Nagmistulang double celebration ang kasal ng isang couple sa Cebu dahil sa mismong big day nila ay naging parents ang bride at groom.
Ikinasal sina Louie Pasinabo at Hiassin Jane Carulasan sa bayan ng Oslob noong December 4, 2021, ang araw rin ng kapanganakan ng kanilang baby girl.
Habang abala ang lahat sa preparasyon para sa kasal, nakaramdam si Jane ng contractions.
Nangyari ito dakong alas singko ng umaga, kaya dali-dali siyang isinugod sa Oslob District Hospital.
Matapos manganak at pagkalipas ng limang oras, itinuloy ang kasal nina Louie at Jane sa bakanteng lote sa tapat ng ospital.
Nangyari ang kasal bandang alas diyes ng umaga, at dinaluhan ito ng kanilang mga kaibigan, pamilya, at, siyempre, ng kanilang bagong silang na sanggol.
Sa wikang Cebuano, ipinaliwanag ng groom kung bakit itinuloy nila ang kanilang kasal kahit nanganak ang bride.
Aniya, inasikaso ng kanilang mga magulang ang pakikipag-usap sa pari.
Nakiusap din sila sa doktor na sa malapit sa ospital idaos ang kasal.
Sabi ng groom, “Kung ipagpaliban pa namin ito, wala na kaming makain dahil nakatay na lahat ng baboy, wala na kaming panghanda ulit."
Sa ilang picture ay kita pa ang signage ng ospital sa background.
Sa isa namang photo ay makikita ang bride na nakaupo sa wheelchair at sinundo ng kanyang groom sa may entrance ng ospital.
Sa ilang picture ay kita pa ang signage ng ospital sa background.


Sa mga ipinost na wedding photos, makikitang naitawid naman ang kasal.
Naka-wheelchair pa ang bride at nakasuwero.
Makikita rin ang ilang medical staff kasama ang mga abay.
Samantala, sa kabila ng biglaang pangyayaring ito, bakas sa ngiti ng newlyweds at mga taong nakapaligid ang kaligayahan nila sa araw na iyon.
Congratulations and best wishes! A warm welcome na rin for the baby girl!
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
