PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bakit worth PHP10 million ang pedigreed dog na si Urus?

Isa siyang American Bully.
Published Mar 11, 2022
american bully
This "exotic bully" from China is supposedly bought for a whopping $200,000 o PHP10 million from its previous owner.
PHOTO/S: YouTube (Sam Walastik)

Isang dog trainer ang nagbunyag na may asong nagkakahalaga umano ng PHP10 milyon.

Ibinahagi ni Jessmar Grutas na may mga asong daan-daang libo o kaya ay milyun-milyong piso ang halaga.

Si Jessmar ay dog trainer for eight years na lumahok sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga! noong March 2, 2022.

Ani Jessmar, nagti-train siya ng mga aso, na karamihan ay American Bully, ng kanyang mga kliyente at isinasali sa dog shows.

Ang dog breed na ito ay medium-sized na siksik at muscular ang body type, may heavy bone structure, at malaki ang ulo.

Sundot Maine Mendoza, co-host ng Eat Bulaga!, “Napakamahal niyan, e.”

Paliwanag ni Jessmar, iba-iba ang presyo ng aso at mas nagmamahal ito kapag ito ay galing sa champion line o champion breed.

“Pinakamababa po siguro PHP60,000. Murang-mura na po iyon.”

Isiningit ni Maine na “napakamura” na ng PHP60K na American Bully at diin pa niya, “Napakamahal ng Bully.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Jessmar, ang pinakamalaking dog show na nasalihan niya ay ang EBKC o European Bully Kennel Club.

Tumataas daw ang value ng aso kapag nanalo ito sa dog show.

Ani Jessmar, “Pag nag-dog show ka, once na nag-champion ka po, tataas yung value ng puppy mo. Tataas yung stag fee… pag nag-breed po.”

Ikinuwento niya kung ano ang ginagawa sa dog show: “Ilalakad niyo po yung isa. Pagalingan po ng maglakad.

“‘Tsaka yung breed standard ng aso dapat nandoon sa aso mo para manalo.

“Kasi hindi porke’t maganda yung aso mo, mahal yung aso mo, mananalo.”

Giit niya, importanteng criteria ang pagandahan ng structure ng aso.

Ang judges ang magbibigay ng grado sa dog contestants.

american bully

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Jessmar Gruta holding an American Bully in one of the dog shows he joined.)

Inusisa ng ibang Eat Bulaga! hosts ang standard price ng American Bully.

Sabi ni Jessmar, nagkakahalaga ito ng PHP700,000.

Aniya pa, importanteng sundin kung ano ang diet ng dog breed.

“Kung ano po ang special diet nila, ganoon lang po yung sundin nila para hindi nasisira yung structure ng aso, kasi bumibigat yung tiyan niyan, e,” paliwanag niya.

Ani Jessmar, bilang dog trainer ay umaabot sa 15 dogs ang hinahawakan niya sa isang buong araw sa isang dog show.

Sa gitna ng usapan, sumingit si Maine at sinabing may nagbebenta sa kanya ng American Bully na isang milyong piso ang presyo.

Tanong ni Maine, “Kuya Jess, may nagbebenta sa akin ng American Bully isang milyon. Makatarungan ba iyon kasi yung pedigree daw niya?”

Sundot naman ni Allan K., may alam siyang PHP1.5 million ang presyo ng isang champion line.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot ni Jessmar, “Kasi meron po akong kilala, nagpauwi siya from China PHP10 million.

“Ayun po yung sobrang liit naman po noon. Punggok na punggok talaga. Pangong-pango.”

$200,000 DOG FROM CHINA

Sa kabilang banda, itinampok ng YouTube vlogger na si Sam Walastik ang isang “exotic Bully” sa vlog niyang The 10 Million Pesos Exotic Bully, na in-upload niya noong February 9, 2021.

Na-interview rito si Yusuke “Gino” Rinkushi, ang owner ng SBK South PH o Spoiled Brat Kennel South Philippines, isang community ng American Bully lovers sa bansa.

Si Gino ang owner ni Urus isang “exotic Bully” na worth $200,000 o PHP10 million.

Kuwento ni Gino, isang kaibigan ang tumawag sa kanya tungkol sa isang “magandang aso from China.”

Bakit napakamahal ng asong ito?

american bully

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Meet Urus, ang "exotic Bully" na ang presyo raw ay PHP10 milyon.)

Pahayag ng dog breeder, “Si Urus is for keep ng may-ari. Actually, ang pinag-uusapan natin dito is not about the price, e. It’s about the love that the former owner [gave] to Urus.

“So, syempre, masakit para sa kanya. But para sa kanya, siyempre, pera iyan, e.

“Hindi natin maiaalis… that’s a big punch para sa kanya kaya namin nakuha si Urus.”

Nabanggit din nila ang stud fee ng asong ito ay umaabot sa PHP200,000.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This "exotic bully" from China is supposedly bought for a whopping $200,000 o PHP10 million from its previous owner.
PHOTO/S: YouTube (Sam Walastik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results