PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lady Gaga gives birth to baby with fiance Michael Polansky

Lady Gaga spotted in first public appearance with her newborn baby.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
Lady Gaga gives birth to baby with Michael Polansky
Lady Gaga welcomes first child with fiance Michael Polansky; makes first public appearance as a mother.
PHOTO/S: @ladygaga Instagram

Ang pagsisilang ng sanggol ni Lady Gaga, 40, ang breaking news ng mga entertainment news site sa Amerika ngayong Sabado, Setyembre 12, 2026.

Pero maliban sa kumpirmasyon na nanganak ang popular American singer, walang ibang detalye tungkol sa kasarian at petsa nang iluwal niya ang bata.

Nakumpirma na may anak na si Lady Gaga dahil sa mga eksklusibong larawan na inilabas ng Page Six ng New York Post.

Makikita sa mga inilabas na litrato na karga-karga ng pop superstar ang kanyang anak habang naglalakad sila ni Michael Polansky, 42, sa isang lugar sa Northern California.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita si Lady Gaga ng publiko matapos ang kanyang Mayhem concert tour noong Abril 2026.

Si Polanksy ang philantrophist at entrepreneur na ama ng sanggol na hindi pa rin isinisiwalat ang pangalan.

Nangyari noong Abril 2024 ang engagement nina Lady Gaga at Michael, pero nalaman lamang ito ng publiko noong Hulyo 2024 nang dumalo sila ni Polansky sa Paris Olympics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakilala ni Lady Gaga si Polansky kay French Prime Minister Gabriel Attal bilang fiancé niya.

Nagpahiwatig naman si Lady Gaga ng pagkakaroon ng anak sa panayam sa kanya sa The Late Show with Stephen Colbert noong Nobyembre 2025.

Sinabi ni Lady Gaga kay Colbert na ang “motherhood “ ang kanyang susunod na starring role.

Noong Marso 2026, inilahad ni Lady Gaga ang plano nila ni Polansky na magpakasal pero hindi siya nagbigay ng detalye tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lady Gaga welcomes first child with fiance Michael Polansky; makes first public appearance as a mother.
PHOTO/S: @ladygaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results