Four years old pa lang si Paislee Joann Shultis ng Cayuga Heights, Ithaca, New York nang mawala siya noong July 13, 2019.
Ang teorya ng mga pulis noong mga panahong iyon ay dinukot siya ng kanyang tunay pero “noncustodial parents” na sina Kimberly Cooper at Kirk Shultis Jr.
Legally adopted na si Paislee ng isang pamilya.
Hindi na siya nakita mula noon.

Sa loob ng dalawa at kalahating taon, madalas makatanggap ang mga awtoridad ng sumbong tungkol sa isang bahay sa Saugerties. Naroroon diumano ang batang si Paislee.
Ang Saugerties ay tinatayang 160 miles ang layo bandang silangan ng Cayuga Heights. May bahay roon ang mag-amang Kirk at Kirk Shultis Sr.
Subalit tuwing pupuntahan ng mga pulis ang lugar, sinasabi ng mga residente roon na wala silang alam tungkol kay Paislee.
Sa panayam ng CNN kay Saugerties Police Chief Joseph Sinagra noong February 16, 2022, lagi umano silang kinukompronta ng mga Shultis at inaakusahan ng harassment at pang-iistorbo.
Ipinipilit din ng mga ito na sa ibang lugar nila dapat hanapin si Paislee.
Ilang beses nakapasok sa loob ng bahay ng mag-amang Shultis ang mga imbestigador kahit walang warrant, pero binigyan lang sila ng "limited access" kaya hindi nila nasuyod ang basement at mga kuwarto.
ANG MGA BAKAS NG MALILIIT NA PAA SA ILALIM NG HAGDAN
Nag-iba ang sitwasyon noong February 14, 2022.
Nang muling makatanggap ng impormasyon ang mga pulis na talagang nasa bahay ng mga Shultis si Paislee ay nakakuha sila ng warrant para maghalughog doon.
Habang nagsasaliksik, nakita ng mga imbestigador ang mga bakas ng maliliit na paa sa ilalim ng hagdanang kahoy.
Nang tuntunin ang maliliit na bakas ng paa, humantong iyon sa isang secret space pababa sa basement.
Nang pasukin ang basement, nakita ang isang bedroom na may pangalan pa ni Paislee sa dingding.
Mahahalata ring ginagamit ang kama sa pagtulog.
Ayon kay Sinagra, "Our officers asked, 'Is she here?' And they denied that anybody was living in that house, in that particular room.
"They said they had set the room up like that in the event that Paislee should ever return."
MAY “SECRET SPACE” SA HAGDAN
Nakakita naman ang detective na si Erik Thiele ng crack sa isa sa mga baytang ng hagdanang kahoy. Napansin din nitong may kumot sa loob na nakatakip sa butas.
"There was something about the staircase that bothered him," ayon kay Sinagra.
Sinimulan nilang baklasin ang hagdan. Ayon kay Sinagra, sobrang eerie ng atmosphere at napakatahimik habang nagbabaklas ang mga imbestigador.

Saglit pa, tumambad sa kanila ang isang hidden compartment. Naroon si Paislee at ang biological mother nitong si Kimberly.
Sa tingin ng mga imbestigador, sadyang ginawa ang secret location sa ilalim ng hagdan papunta sa basement para itago si Paislee.
Ani Sinagra, "The child never made a sound. Kimberly never made a sound.
"The question that needs to be answered is what she was told by her parents that would keep her so still and quiet while the cops are walking up and down the steps, while they're taking the steps apart.
"It is our opinion that... that location was used probably each and every time that we sent an officer to the residence."
Agad inaresto sina Kimberly, Kirk Jr., at Kirk Sr. at sinampahan ng iba’t ibang kaso, kabilang na ang paglalagay kay Paislee sa panganib.
Pansamantala silang nakalaya matapos magpiyansa.
Inatasan din sila ng korte na huwag nang lalapit pa kay Paislee.
KUMUSTA NA SI PAISLEE?
Matapos masuri ay lumalabas na in good health si Paislee. Naihatid na rin siya ng mga imbestigador sa kanyang legal guardian noong February 15.

Ayon kay Sinagra, nang ma-rescue si Paislee, “She was upset and was concerned.
"We don't know what Paislee lived through for the past two years.
"And we don't know what kind of damage may have been done because of the conditions that she had to live under. That's what I'm concerned about."
Bukod pa aniya rito, “She hasn’t attended school and they weren’t educating her at the house.”
Sinabi rin niyang hindi pa alam ang motibo kung bakit dinukot si Paislee ng sariling magulang.
Bago dinala si Paislee sa legal guardian matapos masuri ng medics ay inilibre ng mga imbestigador ang bata sa isang sikat na food chain.
Masaya naman daw si Paislee matapos matikman muli ang paborito nitong meal.