PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arjay Montemayor: The room attendant who surrenders PHP130K cash

“Kahit mahirap ang buhay ngayon, di ko po naisip kuhanin o itago..."
by Bernie V. Franco
Published Jan 18, 2022
arjay montemayor
Because of his honesty, room guide Arjay Montemayor has been rewarded by the hotel management. From project employee status, he is now a probationary employee, and he was also given a plaque for his serving as a role model to fellow employees. Arjay discovered a bag containing PHP130,000, and informed the hotel management.
PHOTO/S: Facebook (Mhar de Jesus)

Kahit nasa harap na ang malaking halaga ng pera, hindi nagpasilaw sa tukso si Arjay Montemayor.

Katapatan ang nangibabaw sa 27-year-old room attendant ng Hotel Sogo sa Mexico, Pampanga nang matagpuan niya sa isang kuwarto ang bag na naglalaman ng PHP130,000.

Ayon sa ulat ng Provincial Information Office (PIO) Pampanga noong January 16, 2022, nangyari ang insidente noong January 4, 2022.

Matapos mag-check out ng guest ay pumasok si Arjay sa kuwarto, at natagpuan niya ang bag sa mesa.

Paglalarawan ni Arjay, “Nung lumabas na po yung guest at itse-check ko po yung kuwarto niya, habang tsine-check ko nga po yung mga kagamitan sa kuwarto, napansin ko nga po yung bag niya, na nasa tabi po siya ng lamesa, sa ibaba po.

“So, sa mabilisang tingin po, hindi po natin makikita. Nakasilid sa gilid ng lamesa.”

Matapos matagpuan ang bag, tumawag si Arjay ng kasamahan para i-report ang bag sa kanilang hotel supervisor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang busisiin ang bag, nadiskubreng naglalaman ito ng perang nagkakahalaga ng PHP130,000.

Arjay Montemayor

Room attendant Arjay Montemayor reports to the hotel supervisor the bag he discovered in one of the rooms last January 4, 2022.

Na-recover ng may-ari ang bag at napag-alaman na ang pera ay para sa payroll ng mga empleyado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ako natukso na itago ang pera, dahil hindi ko naman pagmamay-ari iyon.

“Kahit mahirap ang buhay ngayon, di ko po naisip kuhanin o itago man yung perang iyon.

“Dahil hindi ko po pinaghirapan, e. Hindi siya masarap gastusin kung sakali man po, na hindi mo naman pinagpaguran. Wala pong kapupuntahan na maganda.”

arjay montemayor

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ginantimpalaan naman ng hotel management ang kabutihan ni Arjay.

Mula sa pagiging project employee status, iniangat ito sa probationary employee.

Gagawaran rin siya ng plaque of recognition sa pagiging huwarang empleyado at lunch treat para sa kanyang buong pamilya.

Ipinost din ito sa Facebook page ng hotel.

Sabi ng hotel supervisor na si Mhar de Jesus na siyang nag-post, ito ay para maipaalam din ang kabutihang ipinamalas ni Arjay.

Umani naman ng positibong reaksiyon ang post tungkol sa katapatan ni Arjay.

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
arjay Montemayor, Non Celebrity
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Because of his honesty, room guide Arjay Montemayor has been rewarded by the hotel management. From project employee status, he is now a probationary employee, and he was also given a plaque for his serving as a role model to fellow employees. Arjay discovered a bag containing PHP130,000, and informed the hotel management.
PHOTO/S: Facebook (Mhar de Jesus)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results