Na-claim na ng lotto bettor ang PHP15,840,000 na kanyang napanalunan sa Super Lotto 6/49 draw na ginanap noong November 9, 2021.
Ayon sa pahayag na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong December 6, “A woman in her late 50's who won the Super Lotto 6/49 jackpot prize of PHP15,840,000.00 on November 9 claimed her winnings at the PCSO Main Office, Mandaluyong City on November 10, 2021.

"Our new millionaire is a resident of Quezon City, married, and works as an administrative assistant in a private company.”
Ang kumbinasyon na 21-41-19-01-08-38 ay lagi umanong tinatayaan ng lotto winner at inalagaan niya mula pa noong 1995.
Ang mga numero ay pinagsama-samang date of birth ng kanyang mga magulang at mga kapatid.
MAGKANO ANG NAGASTOS SA PAGTAYA?
Malaking pera ang PHP15,840,000.00 at kung hindi magiging bulagsak sa paghawak nito ang lotto bettor na nagwagi ay mamumuhay siya at ang kanyang pamilya nang maayos.
Ayon sa lotto bettor, inalagaan niya ang winning combination sa loob ng 25 taon, at tinatayaan araw-araw ang lahat ng lotto draw ng PCSO. Ibig sabihin, lumalabas na 15 beses siyang tumataya sa isang linggo.
Ang mga lotto draw ng PCSO ay ang 6/42 Lotto (Tuesday, Thursday, and Saturday), 6/45 Mega Lotto (Monday, Wednesday, and Friday), 6/49 Super Lotto (Tuesday, Thursday, and Sunday), 6/55 Grand Lotto (Monday, Wednesday, and Saturday) at 6/58 Ultra Lotto (Tuesday, Friday, and Sunday).
Kung PHP20 ang isang tiket ng lotto, sa isang linggo ay gumagastos siya ng PHP300 sa pagtaya.
Sa loob ng isang taon ay may 52 weeks, kaya lumalabas na ang kabuuang naitaya niya sa loob ng isang taon ay umabot ng PHP15,600.
Kung inalagaan niya ang kumbinasyon sa loob ng 25 taon, PHP390,000 ang total ng naitaya niya araw-araw sa lahat ng lotto draws.
KUNG SA ISANG DRAW LANG SIYA TUMATAYA ARAW-ARAW
Pero posible rin isang lotto ticket lang ang kanyang tinatayaan every day.
At tumataya lang siya sa araw na iyon sa lotto draw na palagay niya ay malaki ang chance niyang manalo.
Kung ang lotto ticket ay PHP20, namumuhunan siya ng PHP140 kada linggo.
Kung sa isang buwan na may 30 days, nasa PHP600 ang kanyang naitataya.
Sa loob ng isang taon na may 12 buwan, gumagastos siya sa pagtaya ng PHP7,200.
Sa loob ng 25 taon, may kabuuan itong PHP180,000.
KUNG SA 6/49 LANG SIYA TUMATAYA
Sa 6/49 siya tumama, kaya posibleng ito ang paborito niyang lotto draw.
Dahil ang 6/49 ay binobola tuwing Tuesday, Thursday, and Sunday, kung ang lotto ticket ay PHP20, namumuhunan siya ng PHP60 kada linggo.
Sa loob ng isang taon na may 52 weeks, gumagastos siya sa pagtaya ng PHP3,120.
Sa loob ng 25 taon, may kabuuan itong PHP78,240.
HUWAG UMASA SA GAME OF CHANCE
Kahit legal ang lotto, sugal pa rin ito. Hindi dapat iasa ang kapalaran sa anumang game of chance.
Kung sinuwerte ang bagong milyonarya sa pag-aalaga ng kanyang kumbinasyon sa loob ng 25 taon, marahil ay nakaguhit iyon sa kanyang kapalaran.
Mahalaga pa rin ang pagsisikap para maabot ang pangarap, at gawin ang mga nararapat na hakbang gaano man kahirap ang mga kakaharaping hamon.
Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.