Isang pambihirang pagkakataon na maordenahan nang sabay-sabay ang tatlong magkakapatid bilang mga bagong pari.
Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, isang "gift from the Lord" ang ordination ng Avenido brothers na sina Rev. Jessie James, Rev. Jestonie, at Rev. Jerson Rey sa St. Agustine Metropolitan Cathedral sa Cagayan de Oro City noong September 8, 2021.
Ayon sa arsobispo, “Indeed, this is really a gift from the Lord as we celebrate 500 Years of Christianity. The Lord has gifted us with the gift of priesthood. We thank God above all who is the source of this vocation and ministry.
"I think it has caught the attention of some media outlets for the first time to hear that there are three brothers who will receive the sacred ordination to the presbyterate.
"In fact, this is also my first time to ordain three brothers to the priesthood.”
Kasabay ng ordination ng Avenido brothers ang pagdiriwang ng Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary.
KILALANIN ANG AVENIDO BROTERS
Ang magkakapatid ay tubong Cagayan De Oro at nagmula sa Congregation of the Sacred Stigmata of Our Lord Jesus Christ sa Las Piñas City.
Pero hindi pagpapari ang kanilang unang pangarap.

Pinakamatanda sa kanila si Fr. Jessie James, 30. Gusto sana niyang maging pulis o kaya ay electrical engineer. Nag-aral siya noon sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Sa kanilang magkakapatid, siya ang pinakaunang pumasok sa seminaryo noong 2008.

Si Fr. Jestonie, 29, ay nangarap namang maging guro bago nagdesisyong pumasok sa seminaryo noong taong 2009.

Pagiging doktor naman ang gusto sana noon ni Fr. Jerson Rey, 28, na pumasok sa seminaryo noong 2010.
SARILING DESISYON ANG NAGING BOKASYON
Sinuportahan ng kanilang mga magulang na sina Gallardo at Barbara Avenido ang desisyon ng tatlo na maging alagad ng simbahan.

Isang security guard ang kanilang ama at babysitter naman ang kanilang ina.
Pito silang magkakapatid, at isa lang ang babae.
Umaasa ang magkakapatid na pari na ang kanilang tatlo pang kapatid na lalaki ay susunod sa kanilang mga yapak na maging mga alagad din ng simbahan.

Ayon kay Father Jessie James, ang kanilang desisyong maging pari ay bunga ng mga panalangin at sakripisyo ng kanilang mga magulang.
Kusang loob din ang kanilang naging debosyon na maglingkod sa simbahan.
Aniya, "We have chosen this vocation neither by chance or force, but our own free will."
God bless the Avenido brothers na "Avenido Fathers" na ngayon.