Ipinakita ng isang lalaking mula sa Davao City ang kanyang pagkamalikhain sa pamamagitan ng kanyang Christmas tree na ang gamit ay mga napaglumaang face shields.
Sa halip daw na itapon ang mga ito, naisipan niyang i-recycle.
Ipinost ni Bayani Isagani Panuncillon ang kanyang obra sa social media, partikular sa Facebook at YouTube.
Sa YouTube, ibinahagi muna ni Bayani kung ano ang nag-udyok sa kanya na gawin ito.
Aniya, emosyonal siya dahil pangalawang Pasko na ito na may pandemya.
Sabi ng Davaoeño, “Dinahan-dahan na nilang i-lift yung restrictions, like face shields.”
Matatandaang noong kalagitnaan ng November 2021 ay ni-lift ng gobyerno ang mandatory face-shield wearing sa mga lugar under alert levels 1-3.
Nanghihinayang naman daw si Bayani na itapon ang face shields, lalo’t ang dami niyang naitabi.
Sabi niya, “Ngayon, gusto kong gumawa ng Christmas décor or Christmas tree na gawa sa face shield.
“Kasi hindi mandatory ang pagsuot ng face shields sa mga mall at establishments, pati sa mga public vehicles.
“Sayang kasi kung itapon natin. Hindi magagamit.
“Ngayon ang dami ko nang naipong face shield, kasi dati lagi ko siyang nakakalimutan.
“So halos araw-araw ako bumibili. So ayun, naipon.”

pandemic christmas decor
Ang ginawa ni Bayani, idinikit niya ang mga recycled face shields sa pader ng kanilang bahay na korteng Christmas tree.
Bumili rin siya ng ibang Christmas decors, gaya ng Christmas balls at Christmas light para tumingkad ang kanyang likha.
Ang ginamit naman niyang stand ng Christmas tree ay isang empty soju bottle.

Umabot naman sa PHP350 ang binili niyang ibang decors, gaya ng Christmas balls, lights, at artificial poinsettia leaves.
Umani ng papuri mula sa netizens ang ginawa ni Bayani.
Marami ring netizens ang bumati kay Bayani dahil pro-environment ang kanilang likha.

