Tuluyan nang nagkagulo ang The Loop Tour ni Ed Sheeran matapos tanggalin sa lineup ang rapper na si Macklemore kasunod ng pahayag nitong “Free Palestine” sa isang concert sa New Jersey.
Pero hindi rito nagtapos ang kontrobersiya.
Matapos magsalita si Ed at igiit na hindi siya ang nagdesisyong alisin si Macklemore sa tour, sunud-sunod nag-withdraw ang lahat ng natitirang support acts, pati na ang touring band ng British singer.
Kabilang dito sina Finneas, Aaron Rowe, Lukas Graham, at ang Beoga.
Kapansin-pansin na sa kani-kanilang pahayag, malinaw na ipinakita ng mga artist ang kanilang suporta sa karapatan ni Macklemore na magsalita tungkol sa Palestine.

Ed Sheeran BREAKS HIS SILENCE
Sa kanyang statement, direktang nilinaw ni Ed na hindi siya ang nagtanggal kay Macklemore.
“Macklemore coming off tour was the promoter’s decision, it was not mine,” diin niya.
Ayon kay Ed, ang kontrata ni Macklemore ay direkta sa promoter at hindi sa kanya.
Ipinaliwanag din ng Bristish singer na matapos ang mga performance ni Macklemore sa kanyang New Jersey shows, sinabi umano ng ilang venue owners na hindi nila itutuloy ang mga concert kung mananatili ang rapper sa lineup.
Nakipag-usap daw siya nang matagal sa venue owners at maging sa iba't ibang panig upang subukang makahanap ng solusyon.
“I spoke with the venues at length all week to try and build a bridge.”
Ngunit sa huli, sinabi niyang naging pinal ang desisyon ng mga venue at promoter.
Nilinaw rin ni Ed na bagamat mayroon siyang sariling pananaw tungkol sa Israel-Palestine conflict, pinili niyang huwag gamitin ang kanyang concert platform bilang political forum.
“I am not complicit,” sabi nito.
Dagdag pa niya: “I have my personal views on this devastating conflict.
"Just because I choose not to speak publicly, it doesn't mean I don't have them, and it doesn't mean I don't care.”
Ayon kay Ed, iba-iba ang background ng kanyang audience at marami sa mga nanonood sa kanyang concerts ay mga kabataan.
“There is a reason I do not use my professional platform for politics — my audience includes young people, often children, of all backgrounds.”
Sa kabila nito, sinabi ni Ed na nirerespeto niya ang paninindigan ni Macklemore.
“I respect Macklemore's strength of purpose to stand up and shout for what he believes.”
Para kay Ed, maaari umanong magkaroon ng iba't ibang paraan para maabot ang iisang layunin.
“There is room for multiple approaches to the same end: peace.”
Sa pagtatapos ng kanyang statement, sinabi ni Ed: “I have spent this week trying to build bridges, to find a solution and unfortunately, was unable to do so.”
At sa gitna ng lahat ng kontrobersiya, ito ang kanyang huling mensahe: “I know who I am, both as a person and as an artist, and those who know my heart know my values too.”
View this post on Instagram
Read: Macklemore dropped from Ed Sheeran tour after "Free Palestine" speech
OTHER ARTISTS WITHDRAW FROM ED SHEERAN'S TOUR
Hindi nagtagal matapos ilabas ni Ed ang kanyang statement, isa-isang inanunsiyo ng kanyang mga kasama sa tour ang kanilang pag-atras
FINNEAS
Isa sa mga unang nag-anunsiyo ng kanyang pag-atras ay si Finneas, kapatid at musical collaborator ni Billie Eilish.
Sa kanyang statement, direkta niyang sinabi: “Artists must not be silenced when they speak up for the oppressed.”
Sinundan niya ito ng malinaw na deklarasyon: “I have decided to withdraw from my upcoming tour dates with Ed Sheeran. I stand with Palestine and its people.”
Nakatakda sanang maging special guest si Finneas sa South American dates ng The Loop Tour.
View this post on Instagram
AARON ROWE
Nagdesisyon din ang Irish singer-songwriter Aaron Rowe na umatras sa tour.
Mas naging personal ang kanyang statement dahil una niyang kinilala ang naging bahagi ni Ed sa kanyang career.
Aniya: “I don’t take the decision lightly. Ed has been a friend to me and has changed my life, I could never thank him enough for this.”
Ngunit sinabi nito ang dahilan kung bakit hindi niya kayang ipagpatuloy ang tour.
“But as Irish people, we know all too well about genocide, forced famine and violent occupation,” saad ni Aaron.
Dito naging mas matindi ang kanyang pahayag tungkol sa umano'y pagpapatahimik kay Macklemore.
“I cannot stand by and allow billionaires to use their position of power to silence the rightful voices of those who speak up against Israeli genocide and who highlight the savage murder of children.”
Sinabi rin ni Aaron na mawawala ang respeto niya sa sarili kung magpapatuloy siya na parang walang nangyari.
“I would lose all respect for myself to carry on as normal.”
Tinapos niya ang kanyang statement sa: “FREE PALESTINE."
View this post on Instagram
LUKAS GRAHAM
Nag-withdraw rin ang Danish artist na Lukas Graham.
Nagpasalamat muna siya kay Ed bago ipinaliwanag ang kanyang desisyon.
Hindi raw naging madali ang naging pasya ni Lukas.
“I love Ed, and i’m grateful for everything we’ve shared. That hasn’t changed,” sabi niya.
Ngunit hindi umano niya kayang ipagpatuloy ang tour habang nananatili ang kontrobersiya.
“But i can’t put these words out into the world and carry on with this tour as things stand.”
Binigyang-diin din ni Lukas ang karapatan ng mga taong magsalita tungkol sa mga digmaan at pagkamatay ng mga sibilyan.
“We should be able to speak about war, about civilians being killed, about children who deserve to grow up. Wherever they live. Whatever flag flies over them.”
At isang linya mula sa kanyang statement ang partikular na naging kapansin-pansin: “Money doesn’t give you the right to own the conversation. Nobody’s bank balance should decide who gets to speak or which suffering we’re allowed to acknowledge.”
Tinapos ni Lukas ang kanyang post gamit ang tatlong watermelon emojis, isang simbolong ginagamit ng marami bilang pagpapakita ng solidarity with Palestinians.
View this post on Instagram
BEOGA
Hindi lamang opening acts ang nawala kay Ed.
Umatras din ang Irish folk band na Beoga, na nagsisilbing bahagi ng touring band niya.
Sa kanilang statement, sinabi ng banda na mahigit isang dekada na nilang kaibigan si Ed at hindi nila minamaliit ang pagkakataong makasama siya sa napakalaking stadium tour.
“We are a traditional Irish band who never saw ourselves playing in stadiums of that size and that opportunity is not lost on us.”
Ngunit hindi raw nila kayang manatili sa mga venue kung saan, ayon sa kanila, pinatatahimik ang mga nagsasalita para sa Palestine.
“As musicians, playing to those crowds every night is the stuff of dreams but to play in venues that silence anyone advocating for a Free Palestine is simply not an option for us.”
Direkta rin nilang sinabi ang kanilang naging reaksyon sa speech ni Macklemore: “We were there for Macklemore’s performance and speech. We fully supported his message, so did most of the audience in MetLife Stadium.”
Dagdag pa ng Beoga, bahagi sila ng Irish Artists for Palestine movement at patuloy nilang isusulong ang kanilang paninindigan.
View this post on Instagram
Read: 2026 Emmys: Widow’s Bay breaks record with 14 wins, The Pitt wins Best Drama
Macklemore: “Free Palestine”
Nagsimula ang kontrobersiya matapos magsalita si Macklemore sa kanyang performance sa MetLife Stadium sa New Jersey.
Habang ipinapakilala ang kanyang protest song na “Hind’s Hall,” sinabi niya ang “Free Palestine” at nagbigay ng mensahe para sa mga Palestinian.
Sinabi rin niya: “To all of my Jewish brothers and sisters, criticism of Israel, criticism of apartheid, being against genocide, it in no way is criticism of you.”
Matapos nito, isiniwalat ni Macklemore sa isang statement na ilang venue ang nagbanta umanong hindi itutuloy ang kanilang mga concert kung mananatili siya sa tour.
View this post on Instagram
Samantala, inamin ng tour promoter na Messina Touring Group na nakatanggap sila ng abiso mula sa mga venue na hindi nila papayagang matuloy ang concert kung kasama si Macklemore sa lineup.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang The Loop Tour ni Ed Sheeran, ngunit wala na ang mga artistang nakatakda sanang sumuporta sa kanya matapos ang kontrobersiyang nagsimula sa “Free Palestine” speech ni Macklemore.
Read: Philippine press freedom icon Eugenia Duran Apostol dies at 100
