PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

French actor Arnaud Denis dies by euthanasia at 43

French actor Arnaud Denis ends three-year health ordeal through euthanasia
by Jojo Gabinete
Published 18 hours ago
arnaud denis euthanasia
French actor and theater director Arnaud Denis has died by euthanasia at 43 after enduring three years of severe health problems. His medical ordeal reportedly began after an inguinal-hernia operation in 2023 and eventually left him severely debilitated.
PHOTO/S: Arnaud Denis Facebook

Trigger Warning: This article discusses euthanasia, death, prolonged illness, and medical trauma.

Pumanaw sa pamamagitan ng euthanasia ang French actor na si Arnaud Denis noong Setyembre 22, 2026.

Siya ay 43.

Ito ay matapos ang tatlong taong matinding problema sa kalusugan na aniya'y nagsimula matapos siyang sumailalim sa inguinal hernia surgery noong 2023.

Ayon sa UK National Health Service, ang inguinal hernia surgery ay isang operasyon para ayusin ang inguinal hernia (luslos), na nangyayari kapag ang bahagi ng bituka o iba pang tissue sa tiyan ay lumulusot sa mahinang bahagi ng ibabang abdominal wall, malapit sa singit (groin).

Si Arnaud Denis ay nakilala bilang isang theater actor, direktor, at playwright.

Malaking bahagi ng kanyang karera ay nakasentro sa classical French at European theater, bagamat nakagawa rin siya ng mga pelikula at TV projects.

arnaud denis
Photo/s: Faebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago siya pumanaw, nagbahagi si Arnaud sa Facebook ng isang mahabang huling mensahe tungkol sa kanyang medical ordeal, mga hinaing sa natanggap niyang pangangalaga, at ang dahilan ng kanyang desisyong sumailalim sa euthanasia.

Kabilang sa kanyang huling mensahe ang linyang “Ce n'est rien de mourir, C'est affreux de ne pas vivre.”

Sa English, ang ibig nitong sabihin ay “There is nothing terrible about dying; it is terrible not to live.”

Ang quote ay mula kay French writer at poet Victor Hugo at sinabi ng karakter na si Jean Valjean sa Les Misérables.

Ayon kay Arnaud, nagsimula ang kanyang matinding health problems matapos ang hernia surgery noong 2023.

Sinabi niyang dumanas siya ng patuloy na pananakit, pagkawala ng mobility, at iba pang komplikasyon bago niya piliing sumailalim sa euthanasia sa Namur, Belgium.

Inanunsiyo ng abogado ni Arnaud na si Philippe Courtois ang pagpanaw ng aktor.

Ayon kay Courtois, ginawa ni Denis ang desisyong sumailalim sa euthanasia matapos ang konsultasyon sa tatlong doktor sa Namur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cindy Crawford’s son Presley Gerber dies at 27

THREE YEARS OF HEALTH STRUGGLES

Isinulat ni Arnaud sa wikang French ang kanyang huling pahayag, na isinalin ng PEP sa English at Filipino sa tulong ng ChatGPT

Sa simula nito, sinabi niya: “I am done with medical mistreatment.”

Inilarawan niya ang tatlong taon ng patuloy na paglala ng kanyang kondisyon.

Kabilang sa kanyang binanggit ang disabling pain, gastroparesis, malabsorption, muscular deterioration, at myalgic encephalomyelitis.

Ikinuwento rin ni Arnaud na bumaba ng 17 kilos ang kanyang timbang sa loob lamang ng tatlong buwan matapos ang operasyon, at hindi na siya makakain nang maayos dahil sa problema sa intestinal motility.

Aniya, nang humingi siya ng hospitalization, sinabi umano sa kanya: “The scan is normal. Go home.”

Paulit-ulit daw siyang naghanap ng tulong habang lumalala ang kanyang kondisyon.

Ayon sa kanya, tumanggi umano ang ilang neurologist na magsagawa ng muscle biopsy kahit hindi na siya makalakad nang maayos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Binanggit din ng aktor ang magkaibang resulta ng dalawang EMG (electromyography) na isinagawa noong 2024 at 2026.

Labindalawang beses din umano siyang nagtungo sa emergency room sa loob ng isang taon.

Sinabi raw sa kanya noong una, “You have nothing.”

At nang hindi na siya makalakad, sinabi naman sa kanya na "chronic" o malala na ang kanyang kondisyon at wala nang magagawa.

Maging ang access niya sa palliative care ay naging problema rin daw.

Ayon sa salaysay ni Arnaud, umabot siya sa puntong halos nakaratay na at wala pa ring natanggap na sapat na suporta.

Read: Lakam Chiu, sister of Kim Chiu, named "No. 6 Most Wanted" by QCPD

COMPLAINTS OVER MEDICAL CARE

Ikinuwento rin ni Arnaud ang isang insidente sa headache emergency department sa Lariboisière, kung saan sinabi niyang ilang beses siyang hindi na-register kahit nakararanas siya ng matinding sakit ng ulo, pagkawala ng bahagi ng pandinig, at problema sa paningin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang pananaw, hindi sapat ang simpleng pagpunta sa ospital para awtomatikong makakuha ng tamang diagnosis at lunas.

“Sadly, that is false,” aniya, habang inilarawan ang sarili bilang biktima umano ng sunud-sunod na medical errors.

Binanggit din niya ang isang lumbar puncture na aniya'y huli nang naisagawa at nasuri, na nakaapekto umano sa posibilidad ng mas maayos na pagsusuri.

Malaking bahagi rin ng mensahe ng French actor ang mga reklamo niya tungkol sa hernia prosthesis na ginamit sa kanya.

Sinabi ni Arnaud na kinailangan ng ilang pelvic MRI (Magnetic Resonance Imaging) bago umano nakita sa imaging na ang implant ay “pushed back to the right” at “compressing the spermatic cord.”

Direkta rin niyang pinuna ang manufacturer ng implant at ang surgeon na nag-opera sa kanya.

Ayon sa kanyang salaysay, hindi niya natanggap ang sapat na impormasyon tungkol sa implant at mga posibleng komplikasyon nito.

Binatikos din niya ang ilang surgeon, gastroenterologist, at health authorities na aniya'y hindi sapat ang naging tugon sa kanyang mga reklamo at komplikasyon.

Kalaunan, sinabi ni Arnaud na na-diagnose siya ng myalgic encephalomyelitis matapos ang brain PET-MRI sa Henri Mondor na nagpakita umano ng hypometabolism sa ilang bahagi ng utak.

Ayon sa CDC, ang myalgic encephalomyelitis o chronic fatigue syndrome ay "serious and often long-lasting illness that keeps people from doing their usual activities."

Sa kanyang mensahe, nanawagan ang aktor ng mas malaking pagkilala at suporta para sa mga taong may kaparehong kondisyon.

Sinabi niyang milyun-milyon ang apektado sa buong mundo, kabilang ang mga kabataan at mga bata.

Iginiit din niyang dapat maging public health priority ang post-infectious neurological diseases.

Binanggit din ni Arnaud ang kawalan umano ng sapat na research at medical support para sa mga pasyenteng may severe myalgic encephalomyelitis.

Read: Hayden Panettiere died of accidental drug overdose — coroner's report

ARNAUD DENIS' DECISION TO UNDERGO EUTHANASIA

Diretsahang hinarap ni Arnaud ang mga posibleng manghusga sa kanyang desisyong sumailalim sa euthanasia.

Ayon sa Brittanica, ang euthanasia ay "intentional ending of a person's life to relieve severe pain or suffering, typically in cases of severe or terminal illness."

Tatlong taon daw niyang tiniis ang “horrific suffering,” at sa huli ay pinili niyang wakasan ang kanyang paghihirap.

“Now I am laying down my arms,” aniya. “It is my right. At least in Belgium.”

Kabilang ang Belgium sa iilang bansa sa mundo na legal ang euthanasia.

Ang iba pa, ayon sa National Institutes of Health, ay Australia, Canada, Colombia, Ecuador, France, Luxembourg, Netherlands, New Zealand, Spain, at Uruguay.

Samantala, pinuri ni Arnaud ang medical care na natanggap niya sa Belgium, partikular ang respeto umano sa kanyang dignidad at pagtanggap sa kanyang pisikal at emosyonal na paghihirap.

Sa kabilang banda, matindi ang kanyang puna sa French healthcare system.

Aniya, hindi siya nabigyan ng sapat na palliative care kahit umabot sa puntong hindi na niya kayang maligo o kumain nang mag-isa.

Hinamon din ni Arnaud ang sinumang maaaring humusga sa kanyang desisyon.

“I deny anyone the right to judge me,” sabi niya.

Idiniin niyang mahirap maunawaan ang tindi ng severe myalgic encephalomyelitis kung hindi ito personal na nararanasan.

Binanggit ni Arnaud ang ilang taong dumaranas rin ng kaparehong sakit, at naglahad ng kanyang pakikiramay sa mga pasyenteng matagal nang nagdurusa.

"I WAS THE HAPPIEST OF MEN"

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, nilinaw ni Arnaud na hindi siya humihingi ng awa o atensiyon.

“I was the happiest of men before I became seriously ill,” sabi ni Arnaud.

Layunin daw niyang ilantad ang umano’y karahasang nararanasan ng mga pasyenteng hindi “fit into the boxes” ng medical system.

Tinapos niya ang kanyang pahayag sa pagsasabing libu-libong tao ang dumaranas umano ng kaparehong komplikasyon at nawawalan ng mobility, independence, at kalidad ng buhay.

“Everything that constitutes the dignity of a human life,” aniya.

Bago tuluyang magpaalam, nag-iwan si Denis ng quote ni Jean-Jacques Sempé: “I have always forgiven those who have offended me. But I have the list.”

Nag-iwan din siya ng huling mensahe para sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay: “To all my brothers and sisters in this struggle.”

At sa kanyang mga mahal sa buhay at kaibigan, sinabi niyang niyayakap niya ang mga ito “with all my soul.”

Read: Lakam Chiu’s father visits her as family struggles to raise bail

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
French actor and theater director Arnaud Denis has died by euthanasia at 43 after enduring three years of severe health problems. His medical ordeal reportedly began after an inguinal-hernia operation in 2023 and eventually left him severely debilitated.
PHOTO/S: Arnaud Denis Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results