“The family is asking for privacy during this very difficult and painful time.”
Ito ang pakiusap ng naulilang pamilya ni Presley Gerber, 27, matapos makumpirma ang kanyang pagpanaw noong September 20, 2026.
Si Presley ay male model at anak ng ‘80s at ‘90s supermodel na si Cindy Crawford at ng asawa nitong si Rande Gerber.
Kinumpirma ng Los Angeles County Medical Examiner na binawian ng buhay si Presley sa isang rehabilitation facility.
Gayunman, hindi pa inilalabas ang sanhi ng kanyang pagpanaw dahil hindi pa kumpleto ang autopsy sa kanyang mga labi.
Ang representative ng pamilya ni Cindy ang nagparating sa media ng kanilang kahilingan na bigyan sila ng privacy habang nagluluksa.
Read: Peter Cullen, iconic voice of Optimus Prime, dies at 85
PRESLEY GERBER AND MENTAL HEALTH
Hindi lingid sa publiko na naging bukas si Presley tungkol sa kanyang mental health struggles.
Noong November 5, 2025, ibinahagi niya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang pinagdaraanan niya at ang desisyon niyang pansamantalang lumayo sa social media upang unahin ang kanyang mental health.
Aniya: “It’s been a minute since I’ve posted—I had to step back and take care of my own mental health for a bit.
“But I’m coming back soon-stronger, clearer, more intentional than ever.
“When I started Mental Health Mondays, the goal was to spark real conversations about the stuff most people hide. It’s been incredible seeing how far that message has spread and how many people it’s helped.
“I’m proud that something I created has inspired others and started a bigger movement around openness and healing.
“And with November being Men’s Mental Awareness Month, the timing couldn’t be better to keep the conversation going.”
Sa naturang post, binigyang-diin ni Presley ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na usapan tungkol sa mental health, lalo na sa mga problemang kadalasang hindi ipinapakita ng mga tao.
View this post on Instagram
Ang kanyang “Mental Health Mondays” campaign ay nilikha upang hikayatin ang mas maraming tao na pag-usapan ang kanilang mga karanasan at pinagdaraanan pagdating sa mental health.
Sa gitna ng pagdadalamhati ng kanilang pamilya, hinihiling ngayon ng mga mahal sa buhay ni Presley na igalang ang kanilang privacy habang kinakaharap nila ang kanyang pagkawala.