PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man-made tunnels, nagsilbing shelter habang humahagupit si Odette

Mas safe ba kesa sa evacuation centers?
Published Dec 21, 2021
Leyte tunnels
Some residents of a barangay in Leyte found refuge in man-made tunnels when Super Typhoon Odette landed in the country last week. A local official said residents have been doing this for years after the aftermath of Typhoon Yolanda in 2013.
PHOTO/S: Facebook (Leyte LGU via Sharon Evita

Sa mga man-made tunnels sumilong ang ilang pamilya sa isang lugar sa Leyte nang tumama ang Super Typhoon Odette, na humagupit sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao last week.

Ito ay kahit pa may mga evacuation centers.

Ilang taon nang sumisilong sa mga tunnels na ito na nasa mabundok na bahagi ng Brgy. Tigbawan ang mga residente ng Sitio Cabuyagan sa tuwing may malakas na bagyo.

Mababa lang ang taas ng mga ito, pero makikitang may balangkas sa loob gamit ang mga kahoy para matibay at hindi gumuho ang lupa na nasa itaas nito.

Ang mga larawan ay mula sa local government unit ng Leyte at ipinost sa Facebook ng ABS-CBN reporter na si Sharon Evite.

Ayon kay Leyte Municipal Councilor Alex Dagandan, nagtanda ang mga residente nang manalasa sa kanilang lugar ang bagyong Yolanda noong 2013.

"Sa tuwing may paparating na bagyo ay nagtatago sila sa ginawa nilang tunnel," ang sabi ng konsehal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

leyte tunnels

leyte tunnels

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinatayang sampung tunnel ang nagawa sa lugar, at bawat tunnel ay tinatayang makakapag-accommodate ng isa o dalawang pamilya, depende sa dami ng miyembro.

NETIZENS REACT TO THE TUNNELS

Samantala, iba-iba ang komento ng netizens. May mga pumuri sa naisip na paraan ng mga residente ng nasabing lugar.

Pero may mga kumontra at sinabing mas ligtas pa rin kung sa evacuation centers pumunta.

Nangangamba naman ang iba na baka gumuho ang lupa sa itaas ng tunnel.

Maraming netizens na mula sa probinsiya ang mga nagkomento at nagsabing hindi na ito bago sa kanila.

May nagpaliwanag na ginawa ang mga tunnel sa may taniman ng copra kaya matibay umano ang lupa.

Malabo raw umano ang landside dahil sa mataas na bahagi ginawa ang tunnel.

May nangatwiran na mababaw lamang ang lupang nasa itaas at hindi ganoong kadelikado kung gumuho man daw ito.

May ilan ding nagsabi na ito raw ang ginagawa ng kanilang mga ninuno mula pa noon sa tuwing may darating na malakas na bagyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

leyte tunnel

leyte tunnels

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

leyte tunnels

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Some residents of a barangay in Leyte found refuge in man-made tunnels when Super Typhoon Odette landed in the country last week. A local official said residents have been doing this for years after the aftermath of Typhoon Yolanda in 2013.
PHOTO/S: Facebook (Leyte LGU via Sharon Evita
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results