PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boxing legends Vitali and Wladimir Klitschko join Ukraine army

Both are part of 20 richest boxers in the world.
by Bernie V. Franco
Published Feb 28, 2022
Klitschko brothers
Ukrainian boxing legends Vitali Klitschko (L) and brother Wladimir Klitschko (R) join Ukrainian army to join their country's fight against Russia's aggression. Insert shows Vitali, who is also mayor of Kyiv (capital of Ukraine), in uniform and is ready to fight.
PHOTO/S: @digisport.ro

Dati ay sa boxing ring lumalaban ang magkapatid na Ukranian boxing champs na sina Vitali Klitschko at Wladimir Klitschko.

Ngayon, totoong giyera na ang hinaharap nila para ipagtanggol ang kanilang bansa mula sa paglusob ng Russia.

Tanyag ang Klitschko brothers dahil pareho silang hall of famers sa international boxing.

Sa katunayan, kasali rin sila sa 20 richest boxers in the world.

Pasok din sila sa Guinness World Records bilang “pair of brothers with most world heavyweight title fight wins.”

Ang nakatatandang si Vitali, 50, ay nagsimula bilang professional boxer at kalaunan ay naging pulitiko.

Siya ay WBO (World Boxing Organization) at WBC (World Boxing Council) titleholder.

Sa kasalukuyan, si Vitali ang mayor ng Kyiv, ang capital ng Ukraine. Siya rin ang head ng Kyiv City State Administration.

As of 2022, ang kanyang net worth ay $80 million.

vitali klitschko

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Vitali Klitschko's photos circulated online recently, showing him in uniform and loading a machine gun.)

Si Wladimir, 45, ay naging aktibo sa boxing mula 1996 hanggang 2017.

Siya ay two-time world heavyweight champion at titleholder sa WBO at World Boxing Association.

Itinuturing siya bilang isa sa “best heavyweight boxers of all time.”

Sa Hollywood, kilala siya bilang ama ng Heroes at Bring It On actress na si Hayden Panettiere.

Si Wladimir ay may net worth na $60 million.

KLITSCHKO BROTHERS DEFENDING UKRAINE

Kamakailan, isang Instagram video ang inilabas ng Klitschko brothers.

Nananawagan si Vitali sa ibang bansa na tulungan sila sa laban nila sa Russia.

Ani Vitali, “I’m calling to all the international partners to observe this tragedy that is happening nowadays in Ukraine, and this senseless war, which is not going to have any winners but losers.

Pakiusap niya, huwag hayaang lumubha ang namumuong giyera sa Ukraine at Russia na makakaapekto sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong weekend naman ay ipinost ang video message ni Wladimir sa Instagram account ng kanyang kuya.

Aniya, “I’m Wladimir Klitschko and I’m addressing the entire world to stop this war that Russia has started.”

Binanggit niya na may mga sibilyang nasawi dahil sa pag-atake ng mga rockets ng Russian military force.

“There is no time to wait because it’s going to lead to humanitarian catastrophe.

“You need to act now to stop Russian aggression with anything that you can have now.”

Iginiit ni Wladimir ang kanyang panawagan bago pa raw mahuli ang lahat.

Klistchko brothers

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

(Vitali (L) and Wladimir Klistchko calling on other nations to help them in their fight versus Russia)

Samantala, nitong Sabado ay lumabas ang mga larawan ni Vitali na nakasuot ng fatigue at nilalagyan ng bala ang machine gun.

Tweet ng Boxing Insider: “Vitali Klitschko defending his city.”

Samantala, si Wladimir naman ay sumapi sa Ukrainian Armed Forces ilang buwan na ang nakalilipas simula nang umingay ang balitang kumikilos ang Russia para sakupin ang Ukraine.

WHY RUSSIA WANTS UKRAINE

Kagaya ng Russia, ang Ukraine ay isa sa founding members ng Soviet Union. Tinatayang 15 countries ang bumubuo rito. Nabuwag ito noong 1991.

Nitong mga nakalipas na buwan, sinubsob ni Russian President Vladimir Putin ang sarili sa pag-aaral, ulat ng The Guardian.

Nabuo sa kanyang isip at nakumbinsi siya na ang Ukraine ay bahagi ng Russia, historically.

Ito ang dahilan kung bakit naglunsad siya kamakailan ng “special military operation” para sakupin ang Ukraine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula nang makawala sa Soviet Union noong 1991, mas hangad ng Ukrainians na mapabilang sa Western, ulat ng CNN.

Lumabas sa surveys na pabor ang majority ng Ukrainians na mapabilang sila sa European Union at North Atlantic Treaty Organization o NATO.

Para kay Putin, banta sa Russia kapag napabilang ang Ukraine sa NATO.

Paniwala rin niya na mas kikilalanin ang Russia bilang world leader kung sakop nito ang Ukraine.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ukrainian boxing legends Vitali Klitschko (L) and brother Wladimir Klitschko (R) join Ukrainian army to join their country's fight against Russia's aggression. Insert shows Vitali, who is also mayor of Kyiv (capital of Ukraine), in uniform and is ready to fight.
PHOTO/S: @digisport.ro
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results