PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Football coach Thomas Tuchel gifts Pinay housekeeper with villa

It is because of her "incredible work ethic."
by Bernie V. Franco
Published Mar 7, 2022
thomas tuchel
Now circulating on social media: the story about German football manager Thomas Tuchel of Chelsea football club giving a Filipina housekeeper her dream house for her "incredible work ethic."
PHOTO/S: @tuchel.cfc on Instagram

Mala-fairy tale ang napabalita tungkol sa isang Pilipinang housekeeper na niregaluhan ng "villa" o "dream house" ng kanyang amo na isang tanyag na German football manager.

Noong September 2021, nasulat sa news sites sa ibat-ibang bansa, gaya ng United Kingdom, ang pagiging genereous ni Thomas Tuchel, ang kilalang German head coach ng Chelsea, ang Premier League football club ng England, sa kanyang Pinay na kasambahay.

Muling kumakalat ngayon sa social media accounts ang malaking tulong ni Tuchel sa kaniyang kasambahay.

Hindi lamang isang villa ang iniregalo ni Tuchel sa hindi pinangalanang Pinay domestic helper, kundi pambayad din sa heart operation ng anak nito.

Sobrang napabilib daw ang football coach sa “incredible work ethic” ng housekeeper.

Taong 2018 nang manirahan sa Hauts-de-Seine district sa France si Tuchel para sa Ligue 1 club—ang French professional league for men’s football.

Isang Pinay housekeeper ang kinuha ni Tuchel para magtrabaho sa kanyang tirahan sa France.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa loob ng dalawang taon, ang Pinay ang naging housekeeper ng German coach.

Agad umanong na-impress ang football coach sa work ethic ng Pilipinang kasambahay.

Pero natuklasan niyang kaya pala doble-kayod ang Pilipina ay para matustusan ang heart operation ng anak na nasa Pilipinas.

Hindi naman nagdalawang-isip si Tuchel na nag-alok ng tulong pinansiyal sa kanyang housekeeper para mapa-opera ang anak.

Sa isa pa umanong pag-uusap, tinanong ng coach kung ano ang pangarap sa buhay ng Pinay na kasambahay, na sumagot na magkabahay sa Pilipinas.

Pangarap daw nitong magretiro sa Pilipinas kasama ang pamilya sa sariling bahay, pero hindi sigurado kung mangyayari ito.

Tinupad umano ni Tuchel ang pangarap ng kasambahay dahil ibinili niya ito ng sarili niyang villa, ayon sa mga ulat.

Nailathala ang ulat sa websites na The Daily Mail, The Sun, at The Dailly Mirror na mga British tabloids.

Gayunpaman, may reputasyon ang mga nabanggit na media outlet pagdating sa kredibilidad ng impormasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang ulat na ito ay lumabas din sa social media accounts ng verified accounts ng sports media, gaya ng ESPN at ng isang French sports reporter.

thomas tuchel

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, as of August 2021, si Tuchel ay may net worth na $20 million, at may reputasyon bilang isa sa mga pinakakilalang managers sa mundo sa larangan ng men’s football.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Now circulating on social media: the story about German football manager Thomas Tuchel of Chelsea football club giving a Filipina housekeeper her dream house for her "incredible work ethic."
PHOTO/S: @tuchel.cfc on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results