PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bakit umulan ng isda sa Antique?

Mga mangingisda, nagpiyesta sa panghuhuli
by KC Cordero
Published Feb 3, 2022
Ecstatic fishermen
Isa ba itong himala? Ipinaliwanag ni Flord Nicson J. Calawag, isang licensed fisheries technologist, kung bakit tila umulan ng isda habang nasa laot siya kasama ang iba pang mga mangingisda.

Isang kakaibang pangyayari ang naganap noong January 28, 2022 sa Tibiao, Antique.

Sa Facebook post ni Flord Nicson J. Calawag, isang licensed fisheries technologist, tila umulan ng isdang tamban habang nasa laot siya kasama ang ibang mga mangingisda.

Ecstatic fishermen

Kusa kasing tumatalon papunta sa kanilang bangka ang mga isda, kaya wala silang kahirap-hirap sa panghuhuli ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Variety of fishes

Ilang sandali lang at napuno agad ang kanilang bangka.

Ayon kay Flord, maganda ang plankton bloom sa kanilang karagatan sa Antique lalo na kung panahon ng amihan.

Ang plankton ay mga organismo na kinakain ng mga maliliit na isda gaya ng tamban.

Walang kakayahan ang mga plankton na lumangoy at tinatangay lang ng agos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumalaki lang din ang mga ito ng hanggang isang pulgada.

Kapag naipon sa isang bahagi ng dagat ang plankton, pinagpipiyestahan ang mga ito ng maliliit na isda.

Kaya naglalagay ang mga mangingisda ng lambat sa paligid ng pinagkukumpulan ng mga maliliit na isda.

At kapag nagkukumpulan na ang mga tamban, hinahabol naman ang mga ito ng mga high-value fishes, gaya ng tanigue, yellow fin, at malasugi o swordfish para kainin.

Nata-trap sa pagtakas ang mga tamban habang hinahabol ng malaking isda, at tumatalon paitaas.

Dahil sa trap, maging ang malalaking isda ay nahuhuli ng mga mangingisda.

Fishermen holding a big fish

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinakita pa ni Flord ang na-trap na barracuda sa lambat.

Kaya laking suwerte ng mga mangingisda kapag nakakatiyempo ng ganitong pagkakataon dahil hindi na sila napapagod sa pagpalaot, punung-puno pa ang kanilang bangka ng mga huling isda.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa ba itong himala? Ipinaliwanag ni Flord Nicson J. Calawag, isang licensed fisheries technologist, kung bakit tila umulan ng isda habang nasa laot siya kasama ang iba pang mga mangingisda.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results