Nakadagdag sa hirap ng pagdadalamhati ng isang pamilya sa Palawan ang mataas na baha na dala ng bagyong Maring.
Noong October 11, 2021, ipinost ni Sheryl Tagyam sa Facebook ang 24-minute video ng kanilang sitwasyon sa Brgy. Abo-abo, Sofronio Española, Palawan.
Makikita sa video ang rumaragasang kulay putik na tubig-baha sa labas, at pinasok na ng lampas-tuhod na baha ang loob ng kanilang bahay.
Dahil dito, kinailangan nilang itali sa kisame ang kabaong na naglalaman ng mga labi ng kanyang pamangkin na si Francine, 17, para hindi ito maanod ng baha.
“Hindi naman namin kagustuhan na itali siya nang ganun, pero wala pong binigay na ibang choice sa amin ang sitwasyon,” ani Sheryl.
Ayon sa post ng Bayan Mo, Ipatrol Mo noong October 13, pumanaw si Francine dahil sa kanyang karamdaman at nakatakda itong ilibing sa October 16.

The strong flood outside Brgy. Abo-Abo in Sofronio Española, Palawan entered a house, where the wake of a deceased young woman was being held. Because of the flood, the coffin had to be tied to the ceiling.
Sa kabila ng malakas na ingay mula sa agos ng baha, madidinig ang madamdaming mga pahayag ni Sheryl.
“Sana magbaba na,” aniya sa video.
“Hindi nga namin iwan dito si Francine. Walang magbantay dito kay Francine.
“Wala ngang kasama si Francine dito. Kawawa naman si Francine dito pag iniwan.”
Sa post ng Bayan Mo, Ipatrol Mo, binanggit na maayos na ang sitwasyon sa lugar nina Sheryl pero may mga pag-ulan pa.