Hirap sa Math subject ng mga apo, lola nag-face-to-face class with teacher

by KC Cordero
Nov 11, 2021
Rodney Nicodemus teaches Lola Merlita Militar
Ang math teacher na si Rodney Nicodemus sa kanyang classroom at ang nag-iisa niyang estudyante, si Lola Merlita Militar, 79.

Nag-post si Rodney Nicodemus, isang math teacher sa Bulwang Elementary School, District of Numancia, Aklan, ng kanyang mga larawan habang nagtuturo sa loob ng classroom.

Kakaibang face-to-face class ito dahil ang kanyang nag-iisang estudyante ay si Lola Merlita Militar, 79.

Rodney Nicodemus teaches Lola Merlita Militar

Ang caption ni Teacher Rodney sa kanyang post sa Facebook noong October 27, 2021: “Tutor anay sa Lola bisan bukon akon estudyante ana apo. Para maw man kuno maturo sa ana apo. Mayad pa si Lola nanda ngara gahutuhot. Sana ganito din ang ibang kabataan at nanay.

Continue reading below ↓

Roughly translated, ibig sabihin ni Teacher Rodney ay nagpapa-tutor sa kanya si Lola Merlita para maturuan naman nito ang mga apo.

Pagbabahagi ng guro, "She approached me na kung puwedeng turuan ko raw siyang muli. This is the second time around na magpapaturo siya sa akin in mathematics."

Aminado si Lola Merlita na mahihirapan siyang turuan ang dalawang apo na 11 years old at 4 years old sa kanilang module lessons lalo na pagdating sa math.

Hindi raw kasi siya nakapagtapos ng pag-aaral.

Siya ang nag-aalaga sa mga apo dahil nagtatrabaho sa Cebu ang parents ng mga ito.

Pinatunayan naman ni Teacher Rodney na sobrang desidido si Lola Merlita na matuto para sa mga apo.

Ayon sa guro, "So ang topic na kanyang ipatuturo sa akin is subtraction of mixed numbers na kung saan hindi raw alam ng kanyang apo at hindi rin niya alam."

Parehong pinuri ng netizens sina Teacher Rodney at Lola Merlita dahil sa kanilang sakripisyo para sa mga learners.

Continue reading below ↓

Netizens praised Teacher Rodney Nicodemus and Lola Merlita Militar

Netizens praised Teacher Rodney Nicodemus and Lola Merlita Militar
Mayroon ding nagbahagi kung gaano kahirap para sa mga parents o guardians na gaya ni Lola Merlita ang mag-asikaso ng mga anak o apo habang hindi pa allowed ang face-to-face classes.

Continue reading below ↓

Netizen shares hardship of online classes

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang math teacher na si Rodney Nicodemus sa kanyang classroom at ang nag-iisa niyang estudyante, si Lola Merlita Militar, 79.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results