Kapag namamasyal sa ibang bansa ang Russian photographer na si Semyon Rezchikov, kinukunan niya ng larawan ang mga taong nakakasalamuha niya sa mga lansangan.
Ina-upload niya sa TikTok ang behind-the-scenes videos ng pagkuha niya ng mga larawan, kasama ang naging reactions ng mga subjects niya.
Binibigyan din niya ang mga ito ng Polaroid copy bilang gift.
Last March 14, 2025, ini-upload ni Semyon ang video ng ginawa niyang street photo shoot sa Chinatown area ng Bangkok, Thailand.

Tampok dito larawan ng isang female street sweeper ng Bangkok Metropolitan Administration (BMA).
Siya ay si Noppajit Somboonsate—mas kilala bilang Meen.
Read: Woman finds real dad thru his old photo, love note to her mom
MEEN THE STREET SWEEPER APPRECIATES THE PHOTO
Nakunan ni Semyon ang eksaktong moment habang naglalakad si Meen, in her official sweeper uniform at sombrero, sa Yaowarat Road.
Dala-dala rin niya ang kanyang mga tools, gaya ng walis at dustpan.
Sa larawan ay tumingin siya sa camera ni Semyon, pero hindi siya nag-smile.
Habang pinupunasan niya ang pawis sa mukha gamit ang manggas ng kanyang damit, nilapitan siya ni Semyon.

Ipinakita sa kanya ng photographer ang Polaroid copy.
Tinanggal ni Meen ang kanyang earphones at napangiti nang makita ang kanyang portrait.
Nagustuhan niya ang mga shots.
Read: Best friends have exchanged the same birthday card for 81 years
MEEN’S PHOTO BECOMES VIRAL
Nagpakilala si Meen kay Semyon, na ang nasambit ay, “You’re so beautiful.”
Ngumiti ang street sweeper at sinabing naninirahan siya sa Bangkok.
Idinadagdag ni Meen na nakakapagsalita siya ng English, pero hindi fluent.
Nag-follow siya kay Semyon sa TikTok.
Matapos namang mai-upload ng photographer ang video ni Meen, bumaha ang mga komento na puro papuri sa kagandahan ng street sweeper.

Sambit ng isang netizen: “You are a model, not a road sweeper.”
May mga nagkomento ring perfect ang skin tone ni Meen, na napakaganda kahit walang make-up, at perfect ang kanyang mga ngipin.
Marami rin ang nagsabing dahil sa kanyang kagandahan, malamang na maging famous si Meen.
Sa comments section ay pinasalamatan ni Meen si Semyon at ang mga netizens.
Aniya, hindi niya inaasahang makakakuha siya ng sobrang atensiyon mula sa iba’t ibang tao.
Read: Banana plants flourish in unrepaired pothole
WHO IS MEEN?
Naging laman si Meen ng iba’t ibang news outlet sa Thailand.
Sunud-sunod din ang imbitasyong natanggap niya mula sa mga photo shoots.
Sa isang panayam, sinabi niyang isang taon na siyang nagtatrabaho bilang street sweeper.
Nagdesisyon siyang mag-apply sa ganitong trabaho para makatanggap ng welfare and benefits mula sa BMA.
Si Meen, twenty-eighty years old, ay isang single mother.
Mayroon siyang dalawang anak na lalaking edad sampu at anim.

Ang mga benepisyong natatanggap mula sa trabaho ay malaking tulong sa kanyang pamilya.
Stable job para sa kanya ang pagiging street sweeper, at plano raw niyang mamalagi sa ahensiya hanggang sa abutin siya ng retirement.
Read: 66-year-old grandma plans to bike to 100 countries
MEEN IS NOW FOCUSING ON HER NEW CAREER
Pero dumating ang maraming life-changing opportunities sa buhay ni Meen matapos mag-viral ang mga larawan at video niya.
Last April 1, 2025, nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa sikat na Thai make-up artist na si Chatchai Peanfapichart—mas kilala bilang Nong Chat.

Inimbitahan siya nito para i-makeover at i-transform bilang si Panor , isang character mula sa Thai movie na Art of the Devil 2 (2005).
Ginampanan ng aktres na si Napakpapha “Mamee” Nakprasitte ang role ni Panor na inilarawang "beautiful, sexy, and mysterious."
Ayon kay Nong Chat, pinili niya ang character na ito para kay Meen dahil magkahalintulad sila ng aktres na si Mamee ng appearance and personality.
Binago niya ang make-up style and hairstyle ni Meen saka binihisan ng traditional Thai attire.
Muli, nakatanggap si Meen ng positive feedback mula sa netizens.
Natural umano ang kanyang ganda, na na-enhance pa ng ginawang makeover ni Nong Chat.
Pagkatapos ng makeover, na-hire din ni Nong Chat si Meen para i-promote ang kanyang bagong cosmetic product.
Last April 3, iniulat ng Thai news website na myMetro na dumagsa ang offer kay Meen ng iba pang brands and marketing agencies para sa collaborations.
Inianunsiyo rin niyang magbibitiw na siya sa pagiging street sweeper para mag-focus sa kanyang bagong career.
Read: Meet Sara Samaniego: The basurera influencer in Colombia
