PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PHP50,000 ipon ng tindero ng yelo, inanay; mapapalitan kaya ng BSP?

May tatlong kondisyon para palitan ang nasirang pera?
by Bernie V. Franco
Published Aug 26, 2021
Ang inipong PHP50, 000 ng tindero ng yelo, kinain ng anay. Mapapalitan pa ba ito? Alamin ang mga requirements para malaman kung ang nasirang pera ay mapapalitan pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
PHOTO/S: YouTube (KMJS) / Adonis Buemia

Marami ang naantig sa kuwento ng tindero ng yelo na nakaipon ng halos PHP50,000, pero inanay ang impok nito.

Ito ang masaklap na istorya ni Adonis Buemia, 70 anyos, single father, at tatlong dekada nang nagde-deliver ng yelo.

Noong July 25, 2021, itinampok ang kuwento ni Adonis sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ng GMA-7.

Ito ay matapos niyang mag-message sa programa para humingi ng tulong na maisalba ang pinaghirapang ipong umabot sa PHP49,200.

Naipaabot ng KMJS ang ang sinapit ni Adonis sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Pero nakapasa kaya sa requirements ang mga nasirang pera para palitan ng BSP?

ICE DELIVERY MAN LEARNS TO SAVE UP

Si Adonis ay tatlumpung taon nang nagde-deliver ng yelo.

Umaga pa lang ay idini-deliver na niya ang mga bloke ng yelo sa mga fish vendors sa palengke.

Kumikita siya ng PHP300 araw-araw. Sa kita niya kada araw, itinatabi niya ang PHP100 bilang savings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilalagay niya ito sa plastic na garapon at itinatago sa cabinet.

Mahusay sa pag-iipon si Adonis.

Sa katunayan, naipatayo ni Adonis ang kanyang bahay matapos ang apat na taong pag-iipon.

Ang second floor ng kanyang bahay ay pinauupahan ng PHP2,500 bilang pandagdag-kita.

Noong 2019, nakabili siya ng bagong motor matapos ang three years na pag-iipon.

Ginagamit niya ang motor sa pagde-deliver ng yelo.

Natutong mag-ipon si Adonis dahil sa masaklap na karanasan sa buhay.

Na-ospital noon ang kanyang unang asawa at wala silang malapitan para makahiram ng pambayad sa ospital.

Doon natutong mag-ipon si Adonis.

Pero nauwi sa paghihiwalay ang pagsasama nila ng kanyang misis.

Muling umibig si Adonis, pero ibinaon daw siya nito sa utang.

Sinikap ni Adonis na mabayaran lahat ng utang, pero hindi na niya nakayanan ang kanilang pagsasama.

Ang kasama ngayon ni Adonis ay ang anak niyang may special needs.

Ang sabi ng huwarang ama, “Lapingpitong taon na iyan na ako lang nag-aalaga. Kung minsan gusto ko nang sumuko, pero wala akong magawa kasi mahal na mahal ko iyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TERMITES EAT HIS MONEY

Isang araw, napansin daw ni Adonis na may mga anay sa may sapatusan.

Nang sundan niya ang mga anay, nakaabot na pala ito sa cabinet na kinalalagyan ng kanyang ipon.

Ang pera ni Adonis na binubuo ng 38 piraso ng tig-PHP1,000; 22 piraso ng PHP500; at dalawang piraso ng PHP100, kinain ng anay.

“Di ko naman nakuha Iyon sa masamang gawain. Pinagpawisan ko Iyon, e," himutok ni Adonis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa tulong ng KMJS, nakausap nila si BSP Acting Deputy Director Nenette Malabrigo.

Ang sabi ni Malabrigo, may tatlong kondisyon o requirement para ang nasirang pera ay mapalitan.

Una, ang size ng natirang pera ay kailangan mas malaki sa kalahati o 60 %;

Pangalawa, kailangan ay may natira kahit na maliit lamang sa facsimile signature ng governor ng Bangko Sentral;

At pangatlo, dapat intact ang window security thread at hindi sinadyang kunin. Pero exempted kung hindi sinasadyang natanggal ito, gaya ng nakain ng insekto.

Inendorso ni Malabrigo si Adonis na pinakamalapit na bangko para matulungan siya.

Ngayong gabi, August 25, 2021, nag-post ang BSP para ipaalam na pinalitan ang nasirang pera ni Adonis ng buong halaga.

BSP REPLACES ADONIS’ DAMAGED MONEY

Bahagi ng pahayag ng BSP, "On 11 August 2021, Mr. Buemia finally received the replacement of his cash savings."

Ipinost ito sa Facebook ng BSP. May paalala rin ang BSP sa mga tao para mapangalagaan ang kanilang ipong pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“To avoid damage caused by termites, water, and other elements, the BSP encourages the public to keep their savings in BSP-supervised financial institutions where they will be safe and secure.

“The BSP earlier issued a circular, which aims to enable Filipinos to facilitate payments and save money with ease, accessibility, convenience, through the Basic Deposit Account (BDA).”

">

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang inipong PHP50, 000 ng tindero ng yelo, kinain ng anay. Mapapalitan pa ba ito? Alamin ang mga requirements para malaman kung ang nasirang pera ay mapapalitan pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
PHOTO/S: YouTube (KMJS) / Adonis Buemia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results