Life story of Steff Parker: 5 kids with 5 different men; became 3rd party five times

by Bernie V. Franco
Nov 9, 2021
third party
Steff Parker revealed in Eat Bulaga!'s "Bawal Judgmental" segment on November 5, 2021, that she had been a third party in a relationship five times. She bore a child with each of the five men. Steff is now married to a New Zealander.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!)

Limang beses na nagmahal at nasawi sa pag-ibig si Steff Parker.

Sawi sa pag-ibig ang taga-Antipolo na si Stef dahil ang limang lalaking kanyang minahal ay may karelasyon pala lahat.

At nagkaroon siya ng anak sa bawat isa sa kanila.

Ibinahagi ni Steff, 43, ang kanyang makulay na kuwentong pag-ibig sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga! noong November 5, 2021.

Tinalakay sa episode kung sino sa mga players ang dalawa o higit pang beses naging third party sa relasyon.

Sagot ni Steff, “Five times.”

Maaga raw siyang nagmahal at naranasang masawi sa pag-ibig.

Nagkaanak si Steff noong siya ay 18 anyos lamang. High school friend at ka-MU (mutual understanding) ang ama ng kanyang panganay.

Pero hindi na nagbigay ng detalye ni Steff kung paano siya naging third party.

Pagkalipas ng dalawang taon, may nakilala si Steff na isang lalaki at muli siyang nagmahal.

“Nagkita at the age of 20 plus. Sabi niya single siya,” lahad ni Steff.

Continue reading below ↓

“Hindi ko alam [na committed] nga, kasi sabi niya sa akin single nga siya.

“Yun pala, single dahil hindi sila magkasama, pero kinasal na siya.

“So, nagsama kami, kasi wala na sila.”

Nauwi rin daw ito sa hiwalayan.

Lumipad si Steff sa Japan para maging entertainer doon.

Dito niya nakilala ang pangatlong lalaking kanyang mamahalin—isa raw itong Brazilian-Japanese.

“Bata-bata siya, siyempre guwapo, na-inlababo [in love]," pagbabahagi ni Steff.

Nagkaanak sa ikatlong pagkakataon si Steff. “Yung bunga mas guwapo, siyempre, combination, e.”

Pagpapatuloy niya sa kanyang kuwento, “Yung pang-apat, American-Filipino siya. Hindi kami nagtagal kasi nananakit siya.

“I didn’t realize na nagda-drugs siya, ‘tapos napunta na siya sa physical [abuse], so nakipaghiwalay ako.”

bawal judgmental

Continue reading below ↓

Ang panlima raw niyang nakarelasyon ay isang Lebanese, pero naghiwalay rin sila.

Biro pa ni Steff, “United Colors of Benetton” ang kanyang limang anak mula sa limang lalaking kanyang inibig.

NAGMAHAL, NABIGO, PERO "NO REGRETS"

Sundot ng Eat Bulaga! host na si Paolo Ballesteros, karaniwan sa ganoong sitwasyon na ililihim ng lalaki ang kanyang relasyon at sasabihing single siya.

Pero sa limang relasyon ni Steff, hindi raw ba niya tinanong ang sarili kung may mali sa kanya?

Pag-amin ni Steff, “Totoo iyan, iyang ganyan na mapapaisip ka na, ‘Is there something wrong with me? Bakit I always end up with… not really the wrong person, but in a wrong relationship…

“Kasi ayokong sabihing wrong person, kasi na-involve ako sa kanya. Ibig sabihin may feelings ako doon sa tao.

“It just so happened yung relationship is not right for me, not the right time,” sabi ni Steff.

Tinanong din si Steff kung ano ang napagtanto niya sa kanyang failed relationships.

Continue reading below ↓

Ang sabi niya, “Ang bottom line is, I’m in pursuit of real family. I was idealistic in my younger days: may mommy, may daddy, may anak.

“So I always look forward to my own family. Kaya lang, I always end up nga doon sa lalaki na meron na rin siyang pamilya, na hindi ko naman alam,” pag-amin niya.

Sa kabila nito, wala raw pagsisisi si Steff sa kanyang mga pinagdaanan. Wala raw siyang panghihinayang na nagmahal siya bagamat nabigo.

Aniya, “I don’t really have any regrets doon sa nangyari kasi I had beautiful kids kada magkakaroon ng relationship.

“It just so happened yung relationship nga hindi maganda.”

Sa ngayon, kasal na si Steff sa kanyang asawa na isang New Zealander o Kiwi.

Kasal na raw sila ng one year at seven months o bago mangyari ang pandemya.

pinay third party

Continue reading below ↓

Paglilinaw pa ni Steff, hindi niya itinatago sa kanyang limang anak na iba-iba ang kanilang tatay.

“…They know. I’m an open book and I don’t keep any secret, and they know each one of them,” sabi ni Steff.

Si Steff, bagamat 43, ay isa na raw lola, dahil ikinasal na ang kanyang panganay na anak.

“I have two grandkids,” ani Steff.

Payo niya sa panganay na anak, “I’m happy kasi she’s now settled. Masasabi ko lang, if you have any misunderstanding with your partner, pag-usapan niyo."

Mensahe naman niya sa kanyang limang anak, “Lahat kayo mahal ko, and gaya ng sinabi nila, don’t think na you are made out of mistake, no.

“You are made out of love,” nagatol na mensahe ni Steff.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Steff Parker revealed in Eat Bulaga!'s "Bawal Judgmental" segment on November 5, 2021, that she had been a third party in a relationship five times. She bore a child with each of the five men. Steff is now married to a New Zealander.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results