Agriculture student, matagumpay sa pagtatanim ng mansanas sa Davao Del Sur

by KC Cordero
Nov 11, 2021
Benzone Kennedy F. Sepe showing a growing apple tree and freshly picked apple fruits
Mabubuhay ba ang puno ng mansanas sa Pilipinas? Mula sa pagiging curious ni Benzone Kennedy F. Sepe, pati na rin tiyaga at masusing pananaliksik, mayroon na siya ngayong 300 puno ng mansanas sa kanyang farm.

Pitong taon na ang nakalilipas, sinubukang magtanim ni Benzone Kennedy F. Sepe, 30, nakatira sa Kapatagan, Digos City, Davao del Sur, ng mansanas dahil na-curious lang siya.

Kinuha niya ang mga buto mula sa mansanas na kinakain niya.

Pinasibol muna niya ang mga iyon sa seashells, at nung lumaki nang limang piye ay inilipat niya sa seedling bags.

Tuluyan niyang inilipat ang mga iyon sa lupa makalipas ang anim na buwan.

Gayunpaman, sa mga itinanim niyang mansanas ay isa lang ang nabuhay.

A young apple fruit

Continue reading below ↓

Pinag-aralan niyang mabuti kung paano tuluyang makaka-survive ang nag-iisang puno ng mansanas.

Pagbabahagi ni Benzone, “I pruned the plant, but it did not end there. I found out a proper way on the internet and that the branch should be bent for sunlight exposure.”

Noong January 2018, makalipas ang ilang taon ng pag-aalaga at pagtitiyaga sa nasabing puno, nagsimula na itong mamulaklak.

September 2018, napitas ni Benzone ang apat na pinkish-red na mansanas na kasinlalaki ng kamao.

Nang kanyang tikman, ang naging verdict niya, “I cannot see any difference between that and a commercial apple because the juiciness and crunchiness are still there.”

Agriculture student Benzone Kennedy F. Sepe with freshly picking apple fruits

Continue reading below ↓

Sa panayam kay Department of Agriculture Region XI Regional director Bong Oñate ng ABS-CBN news, sinabi ng opisyal na si Benzone ang kauna-unahang matagumpay na nakapagpalaki ng puno ng mansanas sa Mindanao.

NA-INSPIRE SA MANGO GREENHOUSE SA KOREA

Nag-aaral si Benzone ng agriculture sa Davao Del Sur State College. Siya rin ang nagma-manage ng kanyang farm, ang Kapatagan Apple Orchard, Rare Fruit Farm and Nurseries.

Nagkaroon siya ng interes na magtanim ng mansanas nang minsang bumisita siya sa Korea.

Nakabasa siya roon ng magazine tungkol sa Korean farmers na nagtatanim ng mangga sa mga greenhouses.

Naisip niyang dito sa Pilipinas, baka puwede naman ang ganoong sistema sa mansanas.

Pagbalik niya, sinimulan na niya ang pagre-research tungkol sa pagtatanim nito.

Sa isang panayam sa kanya, sinabi ni Benzone na importante na maraming itanim na buto ng mansanas dahil nga hindi lahat ay nakaka-survive.

Benzone Kennedy F. Sepe inside a greenhouse

Continue reading below ↓

Aniya, “If you want to start growing apples from seeds, you have to plant as many as you can. One hundred or more apple seeds if possible.”

Batay sa kanyang karanasan, kahit mahirap ay posible talaga na magpalaki ng puno ng mansanas sa ating bansa.

Sa temperate climates, namumunga ang mansanas makalipas ang lima hanggang pitong buwan.

Apat na buwan naman sa lugar ni Benzone dahil bahagyang malamig sa kanilang area.

Ipinaliwanag din niya na ang buto ng mansanas ay mababa ang germination rate o pagtubo.

Kailangan ding alagaan ang mga ito laban sa peste.

Sa ngayon ay mayroon na si Benzone na 300 puno ng mansanas.

OPEN ANG KANYANG FARM SA MGA BISITA AT ESTUDYANTE

Isa ring vlogger, regular na nag-a-upload si Benzone ng videos sa Kapatagan Apple Orchard Digos City Benzone YouTube Channel.

Mapapanood doon ang pagpapalaki niya ng mga puno ng mansanas, at pamimitas ng mga bunga nito.

Continue reading below ↓

May mga tanim din siyang pear, persimmon, peach, Hass avocado, orange, durian, ubas, strawberry, bayabas at iba’t ibang gulay.

Ang kanyang farm ang kauna-unahang Agricultural Training Institute-certified Learning Site for Agriculture (LSA) para sa produksyon ng mansanas.

Open din ang kanyang farm sa mga bisita at sa mga estudyante na gustong matutong magtanim ng mansanas.

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mabubuhay ba ang puno ng mansanas sa Pilipinas? Mula sa pagiging curious ni Benzone Kennedy F. Sepe, pati na rin tiyaga at masusing pananaliksik, mayroon na siya ngayong 300 puno ng mansanas sa kanyang farm.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results