pinakamaraming boto sa official live online voting ng Miss World.
Nagulat ang dalawa dahil hindi sila nakapasok sa Top 20.
TOP 6 ANNOUNCEMENT
Matapos ang isang Question and Answer round para mas makilala pa ang mga kandidata ay pinili na ang mga nakapasok sa Top 6.
Unang nakapasok si Snit Tewoldemedhin ng Eritrea, na nakakuha ng pinakamaraming online votes.
Pasok din sa Top 6 si Taanusiya Chetty ng Malaysia, na overall winner ng Beauty with a Purpose challenge.

Nasa Top 6 din sina Joheirry Mola Dominguez ng Dominican Republic, Elisabeth Alabern ng Spain, Romanda Hombir ng South Africa, at Le Nguyen Bao Ngoc ng Vietnam.

Dito na nagtapos ang laban ni Asia Rose Simpson ng Pilipinas sa 75th Miss World pageant.
MISS WORLD 2026 WINNER
Sa huli ay naglaban ang anim na candidates sa isa pang Question and Answer round, kung saan sinagot nila ang tanong ng napili nilang hurado.

Sa Q&A round na ito umangat si Joheirry Mola Dominguez ng Dominican Republic.
Ang tanong sa kanya ay tungkol sa kanyang Beauty with a Purpose initiative, at kung paano niya ito papalawigin kung manalo siya bilang Miss World 2026.
Sagot ni Joheirry, ang pagtuturo ng English sa mga kabataan ang kanyang Beauty with a Purpose project.
“...to take English program to kids in vulnerable communities because I believe that when they know this language, the opportunities, the doors that get open to their life, it's a huge, big doors.
"Because I was talking to the girls, and telling them that thanks to that tool, we are here, we have the tool to express our feelings, to express our purpose, and for me it's something that I will take always in my heart, that I could give those kids something very important, that is a tool that going to work for the rest of their life,” pahayag niya.
Sa huli, si Joheirry ang kinoronahan bilang Miss World 2026.
Ang 24-year-old beauty queen ay isang teacher, news correspondent, at model.
First runner-up naman si Elisabeth Alabern ng Spain, at at second runner-up si Taanusiya Chetty ng Malaysia.