PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bruno Mars mourns the passing of father Peter Hernandez

Bruno Mars recalls his last hug with father.
by Erwin Santiago
Published 6 days ago
bruno mars father death
Bruno Mars shares an emotional tribute to his father, Peter Hernandez, who died at 74. The Grammy-winning singer recalls their last embrace and credits his dad for teaching him everything he knows about music.
PHOTO/S: Bruno Mars Instagram

Nagluluksa ang Grammy-winning Filipino-American singer na si Bruno Mars sa pagpanaw ng kanyang amang si Peter Hernandez, na pumanaw sa edad na 74.

Ibinahagi ni Bruno ang malungkot na balita sa pamamagitan ng isang emosyonal na tribute sa kanyang Instagram account nitong Huwebes, Nobyembre 19, 2026.

Kalakip ng kanyang post ang ilang larawan nila ng kanyang ama, kabilang ang isang black-and-white photo kung saan niyayakap niya si Peter na nakahiga sa hospital bed.

Mayroon ding throwback photos na nagpapakita ng kanilang samahan noong bata pa ang Grammy-winning singer.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Bruno na nagkaroon pa siya ng pagkakataong yakapin ang kanyang ama sa huling pagkakataon noong nakaraang linggo.

“Last week I got to hug my father one last time. If you’ve ever seen me talk about him I’ve always said that he’s the man that taught me everything I know, especially when it comes to music.

“He raised my four beautiful sisters, my brother, and me. In my eyes he was the greatest dad in the world, and I will miss him everyday until we meet again."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagtatapos ng kanyang tribute, hiniling ni Bruno sa kanyang ama na batiin ang kanyang inang si Bernadette San Pedro Bayot.

"I Love you Pops. Kiss mom up there for me,” bahagi ng tribute ni Bruno.

View this post on Instagram

A post shared by Bruno Mars (@brunomars)

Wala pang inilalabas na detalye tungkol sa sanhi ng pagkamatay ni Peter.

Samantala, pumanaw si Bernadette noong 2013 dahil sa brain aneurysm.

Si Bernadette ay isang Filipina na lumipat sa Hawaii kasama ang kanyang pamilya noong bata pa siya.

Nakilala niya si Peter sa Hawaii habang nagtatrabaho ito bilang musikero.

Magkasamang pinalaki nina Peter at Bernadette ang kanilang anim na anak, kabilang si Bruno.

Read: Celebrities offer condolences to Bruno Mars for the death of his Filipino mother

BRUNO MARS'S FATHER A BIG INFLUENCE TO HIS MUSIC

Malaki ang naging impluwensiya ni Peter sa pagkahilig at paghubog kay Bruno bilang isang musikero.

Isa ring performer si Peter at namuno sa doo-wop group na The Love Notes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumaki si Bruno na napapaligiran ng musika, kasama ang kanyang mga kapatid na nakikilahok din sa pagtatanghal ng kanilang pamilya sa Hawaii.

Bata pa lamang si Bruno ay umaakyat na siya sa entablado at gumaganap bilang batang Elvis Presley, kaya nakilala rin siya noon bilang “Little Elvis.”

Sa mga naunang panayam, kinilala ni Bruno ang kanyang ama bilang taong nagpakilala sa kanya sa musika at nagturo sa kanya ng mga pundasyon ng pagiging performer.

Read: Filipiñana star Jorrybell Agoto dies at 31 after cancer battle

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bruno Mars shares an emotional tribute to his father, Peter Hernandez, who died at 74. The Grammy-winning singer recalls their last embrace and credits his dad for teaching him everything he knows about music.
PHOTO/S: Bruno Mars Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results