Isang laundry shop sa San Francisco, Agusan del Sur, ang umani ng positive reactions sa social media dahil sa pagiging tapat sa customers nito.
Isinasauli kasi ng management ang mga nadidiskubreng pera at alahas na naiiwan sa mga bulsa ng mga damit ng mga parokyano nito.
Kaya naman binansagang "honesty laundry shop" ang Wash ME Laundromat-San Francisco.
Mababasa sa caption ng ipinost ng laundry shop sa Facebook page nito last December 2021: “We value integrity more than anything else.”
Kalakip ng post ang pictures ng mga nalabhang damit ng customers, naka-plastic na, at ang mga natagpuang mahahalagang bagay.
Kabilang na rito ang peso bills at jewelry, gaya ng pendant at earrings.

(Among the things that were discovered were a 100-peso bill and a heart-shaped pendant.)
Viral ang post na ito at ni-repost ng iba’t ibang Facebook accounts.
Ang sabi naman ni Pharesee Pura, ang owner ng laundry shop sa Agusan del Sur, “It’s a blessing beyond measure.”
Si Pharesee ay kasalukuyang nasa Dubai, United Arab Emirates.
Ang kasosyo nitong si Florfel Mejia ang nasa Agusan del Sur at nangangasiwa ng kanilang negosyo.
“Si Florfel po ay former OFW na kapatid ko. Siya din ay laundry attendant dito sa Dubai for seven years, and we work as a team.
“Siya po sa operations, then ako naman po ang back-office support niya,” ani Pharesee sa interview ng Rise and Shine ng PTV4, January 10, 2022.
Hindi raw akalain ni Pharesee na pupusuan ng maraming netizens ang post ng isinauling pera ng customers.
Aniya, “Sobrang nakakatuwa po na yung gumawa ka lang po nang tama, ang isang simpleng bagay ay naa-appreciate po ng maraming tao.
“Nagising na lang po ako one day na sobrang nag-viral yung post sa Facebook page po namin.
“And I honor my brother [Florfel] for this kasi lahat ng ito ay idea niya po.”
Ang pagiging tapat daw ang naiisip nilang paraan para tangkilikin sila ng kanilang customers.
“Sinasabi nga namin sa husband ko, in order for our business to shine, we should have an edge over the others.”
Gusto rin daw ni Pharesee na magsilbi silang inspirayson sa mga kagaya nilang negosyo na kasisimula pa lang.
STARTED IN 2019
Kuwento pa ni Pharesee, sinimulan nilang magkapatid ang laundry shop sa Davao City noong last quarter ng 2019.
Nag-pick up ang kanilang negosyo at unti-unting nakikilala, pero hindi nagtagal ay nangyari ang pandemya.
Isinarado nila ang kanilang laundry shop sa Davao.
Nakapag-usap daw sila ng kanyang pinsang may-ari ng fitness center sa Agusan del Sur.
Pahayag ni Pharesee,“At saka mga Zumba instructors po yung mga pinsan ko sa Agusan del Sur, so, we decided to collaborate.”
Isang laundry shop-fitness center ang itinayo nila sa Agusan del Sur.
“And while nagpapalaba yung mga customer po namin, they can use the gym equipment.
“Yun po ang naging additional service namin sa laundry shop.

Pharesee Pura (right) talks about their honesty laundry shop in Agusan del Sur, which is also part-fitness center.
“But for now, na-dispose na po namin ang mga [fitness] machines. We still have regular Zumba every night.”
Sundot ni Pharesee, “Sa panahon ngayon, we have to diversify kung saan tayo puwede mag-survive.”
