PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Girlfriend tagumpay ang proposal sa boyfriend na nasa preso sa Cebu

Harangin man ng rehas, walang makakapigil.
by Bernie V. Franco
Published Feb 11, 2022
jail proposal
"WILL YOU MARRY ME?" A girlfriend gets some help from women PDLs (people deprived of liberty) when she proposes to her boyfriend, who is behind bars at a municipal jail in Cebu. The guy says yes!
PHOTO/S: Facebook (BJMP Balamban MJ)

May kasabihan na pagdating sa pag-ibig, walang makakapigil harangin man ng sibat.

Halos ganito rin ang kaso ng isang couple sa Cebu, dahil hindi naging hadlang sa pag-iibigan nila ang rehas na bakal.

Nag-propose ang girlfriend sa kanyang boyfriend na "person deprived of liberty" o PDL.

Nitong February 8, 2022, ipinost sa Facebook ng Bureau of Jail and Management Penology Balamban Municipal Jail (BJMP Balamban MJ) ang proposal ng babae sa kasintahan na isang preso.

Minarapat ng BJMP Balamban MJ na huwag pangalanan ang couple at huwag ipakita ang mga mukha nila sa larawan.

Title ng post: “Happy Proposal Day,” na tamang-tama para sa nalalapit na Valentine’s Day.

Ganito ang caption: “It's extremely rare when a woman proposes to a man let alone mustering enough courage just to show the world how unconditional love can be.

“Just when you think you've seen everything, along comes a brave female visitor ready to profess her love and proposes to one of the PDL of Balamban Municipal Jail.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Guess what, he said, ‘Yes!’"

Kalakip ng post ay series of photos, na sapat na para ikuwento kung paano ginawa ng female visitor ang kanyang proposal.

Kita sa larawan na hawak ng female visitor ang engagement ring para sa boyfriend.

Ang babae ay nasa labas ng bakod ng municipal jail.

jail proposal

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinundan ito ng larawan ng babae na nakataas ang kamay, hawak ang singsing, habang sa second floor ay nakatanghod ang kanyang kasintahan.

May larawan din ang female visitor na may hawak na bouquet of red roses.

Sinundan ito ng larawan na pumapasok sa gate ng municipal jail ang babae.

jail proposal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinalubong siya mga mga jail personnel at makikita rin ang dalawang hilera ng mga kababaihang nakausot ng unipormeng PDL.

Hawak ng mga babaeng PDL ang mga letra na kung babasahin ay “WILL YOU MARRY ME?”

Inulan ang post ng pagbati at mga red hearts sa comments section.

Sa tuwa ng isang netizen, nagprisinta pa ito na sagot na niya ang wedding cake ng newly engaged couple.

Humingi siya ng tulong kung paano makokontak ang couple.

Bahagi ng comment ng netizen na ito: “They deserve to have the best wedding memories!”

jail proposal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"WILL YOU MARRY ME?" A girlfriend gets some help from women PDLs (people deprived of liberty) when she proposes to her boyfriend, who is behind bars at a municipal jail in Cebu. The guy says yes!
PHOTO/S: Facebook (BJMP Balamban MJ)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results