This 66-year-old widow finds love in 33-year-old guy via TikTok

by Bernie V. Franco
Nov 3, 2021
Salvacion Navarro, a senior citizen, and Arjay Riola, in his 30s, prove that age is just a number. The couple celebrates their ninth monthsary this November.
PHOTO/S: Salvacion Navarro (TikTok)

Ang pag-ibig ay walang pinipiling edad.

Ito ang pinatunayan nina Salvacion “Sally” Navarro, 66, at Arjay Riola, 33.

Tatlong dekada ang agwat ng edad nina Sally at Arjay.

Nagsimula ang love story nina Sally at Arjay sa pamamagitan ng popular social-media platform na TikTok.

Ani Sally sa Dapat Alam Mo! noong October 28, 2021, “Ako po’y biyuda na, apat na taon na po.”

Dahil isa nang senior citizen, ni hindi raw sumagip sa isip ni Sally na makakatagpo pa siya ng pag-ibig.

Sabi niya, “May edad na ako, e. E, sino pa ang magmamahal sa akin? Sino naman ang mamahalin ko, di ba?”

Pero isang lalaki na nakilala niya sa TikTok ang nagpabago ng kanyang isip: si Arjay.

Kuwento ni Sally, “There’s this guy na dumaan sa FYP [For You Page] niya yung TikTok ko. Finollow niya ako, e, follow back ko rin.”

Kung sisilipin ang TikTok account ni Sally, kuwela siya at feeling bagets sa kanyang dance-challenge videos.

Continue reading below ↓

Marahil ito ang dahilan para mapansin siya ni Arjay, na mahilig ding gumawa ng dance-challenge videos.

Ani Sally, “Gulat ako kasi gusto raw niya ligawan ako. E, ang tawa ko noon...

“Sabi ko, ‘Ha? Dyusko, ilang taon ka na?’ ‘Thirty-three,’ ‘O, thirty-three, ‘tapos ako, 66, half of my age. Ano’ng nakain mo? Bakit mo ako liligawan?’”

Sinegundahan ni Arjay ang kuwento ni Sally, kung paano sila nagkakilala sa pamamagitan ng kilalang social-media platform.

Si Arjay ang unang nagparamdam kay Sally.

Sabi ng binata, “Nakita ko po na sa profile po niya biyuda po siya.

“Nakita ko po yung real face niya. Bali chinat ko po agad siya.

“Sinabi ko na, ‘Hello po, good morning po,’ ganyan, ‘kamukha niyo po si Chanda Romero,’ yung ganyan, yung artista po.”

Ang simpleng kamustahan, nauwi sa ligawan. Sinundan ito ng ilang linggo pag-uusap at video calls.

Dalawang araw lamang makalipas ang Valentine’s Day ngayong 2021, sinagot na ni Sally si Arjay.

Continue reading below ↓

“Sinagot ko siya nung February 16…” pagkumpirma ni Sally.

sally and arjay's relationship faces challenge

Bagamat marami ang naging masaya sa love story ng dalawa, mayroon ding pinagdudahan ito.

Ani Arjay, “Sinasabi nilang pera-pera lang iyan. Sugar mommy, ganoon daw…”

Sundot ni Sally, “’Allowance reveal, weekly o monthly?’ ‘Ano kayo, mag-nanay o mag-lola?’”

Continue reading below ↓

Pag-amin ng biyuda, “Nung unang-una, medyo apektado ako. Parang gusto ko nang huminto noon.”

Pero napatunayan niyang hindi pera ang hangad sa kanya ni Arjay.

Sabi ni Arjay, “Hindi ako materyosong tao. Wala akong hinihinging kapalit kundi, yun nga, yung mahalin ko siya at mahalin din niya ako nang tulad ng binibigay kong pagmamahal sa kanya.”

Sinegundahan ito ni Sally at sinabing nalampasan nila ang pagsubok na iyon sa kanilang pag-iibigan.

Sa kasalukuyan, patuloy na aktibo ang dalawa sa TikTok.

Sa katunayan, gumawa pa sila ng TikTok account na silang dalawa ang nagmamay-ari.

Dito, pino-post nila ang kanilang videos na binubuo ng dance-challenge videos at video clips na nagpapahayag ng kanilang pagmamahal para sa isat-isa.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Salvacion Navarro, a senior citizen, and Arjay Riola, in his 30s, prove that age is just a number. The couple celebrates their ninth monthsary this November.
PHOTO/S: Salvacion Navarro (TikTok)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results