Laman ng iba’t ibang foreign media outlets ang balita ukol sa pagpanaw ni Chen Ziyi, kilalang Chinese female content creator na mahilig magmukbang.
Mas kilala bilang si Ganpan Yingying, mayroon siyang 1.2 million followers sa social media.
Isa sa kanyang sumikat na videos ay ang pagkain niya ng 60-70 duck eggs in one sitting.
Nakapag-post pa ng video ang content creator tungkol sa kanyang pagkakaospital bago pumanaw.
Binanggit niya rito ang kanyang hypokalemia, isang medical condition kunsaan mababa ang level ng potassium sa dugo.
Ayon sa iba’t ibang Chinese news outlets nitong September 8, 2026, noong August 17, 2026, pumanaw ang dalaga, pero ang opisyal na anunsiyo ng kanyang mga magulang ay noong September 4.
Hindi binanggit ng mga magulang niya ang cause of death sa inilabas na obituary. Pero isang kaibigan ng influencer ang nagsabi umanong matagal nang hypokalemic si Chen, na posibleng nagkaroon ng cardiac arrest.

Read: With six months to live, dad builds safe haven for autistic son
VIDEO BEFORE DEATH
Ipinost ni Chen ang kanyang video noong August 14, 2026. Namatay siya makalipas ang tatlong araw.
Nagdetalye siya sa video kung paano siya nagkasakit.
Para raw mas epektibo ang kanyang live selling, kailangan niyang gawin ito habang kumakain.
Paalala niya, "Earning money is important, but health always comes first."
Sinabi rin niyang hindi iyon ang unang beses na na-ospital siya dahil sa hypokalemia.
CAUSES and symptoms OF HYPOALEMANIA
Ulat ng The Asia Business Daily, isang South Korean media outlet, si Chen ay nagsasagawa ng self-induced vomiting pagkatapos niyang magmukbang.
Gawain umano ito ng ibang mukbangers, kabilang din ang pag-inom ng laxatives. Ito ang mga paraan para mailabas ang sobrang daming kinain.
Ilan daw sa sintomas ng hypokalemia ay pagkahapo, na puwedeng mapagkamalan na general fatigue, ayon kay Dr. Cai Qichen, deputy director ng Family Medicine sa Zhejiang Hospital sa China.
Nakakaranas din panghihina ng mga paa at hirap sa paglalakad, o kaya ay ang biglang pagbagsak kapag matagal na nakatayo.
Ang panghihina raw ng muscles sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay maaring umabot sa respiratory muscles na magiging sanhi ng hirap sa paghinga.
"In particular, acute hypokalemia can cause abnormalities in the heart's electrical activity, increasing the risk of sudden death,” babala ng doktor.
Read: Pinay tourist slams "bullying" of older Pinoys in Switzerland
