Delivery rider na sumasayaw at kumakanta, naka-Spider-Man costume pa!

by KC Cordero
Nov 6, 2021
Delivery rider wears Spider-Man costume
Kakaiba ang naisip na gimik ng delivery rider na si Ruel Militante. Bukod sa kinakantahan at sinasayawan niya ang kanyang mga customer, naka-Spider-Man costume pa siya!

Total entertainment package para sa kanyang mga customer ang delivery rider na si Ruel Militante, 42, ng Palo, Leyte.

Bukod sa sinasayawan at kinakantahan ang mga ito kasabay ng tugtog ng gitara, nakasuot pa siya ng Spider-Man costume.

Delivery rider wears Spider-Man costume

Kuwento ni Ruel, idol niya si Spider-Man kaya naisip niya ang ganitong gimik. “Attractive kasi siya, kumbaga headturner. Napapansin ka kaagad.

Continue reading below ↓

“Kaya naka-come up ako ng idea, since idol ko kasi si Spider-Man. Saka yung karakter ni Spider-Man [sa movie], delivery siya, di ba?” masaya niyang lahad.

SIKAT SA KANYANG MGA CUSTOMER

Pumatok naman ang gimik ni Ruel. Kaya kahit saan siya mag-deliver, lagi siyang kinukunan ng picture o video.

Delivery rider wears Spider-Man costume

Tuwang-tuwa aniya ang kanyang mga nagiging customer, at maging mga taong nakakakita sa kanya sa daan.

Continue reading below ↓

Kaya naman may mga pagkakataong nakakatanggap siya ng tip sa mga ito.

Pero paglilinaw ni Ruel, hindi niya iyon hinihingi.

Diin niya, “Sila talaga yung kusa na, 'Sige, bibigyan ka namin.' Halimbawa, mabagal yung... hindi napi-pick-up yung deliver, so automatic si customer, si client, nag-aano doon ng additional. Pinaka-least is PHP300... PHP500. Hindi na masama yun."

IBANG RIDERS GINAYA ANG KANYANG IDEA

Ang isa pang nakatutuwa, maging ang ibang delivery riders sa kanilang lugar ay gumaya kay Ruel at nagsuot na rin ng costume ng iba pang superhero.

Ginagamit naman nila sa pagtulong sa kapwa ang kanilang extra income sa pagtulong sa mga nangangailangan nang magkaroon ng pandemya.

Delivery rider wears Spider-Man costume

Continue reading below ↓

Ani Ruel, "Pag may mga extra kami, ambag-ambag namin. 'Tapos, bibili kami ng tinapay, then kape. Yun ang pinaka-primary na pa-snack namin sa mga naka-duty na frontliners, sa mga barangay tanod.”

Ayon pa sa kanya, alam niyang maraming stress na pinagdaraanan ang lahat ngayong may pandemya. Wish niya na sa kanyang naisip na paraan, napapasaya niya ang ibang tao habang siya ay naghahanapbuhay.

Pagmamalaki niya, “Sa sitwasyon kasi ngayon ng pandemic, marami naman talagang puwedeng maiisip na marangal na... para kumita. Kailangan lang, kung ano yung akma sa sitwasyon, doon lang tayo."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakaiba ang naisip na gimik ng delivery rider na si Ruel Militante. Bukod sa kinakantahan at sinasayawan niya ang kanyang mga customer, naka-Spider-Man costume pa siya!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results