Pormal na nag-come out ang sikat na Japanese volleyball player na si Rui Takahashi bilang gay.
Si Rui ay miyembro ng national volleyball team, outside hitter ng Suntory Sunbirds Osaka, at nakatatandang kapatid ng kapwa niya volleyball star na si Ran Takahashi.
Sa pamamagitan ng isang personal na mensahe sa social media ngayong Martes, September 29, 2026, ibinahagi ng 26-anyos na atleta ang matagal niyang pakikipaglaban sa pagtanggap sa kanyang sarili.
Matapang na pag-amin ni Rui: “I've been afraid to face my own side since I was a child, and I've been troubled and denied myself.
“That means I am gay and a member of the sexual minority.”
RUI TAKAHASHI ON ACCEPTING HIMSELF
Malaking bahagi raw ng proseso ng pagtanggap ni Rui sa sarili ang panahong nakasama niya ang kanyang nakababatang kapatid at kapwa professional volleyball player.
“For about two years, I spent time on the same team as my younger brother, Ran Takahashi, and it was the biggest thing for me.
"It was through talking to Ran that I was able to acknowledge myself for the first time.
“By putting my feelings into words, I was able to organize my mind, and I gradually started to think that ‘being myself is fine,’” mensahe ni Rui na isinulat niya sa Japanese at isinalin ng Instagram sa English.
Sinabi rin ni Rui na hindi lamang kanyang kapatid ang naging sandigan niya kundi pati ang kanyang pamilya, mga teammate, team staff, at iba pang taong patuloy na sumuporta sa kanya.
“I've been able to face myself this far because of the time I spent with Ran, the family, teammates, team staff, and everyone involved who have supported me.
“I am truly grateful for all the support you have given me in various situations so far," ani Rui.
Napagdesisyunan daw ni Rui na magsalita sa publiko tungkol sa kanyang sekswalidad upang personal niyang maipahayag ang saloobin sa fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.
“As we welcome a new season, I wanted to take this opportunity to express my own words to all the fans who have always supported me.”
Umaasa rin siyang maaaring makatulong ang kanyang pagbabahagi sa ibang taong nahihirapang tanggapin ang kanilang sarili.
Pahayag ni Rui: “And for those who struggle with not being able to accept themselves, I would be happy if my words could be a small trigger for them to face themselves and make a change.”
“This is a sudden announcement, but thank you for reading until the end.”
View this post on Instagram
Read: French actor Arnaud Denis dies by euthanasia at 43 after health battle
RUI TAKAHASHI’S VOLLEYBALL CAREER
Ipinanganak si Rui Takahashi noong January 14, 2000, sa Kyoto, Japan.
Nag-aral siya sa Higashiyama High School bago pumasok sa Nihon University, kung saan naging bahagi siya ng volleyball team na nagtapos sa ikatlong puwesto sa All Japan Intercollegiate Volleyball Championship noong 2020.
Kabilang din sa kanyang mga unang achievement ang third-place finishes sa 2017 Inter-High at 2018 National Sports Festival, gayundin ang kanyang pagkakapili sa high school national team noong 2018.
Noong 2022, sumali siya sa Suntory Sunbirds at kalaunan ay nakagawa ng kanyang V.League debut.
Nakilala siya ng club bilang isang outside hitter na kayang baguhin ang momentum ng laro sa pamamagitan ng kanyang serve, partikular bilang relief server.
Para sa 2026-27 season, nagpatuloy ang kanyang kontrata sa Suntory, at ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat sa pagkakataong muling isuot ang Sunbirds uniform at patuloy na umunlad kasama ang team at mga tagasuporta nito.
Kilala rin si Rui bilang nakatatandang kapatid ni Ran Takahashi, isa sa mga kilalang Japanese volleyball players.
Nagkaroon din ng pagkakataong magsama ang magkapatid sa volleyball, kabilang ang kanilang panahon sa Higashiyama High School at sa Suntory.
Malapit sa puso ng Pinoy volleyball fans ang magkapatid na sina Rui at Ran na ilang beses nang bumisita sa Pilipinas para sa international tournaments.

Read: Bayani Agbayani opens up about Bea-Vincent canceled Spain wedding
RUI: “I WILL CONTINUE TO DO MY BEST IN VOLLEYBALL”
Sa kabila ng kanyang personal na pahayag, malinaw kay Rui na nais niyang ipagpatuloy ang kanyang career at patuloy na pagbutihin ang sarili bilang atleta.
Aniya: “I will continue to do my best in volleyball and strive for personal growth in various aspects of my life.”
Tinapos niya ang kanyang mensahe sa pangakong magpapatuloy siyang mamuhay at umunlad sa sarili niyang paraan.
“I would like to continue growing through volleyball in my own way, staying true to myyself as Rui Takahashi.”
