Nakumpleto ng CE-25A ang una nitong piloted test flight noong November 14, 2026.
Ang CE-25A ang kauna-unahang domestically developed fixed-wing electric commercial aircraft ng China.
Iniulat ang pinakabagong air transportation development na ito ng aviation website na aerotime.aero noong November 16.
Ini-upload din sa katulad na petsa ang video ng paglipad ng CE-25A sa YouTube channel ng government-controlled media outlet na China News Service.
Read: Chris Tamayo: How this Pinoy chef cooked his way into NBA stars’ hearts
NETIZENS REACT TO CE-25A’S INITIAL SUCCESS
Iba-iba naman ang naging reaction ng netizens sa inisyal na tagumpay ng maiden flight ng CE-25A.
May natuwa na hindi na gagamitan ng aviation fuel ang mga eroplano pagdating ng panahon.
Sambit ng isang netizen: “I am very impressed with this new aircraft technology.
“This is just the beginning and I glad that someone has been started.
“I am looking forward to someday I will be able to fly out without contaminated our skies.”
May nagsabi naman na mas kampante siya kung ang eroplano kahit electric-powered ay kargado pa rin ng aviation fuel.
“I think better start first with hybrid. It makes more sense since airplane need to travel nighttime also.”
Marami rin ang nagpahayag ng pangamba kung sakaling ma-low batt ang eroplano habang naglalakbay sa himpapawid. “Is there an alternative solution if something goes wrong during the flight?
“For example, if an electric engine fails due to severe weather or technical problems, could the aircraft switch to a fuel-powered engine as a backup instead of relying entirely on electric power?”
Ang mga pangamba ay hindi maiiwasan kapag may inii-introduce na bagong produkto at teknolohiya na hindi pa lubusang nasusubukan.
Sa pinakahuling development, nagsumite na ang COMAC ng “type certificate application” para sa CE-25A sa Civil Aviation Administration of China (CAAC).
Ang type certificate application ay isang formal request na isinusumite sa civil aviation authority—gaya ng Federal Aviation Administration (FAA) o ang European Union Aviation Safety Agency (EASA)—para maaprubahan ang disenyo, makina at klase ng propeller ng isang bagong eroplano.
Read: RJ Mateo's story: From TV commercials to housekeeping in Canada
CE-25A’S FLIGHT TEST RECORD
Ayon sa ulat ay lumipad at nag-landing ang CE-25A sa Binzhou, na bahagi ng Shandong province, na nasa southeast part ng Beijing.
Lulan nito ang dalawang piloto at isang flight test engineer.
Tumagal ang electric-operated aircraft ng 16 minutes and 38 seconds sa himpapawid.
Nakapaglakbay ito ng 37.5 miles, or 60.4 kilometers.
Ang kabuuang flight test, kabilang ang ground operations, ay tumagal ng 57 minutes and 46 seconds.
CE-25A PROFILE
Ang CE-25A ay na-develop ng COMAC, isang state-owned aerospace manufacturer.
Mayroon itong maximum takeoff weight na 10 metric tons.
Nakadisenyo ang CE-25A na makapagsakay ng hanggang 19 pasahero kabilang na ang mga miyembro ng crew.
Pinatatakbo ito ng 10 electric ducted fans, na tiglima ang naka-mount sa magkabilang pakpak nito.
Inaasahan ng COMAC na kayang lumipad ng CE-25A ng hanggang 250 miles (400 kilometers).
Ang cruise speed nito ay 186 mph (300 km/h).
Unang inilunsad ng COMAC ang konsepto ng CE-25A noong 2023, pero isinapubliko lamang ang mga larawan ng naturang electric aircraft noong October 2026.
THE BATTERY THAT POWERS CE-25A
Ibinahagi ng Chinese state media na sa katunayan, ang CE-25A ay lumilipad na sa loob ng ilang buwan.
Nakakumpleto na umano ito ng “19 unmanned flights” hanggang noong February 2, 2026.
Katuwang ng COMAC sa pagbuo ng CE-25A ang Chinese battery giant na CATL at ang Shanghai Jiao Tong University.
Ang CATL ay isa sa nangungunang battery maker pagdating sa global electric vehicle market.
Kinikilala na rin ito sa paggawa ng aviation battery at itinuturing na strategic investor ng Chinese eVTOL developer na AutoFlight.
Sa ginanap na 2023 Shanghai auto show, inilunsad ng CATL ang battery na may cell-level energy density na hanggang 500 Wh/kg—na sinasabing kuwalipikado para sa aviation use.
Gayunpaman, hindi idini-disclose ng COMAC kung anong battery ang nagpapalipad sa CE-25A.
CHINA's next focus using RECHARGEABLE BATTERY FOR TRANSPORTATION
Kilala ang China sa agresibong pagpapaunlad ng electric car industry nito.
Dahil sa potential ng CE-25A, inaasahang maraming Chinese firms and companies magve-venture sa sa mga eroplanong gagamitan ng rechargeable battery sa halip na aviation fuel.
Sa kasalukuyan, iilan pa lang ang all-electric fixed-wing aircraft na nakakumpleto ng flight tests.
Kabilang dito ang X1 all-electric demonstrator ng Heart Aerospace, isang American aerospace manufacturer.
Nagkaroon ito ng maiden flight noong August 2026.
Gayunpaman, ang X1 ay isa lang “test bank” para maka-develop ng mas malaking hybrid-electric airliner.
