PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Stray Kids pass on 2027 Grammys amid new Asian Pop category

Stray Kids join BTS in skipping 2027 Grammy submissions.
by Erwin Santiago
Published 3 hours ago
stray kids 2027 grammys
Stray Kids will not submit their music for consideration at the 69th Grammy Awards, following BTS’ decision to skip the 2027 awards. The announcement comes amid ongoing discussion over the Recording Academy’s new Best Asian Pop Music Performance category.
PHOTO/S: Stray Kids Facebook

Hindi nagsumite ang K-pop super group na Stray Kids ng kanilang musika para sa konsiderasyon sa 69th Grammy Awards, na gaganapin sa February 7, 2027.

Kinumpirma ng JYP Entertainment noong October 2, 2026 ang desisyon ng grupo.

Ayon sa agency, “Stray Kids did not submit for the Grammys.”

Kapansin-pansin ang desisyong ito dahil ang lahat ng walong miyembro ng Stray Kids — Bang Chan, Lee Know, Changbin, Hyunjin, Han, Felix, Seungmin, at I.N — ay napabilang sa voting membership ng Recording Academy, ang organisasyong nangangasiwa sa Grammy Awards, ngayong taon.

Ibig sabihin, maaari silang bumoto para sa nominees at winners kahit hindi nila isinumite ang sarili nilang recordings para sa awards.

STRAY KIDS’ GRAMMY STANCE

Nakakakuha ng atensiyon ang desisyon ng Stray Kids dahil noong August 2026, hindi direktang sinagot ng grupo kung magsusumite sila sa Grammys.

Sa press conference para sa kanilang 10th EP na This & That noong August 6, paulit-ulit na binigyang-diin ng mga miyembro na mas mahalaga sa kanila ang paggawa ng musikang gusto nilang ihatid kesa ang pagkamit ng awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Seungmin (as translated in English): “We've never once set out to make an album chasing a particular award or record.

"When we talk about the music or performances we love, it doesn't come from how we're seen from the outside — it comes from what's inside us as we build a stage or write lyrics.

"It's less about outside expectations around awards and more about capturing the sound and story we want to tell.”

Nang tanungin tungkol mismo sa bagong Grammy category, hindi direktang sinabi ni Seungmin kung magsusumite sila.

“I feel so thankful that K-pop, as a genre, is loved this much around the world. It makes me realize all over again just how powerful music can be,” sabi niya.

Samantala, idiniin ni Hyunjin na hindi rin nila kailanman itinuring na pangunahing layunin ang awards o records.

Mas mahalaga raw sa kanila na maging masaya at satisfied ang kanilang fans, ang STAY.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong panahong iyon, hindi kinumpirma o itinanggi ng JYP Entertainment kung magsusumite ang grupo.

Read: Stray Kids make Billboard history with 9th No. 1 album

BTS ALSO SKIPPED THE GRAMMYS

Nauna nang inanunsiyo ng K-pop superstars na BTS noong Hulyo 29 na hindi nila isusumite ang kanilang musika para sa 2027 Grammy consideration.

Sa magkakaparehong mensaheng inilabas ng pitong miyembro, sinabi nilang nais nilang marinig at mahalin ang musika nila para sa kung ano ito, sa halip na hatiin ayon sa rehiyon o wika.

Ginawa ng BTS ang desisyon isang buwan matapos ipakilala ng Recording Academy ang Best Asian Pop Music Performance, isa sa limang bagong category sa 2027 Grammys.

Ayon sa Recording Academy, kinikilala ng bagong category ang artistic excellence sa Asian pop music.

Kabilang dito ang K-pop, J-pop, at C-pop, o basta’t may meaningful use ng isa o higit pang Asian languages.

Ang musical style, hindi ang nationality o ethnicity ng performer, ang batayan daw ng eligibility.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi rin daw nangangahulugang hindi na maaaring makipagkumpitensiya ang Asian artists sa ibang pangunahing Grammy categories.

Nilinaw ng Academy na maaari pa ring maging eligible ang Asian pop artists sa General Field categories, kabilang ang Album of the Year, Record of the Year, Song of the Year, at Best New Artist.

Gayunman, ang isang partikular na recording ay maaari lamang mapasok sa isang performance category sa isang awards cycle.

CATEGORY TO PUSH THROUGH DESPITE CONTROVERSY

Matapos ang mga puna tungkol sa bagong category, nagsagawa ang Recording Academy ng mga consultation at listening sessions kasama ang mga artist, executive, at industry leaders mula sa Asian music community.

Noong Oktubre 1, kinumpirma ni Recording Academy CEO Harvey Mason Jr. na itutuloy ang Best Asian Pop Music Performance sa 2027 Grammys.

Ayon sa Academy, nakatanggap ito ng “robust” number of submissions para sa bagong category, habang sinabi rin ni Mason na bagamat may mga tumutol dito, mas malakas umano ang feedback mula sa mga sumusuporta sa pagpapatuloy nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito muling sumiklab ang diskusyon online.

May ilang netizens na tumingin sa pag-atras ng BTS at Stray Kids bilang pagtutol sa ideya ng paghahati ng Asian music ayon sa rehiyon o wika.

Samantala, may iba namang naniniwalang ang bagong category ay pagkakataon para mas maging visible at makilala ang Asian artists sa Grammy stage.

Read: Grammys CEO defends new Asian Pop category after BTS boycott

LATIN AMERICA FESTIVAL RUN, ROCK IN RIO

Dumating ang Grammy decision ng Stray Kids sa panahong naging abala rin ang grupo sa kanilang international performances.

Noong September 2026, inilunsad nila ang STRAYCITY, isang bagong festival concept na pinangunahan ng K-pop super group sa pamamagitan ng collaboration ng JYP Entertainment at Live Nation.

Nagbukas ang STRAYCITY sa Bogotá, Colombia, noong September 9.

Sinundan ito ng dalawang performances sa Buenos Aires, Argentina, noong September 14 at 15.

Nagtapos sa dalawang shows sa Mexico City noong September 25 at 26.

Ayon sa JYP Entertainment, umabot sa 270,000 ang kabuuang audience sa limang STRAYCITY shows sa tatlong Latin American markets.

Hindi lamang ang Stray Kids ang tampok sa festival series.

Tampok din ang ilang local artists at ang fellow JYP group na NEXZ, na naging bahagi ng lahat ng itinakdang shows.

Kasabay nito, gumawa rin ng kasaysayan ang Stray Kids sa Brazil's Rock in Rio noong September 11.

Sila ang kauna-unahang K-pop act na nag-headline sa malaking music festival, kung saan tinatayang mahigit 100,000 fans ang nanood ng kanilang performance sa Olympic Park sa Rio de Janeiro.

Sa pamamagitan ng Rock in Rio at STRAYCITY, naging isa sa pinakamalaking recent international performance runs ng grupo ang kanilang September 2026 Latin American activities.

stary kids rock in rio
An aerial shot of Stray Kids' stage at Rock in Rico
Photo/s: Stray Kids Facebook

GRAMMY 2027

Ang 69th Grammy Awards ay gaganapin sa February 7, 2027, sa Crypto.com Arena sa Los Angeles.

Ang first-round voting ay magsisimula sa October 12 at magtatapos sa October 22, habang iaanunsyo ang mga nominado sa November 16, 2026.

Sa pag-atras ng BTS at ngayon ng Stray Kids, mananatiling malaking usapin ang magiging unang batch ng nominees para sa bagong Best Asian Pop Music Performance category at kung paano nito ilalarawan ang lumalawak na presensiya ng Asian pop sa Grammy Awards.

Read: 2025 MAMA: G-Dragon, Stray Kids, Rosé, ENHYPEN win Daesangs

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stray Kids will not submit their music for consideration at the 69th Grammy Awards, following BTS’ decision to skip the 2027 awards. The announcement comes amid ongoing discussion over the Recording Academy’s new Best Asian Pop Music Performance category.
PHOTO/S: Stray Kids Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results