Tinanggal na sa natitirang U.S. dates ng Loop Tour ni Ed Sheeran ang American rapper na si Macklemore matapos ang kanyang mga pahayag bilang suporta sa Palestine.
Kinumpirma mismo ng 43-anyos na Grammy-winning artist ang kanyang pagkakatanggal sa isang mahabang Instagram post nitong Lunes, Setyembre 14, 2026, kung saan tinalakay niya ang kontrobersiyang umusbong matapos niyang sabihin ang “Free Palestine” sa entablado.
Si Macklemore ay isa sa mga opening act ni Sheeran para sa U.S. leg ng Loop Tour.
Naging usap-usapan ang kanyang pagkatanggal matapos umanong tumutol ang ilang venue owners sa kanyang pagkakasama sa lineup kasunod ng kanyang pro-Palestine remarks sa MetLife Stadium sa New Jersey noong Setyembre 4 at 5.

MACKLEMORE: “I AM NOT A VICTIM”
Sa kanyang pinakabagong Instagram post, kinumpirma ni Macklemore na nagpasya si Sheeran at ang kanyang team na alisin siya sa natitirang bahagi ng tour.
“I’m not sure how to start this. So I’m going to speak from the heart and share the truth. Ed Sheeran and his team have more the decision to remove me from The Loop tour,” simula ng American rapper
Binigyang-diin ni Macklemore na hindi niya itinuturing na biktima ang sarili, gayundin sina Sheeran at singer na si Pink, na nabanggit din niya sa kanyang post.
Saad niya: “But before I get into it, I want to say something that should be obvious. In this moment I think it matters.
"I am not a victim. Ed Sheeran is not a victim. Pink is not a victim.
"We have careers, money, opportunities, safety and audiences around the world. Whatever consequences any of us face for what we say, we get to go home to our families.”
Ayon kay Macklemore, ang tunay na mga biktima ay ang mga Palestinian na patuloy na nakararanas ng epekto ng digmaan.
“The victims are the Palestinian people. The men, women and children who have been killed, starved, displaced and forced to live through unimaginable violence.”
Read: Australian HYROX athlete Joanna Wietrzyk makes headlines after diarrhea incident
STADIUM OWNERS' ALLEGED DECISION
Iginiit ni Macklemore na lalong lumaki ang kontrobersiya matapos umanong makipag-ugnayan kay Sheeran ang New England Patriots owner na si Robert Kraft.
Ayon sa rapper, sinabi sa kanya ni Sheeran na sinabi ni Kraft, na siyang may-ari ng Gillette Stadium sa Massachusetts, na hindi maaaring mag-perform doon si Macklemore.
Iginiit din ni Macklemore na nakipag-ugnayan umano si Kraft sa iba pang stadium owners at binigyan si Sheeran ng ultimatum: alisin si Macklemore sa tour o hindi nila pahihintulutang idaos ang kanyang mga concert.
Samantala, kinumpirma ng Messina Touring Group, promoter ng U.S. tour ni Sheeran, na ilang venues ang nagsabing hindi nila pahihintulutang matuloy ang concert kung kasama pa rin sa lineup si Macklemore.
Ayon sa promoter, nagkaroon ng mga pag-uusap sa mga stakeholder dahil maaaring mauwi sa pagkansela ng mga concert na dadaluhan ng daan-daang libong fans kung mananatili si Macklemore sa tour.
Hindi pa naman naglalabas ng pampublikong pahayag ang mga kinatawan ni Kraft tungkol sa mga alegasyon ni Macklemore.
Read: Alden Richards breaks down as he opens up about pressure to find love at 34
ED SHEERAN: “FREE PALESTINE” WAS “HURTFUL”
Ibinahagi rin ni Macklemore ang naging pag-uusap nila ni Sheeran, na matagal na raw niyang kaibigan at tinawag na “brother.”
Ayon kay Macklemore, sinabi ni Sheeran na ang mga salitang “Free Palestine” at ang Palestinian flag ay “hurtful to a lot of people.”
Nauunawaan daw niya ang mahirap na posisyon ni Sheeran, ngunit hindi siya sang-ayon sa desisyon nitong manatiling neutral sa isyu.
Aniya, may kaakibat na kapalit ang pagpanig sa isang isyu—kabilang na ang pera, sponsorships, opportunities, relasyon, at access—at naranasan na niya ang mga epekto nito dahil sa kanyang activism.
Nagsimula ang kontrobersiya matapos ang performance ni Macklemore sa MetLife Stadium noong Setyembre 4.
Sa kanyang pagtatanghal, sinabi niya sa audience na nais niyang malaman ng mga tao sa Gaza at occupied West Bank na hindi sila nakalimutan.
Inawit din niya ang kanyang protest song na “Hind’s Hall,” na tumutukoy sa pro-Palestinian student demonstrations sa Columbia University.
Sa kanyang mensahe, nilinaw ni Macklemore na ang kanyang mga kritisismo laban sa Israel ay hindi dapat ituring na pag-atake sa mga Jewish people.
“My message is for peace, love, for all human beings to be treated with dignity, respect and equality,” diin niya.
Kasunod nito, naglunsad ang Israeli-American Council ng petition na humihiling na alisin si Macklemore sa tour.
MACKLEMORE: “THE STAGE BECOMES RESISTANCE”
Sa kanyang latest post, kinuwestiyon ni Macklemore kung bakit ngayon lang naging malaking isyu ang kanyang mga pahayag nang mapasama siya sa stadium tour ni Sheeran.
Halos tatlong taon na raw niyang ipinapahayag ang kanyang suporta sa Palestine sa iba’t ibang entablado sa buong mundo.
“So why is it an issue now? Because now I’m sharing a stage with one of the biggest artists in the world, in some of the biggest stadiums in America.”
Ipinaliwanag ni Mackelmore kung bakit naniniwala siyang naging sensitibo ang kanyang mensahe nang mas lumaki ang audience niya.
Saad niya: “At a certain level of exposure, ‘Free Palestine’ becomes too much of a risk.
"If I kept doing shows, saying ‘Free Palestine,’ with Ed implicitly supporting it, the crowd getting loud and showing undeniable support for Palestinian liberation, what artist might speak out next?
"The stage becomes resistance. Maybe that’s why this time it became so important to silence me.”
Read: Kim Chiu's sister Lakam charged in PHP44.4M qualified theft case
View this post on Instagram
"most successful tour"
Sa kabila ng nangyari, sinabi ni Macklemore na ayaw niyang matapos ang kanyang pagkakaibigan kay Sheeran dahil lamang sa kanilang hindi pagkakasundo.
“Thirteen years of friendship doesn’t disappear because of one painful disagreement.
"I hope we both continue listening, studying what is happening in Palestine and wrestling with what neutrality means in a moment like this.
"My door will always be open to continuing that conversation,” pahayag niya.
Sinabi rin ni Mackemore na hindi niya kailangan ang lahat ng natitirang concert dates para maipahayag ang kanyang mensahe.
“I needed 2. Two chances to stand in front of 90,000 people and say the words that somehow became too dangerous to say. Free Palestine.”
Sa huli, sinabi ni Macklemore na kung ang pagkakatanggal niya sa tour ay magdudulot ng mas malaking atensiyon sa kalagayan ng Palestine, itinuturing niya itong malaking tagumpay.
“But if those words cost me the stage, while turning the conversation back to Palestine, then it was the most successful tour I’ve ever been on.”
View this post on Instagram
Read: Tinglayan reminds tourists to respect Apo Whang-od, Kalinga batok
