Naantig ang damdamin ng netizens nang makita ang mga larawan ng isang food-delivery rider na bitbit ang anak sa pagtatrabaho.
Nakalagay ang sanggol sa basket ng bisikleta na gamit ng batang delivery rider, na inabot na ng gabi sa pagde-deliver.
Hindi ito safe para sa sanggol. Bukod kasi sa may banta ng COVID-19, hindi rin advisable na nasa daan ito at posibleng maharap sa disgrasya.
Pero isa itong reyalidad na marami sa magulang ang walang choice kundi bitbitin ang kanilang mga anak para lamang makapag-hanapbuhay.
Base sa delivery box at sa kanyang suot na uniform, matutukoy na siya ay delivery rider ng isang kilalang food-delivery service.
Ang mga larawan ay kuha ng netizen na si Jeremiel Flores, at in-upload ito sa kanyang Facebook account.
Inusisa ni Jeremiel ang rider at napag-alamang anak ng rider ang sanggol, at isinama niya ito sa pagde-deliver dahil wala raw magbabantay rito.
Pahayag ng netizen na si Jeremiel tungkol sa mga larawan, “Tinanong ko po siya kung wala ba siyang mapag-iiwanan sa baby niya.
“Wala daw po kasi nagwo-work din daw po yung asawa niya at nakikitira lang po sila sa tito niya.”

Ni-repost din sa Facebook account ng isang Japanese food establishment ang larawan ng delivery rider.
Caption dito: “Update:We appreciate those who find inspiration in this post. We haven't given up hope in humanity. May God graciously reward those who were touched and moved by this photo and shared it to inspire others, as well as those who went beyond being touched and contacted us to aid the rider in the photo.”
Napukaw ang damdamin ng netizens at nagtatanong kung paano makokontak ang delivery rider.
NatuNton at tinulungan ang delivery rider
Natukoy ang rider bilang si Hershey Manuel ng San Pedro, Laguna.
Dahil sa pagdagsa ng tulong sa kanya, nag-post si Hershey sa kanyang Facebook account noong October 27.
Ang laman ng kanyang post (published as is): “Maraming maraming salamat po sa mga nag bigay ng mga pampers po malaking tulong na po sa min ng ank kopo yun."
Ibinigay rin niya ang details ng online wallet para sa mga nais magpadala ng cash assistance.
Samantala, may mga hindi nagustuhan ang choice ni Hershey at ng asawa na dalhin ang kanilang baby habang nagdedeliver ito. May mga bumatikos sa asawa niya.
Hindi nagbigay ng detalye si Heshey. Ang sabi lang niya sa kanyang post, “maraming maraming salamat po sainyo dikopo talaga akalain na may tutulong po sa amin ng mag anak ko.
“Sa mga nagagalit naman po sa asawa ko sana po wag nyo na sya husgahan.”

Natunton din ng isang vlogger ang delivery rider at nag-post ang rider ng larawan nilang dalawa.
Ipinamili ng grocery items ng vlogger ang rider.
Sabi ng vlogger, napukaw rin siya sa nag-viral na food rider na kasa-kasama ang kanyang sanggol na anak sa pagtatrabaho.
Kaya naisipan umano niyang tumulong bilang pagsaludo sa kasipagan ng rider.

Nag-post naman ng pasasalamat ang delivery rider.
NETIZENS GIVE MIXED REACTIONS
Samu't sari ang ang naging reactions ng netizens. May mga pumuri sa rider at sa kanyang adhikain, pero sinabi nilang mali ang kanyang paraan.
Ang katwiran naman ng iba, hindi ligtas sa bata dahil may pandemya pa.
May mga nagtatanong kung wala ba talagang mapag-iiwanan sa bata.
Hirit naman ng isa pa, kung pareho naman silang nagtatrabahong mag-asawa, bakit hindi na lang tumigil ang isa sa kanila para maalagaan ang anak?
Mungkahi naman ng isa pa, magsalitan sila sa schedule.
Nakisimpatya naman ang isa pang netizen, at sinabing nauunawaan niya ang pinagdaanan ng rider. Alam daw niya ang pakiramdam na walang mapag-iwanan.
Alam din niya na maraming sasabihin ang iba kapag binitbit naman ang anak sa trabaho.
Narito ang ilang comments ng netizens:






