Trigger Warning: This article dicusses death and serious illness.
Pumanaw na ang Japanese dancer na si Ria Yamada noong Setyembre 18, 2026, matapos ang mahigit isang taong pakikipaglaban sa malubhang karamdaman.
Siya ay 16.
Kinumpirma ng kanyang pamilya ang kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng isang post sa Instagram account ni Ria noong Huwebes, Setyembre 24.
Sa kanilang mensahe, nagpasalamat ang pamilya ni Ria sa lahat ng sumuporta sa batang dancer at nagpaabot ng pagmamahal at mga mensahe ng pag-asa habang nilalabanan nito ang kanyang karamdaman.
“It is with deep sadness that we share that Ria passed away on September 18, 2026,” saad ng pamilya.
“Throughout more than a year of illness, she faced each day with incredible strength.”
Hindi isiniwalat ng pamilya ang eksaktong sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sa kanilang huling mensahe, nangibabaw raw sa alaala ng pamilya ni Ria ang malaking pagmamahal nito sa pagsasayaw.
“Ria loved to dance,” saad nila.
Mahalaga rin daw kay Ria ang mga kaibigang nakilala nito dahil sa sayaw at ang koneksiyong nabuo sa mga taong patuloy na sumuporta sa kanya.
Nagpasalamat ang pamilya ni Ria sa lahat ng taong nakisabay sa kanyang journey, nakibahagi sa masasayang sandali, at patuloy na nag-cheer para sa kanya.
“We hope her dance and her smile will stay with you.”
Read: Filipiñana star Jorrybell Agoto alive and fighting lymphoma
View this post on Instagram
RIA’S HEALTH BATTLE
Nong March 2025, ibinahagi ni Ria sa Instagram ang tungkol sa kanyang kalagayan.
Sinabi niyang mayroon siyang malubhang karamdaman na nangangailangan ng chemotherapy at bone marrow transplant.
“If left untreated, it will be a life-threatening disease,” aniya.
Nilinaw ni Ria na hindi nakahahawa ang kanyang sakit at may kinalaman ito sa kanyang immune system.
Ayon sa kanya, matagal na siyang pabalik-balik sa ospital dahil sa kanyang kondisyon at alam na rin niya ang kinakailangang gamutan.
Mabuti na lamang at nakahanap na raw siya ng donor na maaaring tumulong sa kanyang bone marrow transplant.
Dahil dito, kinailangan niyang pansamantalang tumigil sa pagsasayaw habang sumasailalim sa gamutan.
“I will definitely return so that I can show you all that I can dance again,” saad niya noon.
Read: French actor Arnaud Denis dies by euthanasia at 43 after health battle
THE IMPORTANCE OF CONNECTION
Nakilala si Ria sa international dance community nang sumali siya sa South Korean dance competition show na Mnet's Street Dance Girls Fighter 2 noong 2023.
Naging bahagi siya ng Jam Republic mentor team, na nagwagi sa competition.

Bukod sa kanyang mga dance competition at performance, nakilala rin si Ria bilang dancer na may specialization sa hip-hop, popping, at animation.
Nagpatuloy si Ria kanyang passion sa pagsasayaw bago siya kinailangang magpahinga para sa kanyang gamutan.
Sa kabila ng kanyang pinagdaraanan, kapansin-pansin sa mensahe ni Ria kung gaano kahalaga sa kanya ang mga taong nakilala niya dahil sa pagsasayaw.
Sinabi niyang mas naging mahalaga ang mga relasyon niya sa kanyang mga kaibigan, followers, at kapwa dancer habang hinaharap ang karamdaman niya.
“The most precious thing for me is the connections with people,” sabi ni Ria.
Ibinahagi rin niya ang naging pananaw niya tungkol sa dance at sa buhay.
Ayon sa kanya, bagamat mahalaga ang pag-eensayo para gumaling at mag-improve ang skills sa pagsasayaw, hindi iyon ang pinakamahalagang bagay para sa kanya.
“I think the most important thing is connections with people and love.”
“I have received love from many people,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat din si Ria kay Nick, CEO ng Jam Republic The Agency, na aniya'y isa sa mga taong nakakaalam ng kondisyon niya at patuloy na sumuporta sa kanya.
Nakilala raw niya si Nick noong 12 anyos siya.
“I am also very grateful to everyone at Jam who supported me,” saad niya.
“I am very proud and grateful to be a part of this company.”
View this post on Instagram
Read: Lakam Chiu’s father visits her as family struggles to raise bail
