Food delivery service ng isang Misamis Occidental resto, ang gamit ay kabayo!

by Bernie V. Franco
Nov 8, 2021
horse delivery service
A restobar in Misamis Occidental delivers food on horseback. Netizens suggesting using a bike instead.
PHOTO/S: Facebook (Chopstick Restobar)

Food delivery service in style.

Usap-usapan ngayon sa social media ang horseback-riding delivery service ng isang restaurant sa Oroquieta City, Misamis Occidental.

Ito ang ipinagmamalaki nina John Wilfred Hatague at Katrina Roseng, may-ari ng Chopstick Restobar sa Oroquieta City.

For a change, hindi bike o motorbike ang ginagamit para sa pagdedeliver ng food order ng resto, kundi isang kabayo.

Binili raw ng mag-asawa ang kabayo at pinangalanang Happy.

Ayon sa kanila, malaki ang adbentahe ng pagkaroon ng horseback-riding delivery service dahil mas tipid sa mahal na gasolina at environment friendly pa.

Nabili ang kabayo sa halagang PHP16,000, at ginagamit ito for delivery service up to five times a day.

Ang rider ng kabayo ay si Jomar Hatague na pinsan ni John Wilfred.

Pagmamalaki ng resto sa Facebook account nito, ang kanilang horseback-riding delivery service ay “FIRST in THE PHILIPPINES.”

horse delivery service

Continue reading below ↓

Sa comments section naman, may mga netizens na nabahala: Paano kung ang food na in-order ay halo-halo o may sabaw?

Sa video na ipinost ng restobar, makikitang sakay ng tumatakbong kabayo ang rider na suot sa kanyang likuran ang thermbal bag na umaalog.

Praktikal na hirit naman ng iba, mas makabubuti kung bisikleta ang gagamitin kung ang iniisip ay gastos sa gasoline at pagiging eco-friendly ng delivery service.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A restobar in Misamis Occidental delivers food on horseback. Netizens suggesting using a bike instead.
PHOTO/S: Facebook (Chopstick Restobar)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results