23-year-old entrepreneur naglunsad ng sneakers gawa sa recycled plastic bags, bottles

by Bernie V. Franco
Nov 10, 2021
sneakers made from plastic bags
A pair of these shoes is made with 10 recycled plastic bags and 12 recycled plastic bottles.
PHOTO/S: @thailey.inc on Instagram / YouTube (Business Insider)

Isang entrepreneur sa India ang gumagawa ngayon ng sneakers na gawa sa recycled plastic bags at bottles.

Ini-launch ni Ashay Bhave, 23, ang Thaely sneakers noong July 2021.

Ang Thaely ay isang Indian word na ang ibig sabihin ay plastic bags, at akma na ito ang pangalan ng business kung saan ang sneakers at packaging nito na box at tote bag ay gawa lahat sa recycled materials.

Kada pares ng sapatos ay ginagamitan ng sampung plastic bags at labindalawang plastic bottles.

Sa halagang $110 (o PHP5,500) kada pares, ay maishi-ship nila ito kahit saan mang parte ng mundo.

HOW THE SHOES ARE CREATED USING RECYCLED MATERIALS

Dahil gawa sa plastic bags, ang inakala raw ni Ashay ay hindi siya mahihirapan sa paghahanap ng plastic bags na iri-recycle.

“I assumed that it would be easy to find in all wastes, plastic bags, but that wasn’t the case,” ani Ashay sa panayam ng sa Business Insider noong October 23, 2021.

Continue reading below ↓

Para mapadali ang trabaho, nakipag-partner siya sa isang waste-removal company, ang Triotap Technologies, na may mga trabahador na mangangalakal ng basura sa kalsada.

Ang mga nakolektang plastic ay ibababad at lilinisin sa mainit na tubig na walang halong kemikal, pagkatapos ay isasampay ito at patutuyuin.

Kasunod nito, dadalhin ito sa warehouse at pagpapatungin ang 8-10 plastic bags at ilalagay sa heat press.

Ito na ang sheet na kung tawagin ay ThaelyTex, na siya ring main material na gamit sa pagbuo ng sapatos.

Kada araw ay nakakagawa ng 100 sheets.

thaely sneakers

Continue reading below ↓

Sabi ni Ashay, “So, it’s a material that entirely made of plastic bags without the use of any chemicals.”

Dadalhin na ang sheets na ito sa footwear factory, kung saan i-a-assemble o bubuuin ang sapatos. Ang footwear factory ay may 170 employees, na gumagawa ng sapatos para sa tatlong iba't ibang kumpanya.

Hinuhulma ang ThaelyTex materials gamit ang mga patterns, pati na rin ang isang uri ng fabric na gawa naman sa recycled bottles.

Tatahiin ang mga patterns na siyang bubuo sa porma ng sapatos.

Pagkatapos ay kakabitan ito ng soles o suwelas na rubber, na gawa naman sa industrial rubber.

Lalagyan ng clear glue ang rubber at idadaan sa UV light, para mas tumindi ang adhesive property nito. Idadaan din ito sa heat treatment at coat para lalong tumibay ang product.

Ang huling step ay ang pagtahi sa sapatos at ang pagkabit ng shoelaces na gawa rin sa plastic.

Continue reading below ↓

Ayon kay Ashay, kung titingnan ang proseso nila sa paggawa ng sneakers, traditional manufacturing technique pa rin ito. Ang kaibahan lang ay ang materyales na ginamit.

FULLY RECYCLABLE PACKAGING

Samantala, ang tote bags na ginagamit bilang lalagyan ay gawa sa apat na plastic bottles.

Ang shoebox naman ay gawa rin sa recycled paper na nagtataglay ng seeds.

Sa instruction sa box, mababasa na kailangan lamang gupit-gupitin sa maliliit na bahagi ang shoebox at ibaon ito sa matabang lupa.

Pagkalipas ng two weeks tutubo na ang basil plants.

boxes of thailey sneakers

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Ashay tungkol sa kanyang shoe products, “It’s extremely durable and lasts like any other sneakers about two to three years.”

INSPIRATION BEHIND BUSINESS IDEA

Pero saan nga ba nagsimula ang ideyang ito ni Ashay?

Sabi ng entrepreneur, isinali niya ito sa isang competition noong nasa business school siya.

Sinunggaban niya ang pagkakataon na isali ang kanyang design project sa competition para maging totoong business.

Nagtagumpay si Ashay dahil pinondohan ng private investors ang simula ng kanyang business.

Nakatanggap din siya ng suporta sa mga plastic manufacturers sa India.

Simula noong September 2021, ni-require ng Indian authorities ang plastic bag makers na gawing makapal ang kanilang produkto.

Ang konsepto kasi rito, mas madaling i-recycle ang makapal na plastic bags at maeengganyo ang mga nangangalakal na pulutin ang mga ito.

Samantala, ang mga pinaglumaang sapatos ng Thaely ay maaaring ibalik sa company para makakuha ng discount.

Ire-recycle naman ito ng kumpanya at gagawing donasyon.

Continue reading below ↓

Ani Ashay, “It allows us to responsibly recycle them, refurbish them, and donate to charity.”

Ang kumpanya ni Ashay ay hindi na bago sa sneakers industry.

Ang dalawang sneakers giant gaya ng Adidas at Nike ay gumagawa rin ng sapatos na gawa sa recycled materials.

Noong June 2020, naglabas ang Nike ng Nike Space Hippie sneakers series, na may price range na $130-$180 (PHP6,500-PHP9,000), ayon sa sneakernews.com

Ang Adidas naman ay gumawa ng mga sneakers na gawa sa ocean plastic na tinawag nilang Parlay. Target ng Adidas na gumawa ng 17 million pairs ngayong 2021.

Ang bawat pares naman ay tinatayang PHP10,000-PHP16,000.

Kumpiyansa si Ashay na ang kanyang sinimulang negosyo ay magkakatoon ng puwang sa $7-billion industry ng sneakers.

Bukod sa maganda ang produkto, maganda rin ang hangarin nito.

“This is a project that’s going to fund itself, and at the same time, help the lives of the sanitation workers that we work with, the factory that we work with.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A pair of these shoes is made with 10 recycled plastic bags and 12 recycled plastic bottles.
PHOTO/S: @thailey.inc on Instagram / YouTube (Business Insider)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results