PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joana Marcha and Tyrel Wolfe's incredible love story

Viral again!!!
by Bernie V. Franco
Published Feb 8, 2022
shoebox love story
For Joana Marchan and Tyrel Wolfe (inset photo), love can be found in a shoebox. The kids in the photo are Tyrel at age seven and Joana, six, youngsters from distant places whose love story many years later can best be described as plausibly made in heaven.
PHOTO/S: YouTube (ty and joana)

Isang pambihirang kuwento ng pag-ibig ang love story nina Tyrel “Ty” Wolfe at Joana Marchan.

Sino ang makakalimot sa kuwento ng isang batang babae sa Pilipinas na nakatanggap ng Christmas shoebox mula sa isang batang lalaki sa Idaho, United States?

Pagkalipas ng higit isang dekada, magtatagpo ang kanilang kapalaran at mauuwi ito sa kasal.

Tinatayang nasa late 20s na ngayon ang mag-asawa.

Noon lamang November 2021, lumikha ng three-part videos ang couple at ikinuwento ang kanilang love story.

Maraming beses nang naibahagi ang kanilang love story, pero minarapat nilang ikuwento ito mula mismo sa kanilang dalawa.

Nais nilang ituwid ang ilang pagkakamali.

Sa ibang balita kasi, mali ang childhood photo ni Joana.

THE LITTLE GIRL FROM THE PHILIPPINES

Sinimulan ni Joana ang kuwento.

Isinilang at lumaki sa Quezon City si Joana at mula sa isang Christian family.

Ang kanyang ama ay isang pastor at nasa ministry rin ang kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We didn’t have much, but we were happy and contented with what we have,” ani Joana.

shoebox love story

The young Joana Marchan, born and raised in Quezon City.

Panahon ng Kapaskuhan noong 2000, nakatanggap ng Christmas shoeboxes si Joana at kanyang mga kaklase.

Ang boxes ay mula sa isang programang Samaritan’s Purse sa Idaho, U.S.A.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naglalaman ito ng mga regalo para sa mga bata.

Lahad ni Joana, “Nung grade school ako, nakatanggap kami ng Christmas shoeboxes nung graduation namin sa vacation Bible school.

“Di ko na maalala exactly ang laman ng box. But I remember na there was not enough shoeboxes for everybody, kaya nag-share kami per box.”

Ang shoebox na napunta kay Joana ay naglalaman ng larawan ng isang batang naka-cowboy suit at address.

“Ang naalala ko lang noon, I thought of this little cowboy in a photograph, at kung paano yung buhay nila, paano sila naglalaro, at ano ang kinakain nila.”

Inisip noon ni Joana kung gaano kaiba ang pamumuhay ng batang lalaki sa pamumuhay nina Joana.

Kuwento ni Joana, sumulat siya ng “thank you” letter, pero hindi na siya nakatanggap ng sagot.

Itinago ni Joana ang larawan ng batang lalaking naka-cowboy costume.

Pagtuntong ng teenage years ni Joana, dinaanan niya ang rebel stage.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil pastor ang ama, pinalaki silang anim na magkakapatid nang strikto.

Pumasok si Joana sa isang relasyon na hindi alam ng mga magulang.

Nagawa pa niyang lisanin ang kanilang tahanan at sumama sa karelasyon.

Pero naging abusive ang karelasyon ni Joana.

Nakaranas siya ng depression at umuwi sa pamilya.

shoebox love story

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Joana had an abusive relationship in her teens and suffered depression.

Maluwag siyang tinanggap ng kanyang mga magulang.

Ipinagdasal na lamang ni Joana sa Diyos na makahanap siya ng relasyon sa tamang tao at sa tamang panahon.

Kumuha siya ng two-year course sa isang technical school.

Ang plano noon ni Joana, tapusin ang pag-aaral, mag-ipon, at kumuha ng architecture course.

Sa kanyang first year sa technical school, may nakuhang message via Facebook si Joana mula sa isang American.

In-accept na ng lalaki ang friend request na ipinadala ni Joana matapos ang ilang buwan nang mag-friend request siya.

Hinahanap kasi ni Joana si Tyrel, ang batang lalaking nagpadala sa kanya ng shoebox.

Ani Joana, may tatlo o apat na “Tyrel Wolfe” sa Facebook, pero in-add niya ang isa base sa location nito—sa Idaho.

THE BOY FROM IDAHO

Si Tyrel ay isinilang at lumaki sa Midville, Idaho.

Tatlo silang magkakapatid.

Lumaki siya sa country life, kasama ang mga hayop na nasa ranch ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2000, inorganisa ng kanilang church ang Christmas shoeboxes.

christmas shoebox love story

Second year na iyon ng kanilang Samaritan’s Purse program.

Ani Tyrel, ang kanyang ina ang nagsabi na ilagay ni Tyrel ang kanyang larawan at address.

“So that way, whoever got our box, we can have a pen pal. Someone to write to…" paliwanag ni Tyrel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mom thought it was cool to have someone from a different country that we can write to; get to know; learn about their country; learn about their culture.”

Wala na raw balita si Tyrel nang maipadala ang Christmas shoeboxes.

Pagtuntong ng high school, may mga nakarelasyon si Tyrel.

“[I] started finding girls, looking and trying to find that relationship that I so strongly desired,” ani Tyrel.

Pero ilang beses siyang nasawi sa pag-ibig.

Pinayuhan siya ng kanyang ina na ipagdasal na matagpuan ang babaeng para sa kanya.

shoebox love story

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tyrel had a string of heartbreaks as a teenager.

Pero mas naging specific si Tyrel sa kanyang dasal. Nais niya ng babaeng mahilig sa musika kagaya niya, kapareho ng birth month, at isang Asian.

Isang araw, November 5, 2011, pagkagaling sa school, nag-browse sa Facebook si Tyrel at nakita ang isang friend request “from a young woman from the Philippines.”

In-accept ito ni Tyrel at nagtanong sa babae kung paano siya nakilala?

Sagot daw ng babae: “You know Samaritan’s Purse?”

shoebox love story

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The Facebook conversation in 2011

THE PICTURE

Hindi raw maalala ni Tyrel ang sinasabing Samaritan’s Purse ng babaeng si Joana.

“I had no idea at that time. It had been so long ago. Eleven years ago,” ani Tyrel.

Pinuntahan raw ni Tyrel ang ina at kaswal na nagtanong tungkol sa Samaritan’s Purse.

Ipinaalala sa kanya nito ang Christmas shoeboxes na ipinadala nina Tyrel nung bata siya.

Bumalik si Tyrel sa harap ng computer at sinagot ang tanong ni Joana.

“Yes, I did. That was when I was seven," message ni Tyrel kay Joana.

Sagot daw ni Joana, “I think I might have gotten your box.”

Humingi ng patunay si Tyrel at inilarawan ni Joana ang picture ng isang batang lalaking naka-cowboy suit.

“After she had said that, I knew the exactly the picture she was talking about,” ani Tyrel.

TYREL MEETS JOANA

Mula noon, araw-araw nang magkausap sina Tyrel at Joana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Tyrel, hindi siya mapakali sa tuwing nasa school at gustong umuwi agad para makausap si Joana.

“We spent hours and hours of the time talking to each other just through Facebook messenger," sabi ni Tyrel.

Dumating daw sa puntong sa pag-uusap nila ni Joana ay nakakatulugan niya ito.

“After spending an entire year talking to her, I decided that I wanted to do something… that I could try and to come and visit her in the Philippines.”

Pagka-graduate ni Tyler sa high school noong 2013, lumipad siya sa Pilipinas.

“I think one of my best memories from that moment was when I got off the airplane and met Joana for the first time and we held hands,” pagbabalik-tanaw ni Tyrel.

Nagpaalam noon si Tyrel sa ama ni Joana na liligawan niya ang anak.

Ang pangalawang visit ni Tyrel ay noong Pasko ring iyon ng 2013 at sa Pinas na rin sinalubong ang Bagong Taon (2014).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiningi ni Tyrel ang kamay ni Joana mula sa ama. Hindi tumutol ang ama ng dalaga.

Pero pinayuhan sila ng ina ni Joana na maghunus-dili sila dahil ang bilis ng mga pangyayari.

Si Tyrel ay 19 lamang noon at si Joana ay 20.

Nagbigay ng kundisyon ang mga magulang ni Joana na sa susunod na bibisita sa Pilipinas si Tyrel ay kasama niya dapat ang isa sa mga magulang nito.

Sundot ni Joana, gusto ng kanyang ama na mamanhikan ang panig ni Tyrel.

Pagkauwi ni Tyrel, inaraw-araw niya ang pagkumbinse sa ama na sumama ito sa Pilipinas.

Nag-alinlangan ang ama ni Tyrel dahil unang beses niya ito sa labas ng U.S.

“I spent days and days trying to convince my dad. And my mom finally talked him into it.”

Sa huli, nakumbinse niya ni Tyrel ang ama na sumama.

Sampung araw ang bakasyon ng ama ni Tyrel sa Pilipinas.

“He spent ten days and he can’t stop talking about it. He loved it," ani Tyrel ukol sa ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalagitnaan ng 2014, na-engage sina Joana at Tyrel.

Ang susunod na inasikaso nila ay ang pagkuha ng visa ni Joana.

Ang spousal visa ay tatagal ng isang taon, habang ang fiancé visa ay tatagal ng tatlo o anim na buwan.

Fiance visa ang kinuha ni Joana.

Ikinasal sina Joana at Tyrel sa Amerika noong October 2014.

shoebox love story

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The Wolfe Family, Joana, Tyrel, and their son Harlann.

Hindi nakadalo ang mga magulang ni Joana dahil na-deny ang kanilang visa application.

Sa kanilang latest video, nagbigay rin ng mga relationship advice ang couple.

Pero ang isang tumatak na mensahe ni Joana, “Gusto ko lang malaman niyo na may Diyos tayo na mapagmahal, caring, and a God that has a great plan for each and every one of us.”

Sa kasalukuyan, gumagawa ng video content sina sina Tyrel at Joana sa kanilang YouTube channel.

Itinatampok nila ang kanilang buhay pamilya, kasama ang kanilang anak na si Harlann, 4.

Nakatira sila ngayon sa Midville, Idaho, ang hometown ni Tyler.

Sa kanilang YouTube channel, na mayroong halos 46,000 subscribers.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For Joana Marchan and Tyrel Wolfe (inset photo), love can be found in a shoebox. The kids in the photo are Tyrel at age seven and Joana, six, youngsters from distant places whose love story many years later can best be described as plausibly made in heaven.
PHOTO/S: YouTube (ty and joana)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results