Abot sa milyon ang tuition sa Norland College sa England, elite school para sa mga yaya

by Bernie V. Franco
Nov 12, 2021
elite nannies in England
Norland College in England offers a four-year course to train students to become "supernannies."
PHOTO/S: YouTube (Norland College)

Isang college sa England ang nag-o-offer ng four-year course para mag-train ng mga yaya o nanny na hina-hire ng mga aristocratic at mayayamang pamilya.

May reputasyon ang Norland College sa Bath, Somerset sa England na nagsasanay sa “most exclusive and highly-trained nannies in the world,” ayon sa ulat ng Business Insider noong July 31, 2021.

Bukod kasi sa pag-aalaga ng bata, tinuturuan din ang mga "supernannies" ng self-defense, at advanced techniques at skills sa driving, cooking, at sewing.

Hinahasa sila para maging pulido ang trabaho, lalo pa at ang magiging employers nila ay nakaaangat sa lipunan sa iba't ibang panig ng mundo.

SUPERNANNY PERKS

Hindi biro ang pag-aaral sa Norland College. Ang gastos ay umaabot sa $21,000 o higit PHP1 milyon kada taon.

Apat na taon ang ginugugol para makapagtapos: tatlong taon ng pag-aaral, at isang taong pagtatrabaho para sa isang pamilya bilang actual training.

Gayunpaman, ang pakay kasi ng mga magsisipagtapos dito ay kumita ng $170,000 kada taon (PHP 8 milyon) sa oras na makahanap sila ng trabaho.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, maging ang British royalty ay kumukuha ng nannies mula sa Norland College.

Norland nannies

Sa ulat, sinabing ang pag-aaral sa Norland College ay mas mahal pa kesa sa pag-aaral sa dalawang prestihiyosong unibersidad sa United Kingdom: ang Cambridge University at Oxford University.

Sabi naman ng Norland College Principal na si Janet Rose, ang kikitain ng isang newly-graduate sa Norland ay mas mataas pa kesa sa kikitain ng nagsisimulang accountant at abogado.

Continue reading below ↓

STUDYING TO BECOME A SUPERNANNY

Tinuturo ang self-defense bilang counter measure ng nannies laban sa banta sa inaalagaang bata, gaya ng pagdukot.

Si Alice, isang Norland student, ay nagbahagi ng kanyang karanasan.

“Unfortunately, I have had an experience where a man tried to take the little girl that I used to look after.

“I said, ‘You need to give her back.’ And he said, ‘No.’

“And so, I just had to pull her off of him whilst holding onto the buggy, where her baby brother was.”

Dugtong ng estudyante, “It is scary, but that’s why I think parents hire Norlanders, because we are given that extensive training for these worst-case scenarios.”

Sa pagluluto, tinuturuan sila sa paghahanda ng mga meals at dishes, para handa sila sa anumang diet restrictions ng magiging amo.

Sumasailalim din sila sa three years ng pag-aaral sa pananahi gamit ang mga kamay at makina.

Tinuturuan din silang driving skills tulad ng pagpapatakbo ng sasakyan at ano ang gagawin kapag nawalan ng control ang kotse.

Continue reading below ↓

May sinusunod ding strict rules ang paaralan, katulad ng pagbabawal sa paninigarilyo, alcohol, fast food, at kape.

Sabi pa ni Principal Janet, hinahangad nila ngayong maging university ang kanilang eskuwelahan at makilala bilang unang institusyon sa specialist sa nanny training.

Ang Norland ay itinayo ni Emily Ward, isang pioneer sa childcare sa England.

Itinayo ang institusyon noong 1892.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Norland College in England offers a four-year course to train students to become "supernannies."
PHOTO/S: YouTube (Norland College)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results