Pumanaw na ang English actor at award-winning stage and screen star na si Sir Patrick Stewart nitong Oktubre 28, 2026.
Siya ay 86.
Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya, namatay si Stewart sa tahanan nito sa Los Angeles, California, matapos ang maikli ngunit mahirap na pakikipaglaban sa Alzheimer’s disease at Lewy body dementia.
Nasa tabi niya ang kanyang asawang si Sunny Ozell nang pumanaw ang aktor.
Ibinahagi ng pamilya ang malungkot na balita sa pamamagitan ng opisyal na pahayag sa social media accounts ng aktor.
Nakasaad dito: “We announce with great sorrow the passing of Sir Patrick Stewart yesterday at his home in Los Angeles, in the loving care of his beloved wife Sunny, following a brief and poignant journey with Alzheimer's Disease and Lewy Body Dementia.
“He has been held in the warm embrace of family and friends, surrounded by live music, prayer, tears, laughter, and the kind of profound emotion that only he could inspire after a lifetime of devotion to us all. We will forever cherish the peaceful ease and reflection on his face, an enduring reminder of his invincible grace.”
Read: Theater singer-actress May Bayot-de Castro dies at 61
PATRICK STEWART’S SIX-DECADE ACTING CAREER
Mahigit anim na dekada ang itinagal ng karera ni Stewart sa teatro, pelikula at telebisyon.
Ipinanganak siya noong Hulyo 13, 1940, sa Mirfield, Yorkshire, England.
Nagsimula ang kanyang professional acting career noong 1959.
Bago siya nakilala sa buong mundo bilang isang Hollywood star, hinubog muna ni Stewart ang kanyang talento sa teatro.
Naging miyembro siya ng Royal Shakespeare Company noong dekada 1960 at gumanap sa maraming produksiyon ng mga klasikong dula ni William Shakespeare.
Sa kanyang mahabang karera, nakilala si Stewart hindi lamang sa husay sa pag-arte kundi sa kanyang makapangyarihang boses at kakayahang gumanap sa iba’t ibang genre.
Ganito inilarawan ng kanyang pamilya ang naging kontribusyon niya sa industriya ng entertainment:
“A son of Mirfield in the West Riding of Yorkshire, he travelled from the Royal Shakespeare Company to an equally acclaimed career spanning six decades on Broadway, the silver screen and television.
“His sonorous voice and singular talent will forever be synonymous with indelible performances in every genre.
"He explored the human condition in all its poetic complexity and brought hope not only to the far reaches of the Marvel Cinematic Universe, but into science fiction’s most iconic final frontier about the Starship Enterprise.”
Read: Stand-up comedian Kirara Kawai dies
JEAN-LUC PICARD IN STAR TREK
Isa sa pinakamahalagang milestone sa karera ni Stewart ang pagganap niya bilang Captain Jean-Luc Picard sa science-fiction series na Star Trek: The Next Generation.
Nagsimula ang serye noong 1987 at tumakbo hanggang 1994 sa loob ng pitong season.
Naging isa si Picard sa pinakakilalang karakter sa buong Star Trek franchise.
Muling binigyang-buhay ni Stewart ang papel sa mga pelikulang Star Trek: Generations (1994), Star Trek: First Contact (1996), Star Trek: Insurrection (1998), at Star Trek: Nemesis (2002).
Bumalik din siya sa karakter sa seryeng Star Trek: Picard, na nagsimulang ipalabas noong 2020.
PROFESSOR CHARLES XAVIER IN X-MEN
Bukod sa Star Trek, naging bahagi rin si Stewart ng isa pang matagumpay na franchise nang gampanan niya si Professor Charles Xavier, ang founder ng X-Men, sa mga pelikulang hango sa Marvel Comics.
Nagsimula ang kanyang pagganap sa karakter sa X-Men noong 2000.
Muli niya itong ginampanan sa mga sumunod na pelikula, kabilang ang X-Men: Days of Future Past (2014), Logan (2017), Doctor Strange in the Multiverse of Madness (2022), at Deadpool & Wolverine (2024).
Nakatakda rin siyang mapanood bilang Charles Xavier sa Avengers: Doomsday, na inaasahang ipalalabas sa Disyembre 2026.
Dahil sa pagkakasama niya sa pelikula, nakatakdang maging bahagi ito ng kanyang huling film appearances.
Sa pahayag ng Marvel Studios, kinilala ang malaking kontribusyon ni Stewart sa pagbuo ng karakter ni Professor X at sa buhay ng mga tagahanga sa iba’t ibang panig ng mundo.
Read: Erlinda Villalobos, 84, dies of pneumonia
AWARDS AND KNIGHTHOOD
Hindi lamang sa telebisyon at pelikula nakilala si Stewart. Nagtamo rin siya ng pagkilala sa teatro at iba pang larangan ng entertainment.
Kabilang sa mahahalagang milestone sa kanyang karera ang dalawang Laurence Olivier Awards para sa mga pagtatanghal niya sa teatro, pati ang Grammy Award na napanalunan niya noong 1996 para sa spoken-word recording ng Prokofiev: Peter and the Wolf.
Na-nominate din siya sa Emmy Awards nang apat na beses para sa iba’t ibang proyekto sa telebisyon.
Noong 2010, ginawaran siya ng knighthood ni Queen Elizabeth II bilang pagkilala sa kontribusyon niya sa drama.
Mula noon, pormal na siyang tinawag na Sir Patrick Stewart.
PATRICK STEWART’S PHILANTHROPY AND ADVOCACY
Bukod sa mga tagumpay niya bilang aktor, naging bahagi rin ng buhay ni Stewart ang pagtulong sa kapwa at pagsuporta sa iba’t ibang adbokasiya.
Ayon sa kanyang pamilya, sinuportahan niya ang mga gawaing nagtataguyod ng human rights, tumutulong sa mga nakaligtas sa domestic violence, nagbibigay-suporta sa mga refugee at beterano, at nangangalaga sa mga hayop.
Lalo siyang naging malapit sa animal welfare advocacy, kabilang ang pag-aalaga sa mga foster pit bull.
Sa kabila ng kaniyang tagumpay sa Hollywood, nanatili rin siyang tapat sa kaniyang pinagmulan sa Yorkshire, England, at naging tagasuporta ng Huddersfield Town Football Club.
PATRICK STEWART’S FINAL MESSAGE
Sa huling bahagi ng pahayag ng pamilya, ibinahagi nila ang isang sipi mula sa memoir ni Stewart na Making It So: A Memoir.
Inilarawan dito ng aktor ang pagkakatulad nila ng kanyang pinakakilalang karakter na si Jean-Luc Picard, lalo na sa pagpapahalaga sa pinagmulan at sa kahulugan ng pag-uwi.
“Like me, Jean-Luc has lived an unusual life that has taken him far beyond the bounds of normal human experience. But he is also someone who has remained true to his earthbound roots, for they are what gave him his identity. In the end, he feels the call of home, as do I.” — Patrick Stewart, Making It So: A Memoir.