PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hayden Panettiere died of accidental drug overdose — authorities

Coroner's report shows cause of death of American actress Hayden Panettiere.
by Rachelle Siazon
Published 13 hours ago
Hayden Panettiere died of accidental drug overdose
Hayden Panettiere, star of Heroes and Nashville, died of accidental drug overdose a day after arrival in South Carolina in August 16, 2026, says authorities. She was found by her on-and-off boyfriend Brian Hickerson, according to initial report from authorities.
PHOTO/S: @haydenpanettiere Instagram

Trigger Warning: Substance abuse, mental health issues

Pumanaw ang American actress na si Hayden Panettiere dahil sa "accidental drug overdose," kabilang ang fentanyl na isang malakas na opiod drug.

Ito ang rebelasyon mula sa resulta ng autopsy na isinagawa ng Greenville County Coroner's Office sa South Carolina.

Ayon sa ulat ng abcnews.com nitong September 23, 2026, bukod sa fentanyl ay nakita rin sa katawan ni Hayden ang apat pang droga: 4-ANPP, alprazolam, methocarbamol, at quetiapine.

Ang 4-ANPP ay "active by-product" ng fentanyl ayon sa ojp.gov; ang alprazolam ay panlunas sa anxiety at panic disorder sanhi ng depression ayon sa drugs.com; ang methocarbamol ay muscle relaxant ayon sa clevelandclinic.org; at ang quetiapine ay antipsychotic medication para sa matinding mental health concerns.

Ayon pa rin sa autopsy report, walang bakas ng anumang trauma na nakita sa katawan na maaaring magdulot ng pagpanaw ni Hayden.

Sa hiwalay na ulat ng usa.inquirer.net, nakasaad na napag-alaman ng AP mula sa mga awtoridad na natagpuan patay si Hayden sa isang rented apartment sa Greenville, South Carolina, noong August 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May dalawa siya kasamang lalaki sa apartment noong araw na iyon.

Nakita pa raw ng isa sa mga lalaki na naglagay ng make-up ang aktres bandang 10:30 A.M. noong August 16.

Makalipas ang ilang oras, kinatok daw ang lalaki ng isa pa nilang kasama at doon na raw nila natagpuang walang buhay si Hayden habang nakaupo sa isang sofa bed.

Nang tumawag sila ng 911, dumating ang paramedics na sinubukang sagipin pa si Hayden.

Pero makalipas ang "40 minutes" ay idineklarang pumanaw na ang aktres.

Ayon pa rin sa usa.inquirer.net, kakagaling lang daw ng rehab ng aktres ilang linggo bago ang pagpanaw nito.

Nagkaroon naman ng memorial service para kay Hayden sa Malibu sa Los Angeles, California, noong September 19.

Kabilang sa 80 na dumalo ang ama ni Hayden na si Alan Lee "Skip" Panettiere, pati na ang Nashville co-stars niyang sina Connie Britton at Charles Esten.

Read: Heroes star Hayden Panettiere dies at 36

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MOTHER of Hayden Panettiere Speaks up

Balik sa ulat ng abcnews.com, nakasaad ang opisyal na pahayag ng ina ni Hayden na si Lesley Vogel.

Sinabi ni Vogel na "fighter" ang kanyang anak at patunay raw ang pagsailalim nito sa rehab sa kagustuhan niyang gumaling.

Aksidente man daw ang drug overdose ni Hayden, umapela siyang panagutin ang "supplier" ng "lethal dose" na ginamit ng aktres.

Labis daw siyang nagdadalamhati at hangad niya ang "healing" sa pagkawala ni Hayden, pero hindi raw siya hihinto sa "mission" na magkaroon ng "justice for Hayden."

Sinabi rin sa ulat na iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ang fentanyl na ginamit ni Hayden ay galing sa South Carolina o mula sa Los Angeles.

Isang araw bago pumanaw si Hayden ay kararating lang daw nito ng South Carolina mula L.A.

Hayden Panettiere ON "CYCLE OF SELF-DESTRUCTION"

Sa panayam niya sa People Magazine noong July 2022, inilahad ni Hayden na siya ay 15 taong gulang nang una siyang makatikim ng ipinagbabawal na gamot.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May isang staff member mula raw sa team niya ang nagbigay sa kanya ng "happy pill" bago siya rumampa sa red carpet para ma-sustain ang kanyang energy sa event.

"I had no idea that this was not an appropriate thing, or what door that would open for me when it came to my addiction," saad niya.

Sixteen years old si Hayden nang maging lead star siya ng Heroes, at bagamat sober siya sa set ay dumepende raw siya sa drugs at alcohol kapag siya ay walang taping.

Dumanas din daw siya ng post-partum depression matapos ipanganak si Kaya noong 2014. Anak niya si Kaya sa ex-fiancé at dating professional boxer na si Wladimir Klitschko.

Aminado si Hayden na nalulong siya sa droga at alak, at siya ay nasa walang katapusang "cycle of self-destruction."

By 2018 ay nagdesisyon siyang ibigay ang kustodiya sa anak kay Klitschko.

Noong panahong iyon, nagdesisyon siyang sumailalim sa rehab ng walong buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking tulong daw iyon para siya ay maging maayos.

Read: Cindy Crawford’s son Presley Gerber dies at 27

hayden Panettiere MEMOIRS

May 2026, naglabas naman si Hayden ng memoirs na This Is Me: The Reckoning, na naglalaman ng kuwento ng kanyang childhood stardom hanggang sa mga dinanas niyang trahedya pagtanda.

"I've always strived to be a positive person. But I grieve all the hours I lost to addiction, my broken relationships, and my loved ones who are no longer here," saad ni Hayden sa isang bahagi ng kanyang libro.

Malaking bahagi raw ng bubog sa buhay niya ang pagiging produkto ng broken family, at ilang taon daw siyang sumailalim sa gamutan para maintindihan ang kanyang nakaraan.

At napagtanto raw ni Hayden na ang tanging maaari niyang baguhin ay ang kanyang sarili at kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay.

Sa kabila raw ng dinanas niyang "failures, mistakes, grief, and pain," umaasa raw siyang may pag-asa at laging may oportunidad para buuin uli ang kanyang sarili.

Gusto raw niyang magbago at alam daw niyang "forever" siyang "work in progress." Aminado raw siyang matatapos lang ang "growth" na hangad niya sa oras na siya ay pumanaw.

Si Hayden ay 11-month-old pa lang nang lumabas siya sa commercials.

Pagtungtong niya ng apat na taong gulang ay sumabak na siya sa soap operas kabilang ang One Life to Live at Guiding Light.

Si Hayden ay nakilala sa mga sikat na American TV series na Heroes (2006-2010) at Nashville (2012-2018).

Read: Ed Sheeran breaks silence on Gaza amid Macklemore controversy

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hayden Panettiere, star of Heroes and Nashville, died of accidental drug overdose a day after arrival in South Carolina in August 16, 2026, says authorities. She was found by her on-and-off boyfriend Brian Hickerson, according to initial report from authorities.
PHOTO/S: @haydenpanettiere Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results