PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ukay-ukay T-shirt binibenta for PHP180 pero binili for PHP17K

Umabot sa PHP90K ang bid.
Published Mar 16, 2022
ukay ukay vintage
Left photo shows the ukay-ukay find that the reseller initially priced at PHP180, but a buyer bought it for PHP17,000. It turned out to be a vintage t-shirt. No wonder that in a recent video, ukay-ukay resellers go into a riot over the ukay-ukay items (seen on right photo).
PHOTO/S: Facebook (Shaira Earl Algara, Maricel Demafeliz)

Viral agad ang video ng mga taong halos magrambulan sa pag-uunahang makakuha ng items sa ukay-ukay sa Lupon, Davao Oriental.

Minsan kasi ay may "ginto" sa ukay-ukay.

Pag may natiyempuhan silang branded at rare items, maibebebenta ito sa malaking halaga.

Ang mga nagkakagulong tao sa video ay resellers pala.

Isa sa kanila ay nakabili ng rare T-shirt for PHP75 pero naibenta niya ito for PHP750.

Ang isa pang reseller, natiyempuhan ang isang branded checkered long-sleeves polo. Nabili niya ito ng PHP100 at naibenta niya ng PHP3,500.

Ang isa pang reseller na walang kamalay-malay, natiyempuhan ang isang rare t-shirt na naibenta niya sa halagang PHP17,000.

ukay ukay vintage

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Natuklasang resellers pala ang mga nagkakagulong tao sa isang ukay-ukay sa Davao Oriental. Kung may nakuhang vintage item, maaari itong ibenta sa malaking halaga.)

Sa katunayan, umabot pa nga sa PHP90,000 ang presyo ng bid dito.

Natalakay ang kuwentong ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) episode nitong Linggo, March 13, 2022.

THE RARE T-SHIRT

Naibahagi ni Shaira Earl Algara, online seller mula sa Ponteverde, Negros Occidental, ang kuwento niya sa KMJS.

Inilarawan niya ang kontrobersiyal na T-shirt—kulay itim at may print ng isang lalaki.

Kasama ito sa iba pang ukay-ukay na bundle na nabili niya sa halagang PHP5,500.

Sabi ni Shaira, “Color niya is fade po. Manipis po siya, pero yung print okay pa po.

“’Tapos meron po siyang sign ng isang celebrity. ‘Tapos meron po siyang date na 1992.”

Dahil isang online seller, ipinost ito ni Shaira sa Facebook at ibinenta ito ng PHP180.

Nagulat siya dahil may mga nag-message at binibili ito ng PHP9,000. Nasundan pa ito ng messages kung saan may nag-aalok na bilhin ito ng PHP17,000, 'tapos PHP60,000, at umabot pa ng PHP90,00

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Shaira, “Nagulat po ako. Hindi ko in-expect na ganoon po pala yung halaga noon.

“Sa akin po, sana maibebenta ko lang po siya sa PHP180.”

Sa huli, naibenta ni Shaira ang T-shirt sa kanyang kaibigan sa halagang PHP17,000.

ukay ukay vintage

(Ang kontrobersiyal na T-shirt na naibenta sa halagang PHP17,000. Pati ang reseller nagulat ibinibenta niya ito for PHP180.)

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bagamat kasi may nag-offer ng PHP90,000, pinili ni Shaira kung saan sigurado.

“That time po, wala pa pong may nagbi-bid,” kuwento ni Shaira.

Ang kaibigang nakabili ng T-shirt ay si Carlo Antonio J. Concepcion, na isa ring reseller.

“Pinaplano ko rin sa ibang bansa ko siya ibebenta,” sabi ni Carlo.

“Meron na ring nag-offer sa akin na PHP60 [thousand]. May mga nag-offer na PHP90 [thousand], or PHP100 [thousand], baka ibibigay ko na din.”

Samantala, dalawang vintage collectors ang in-interview ng KMJS at tinanong kung posible ba talagang abutin nang ganoon kamahal ang mga items na ukay-ukay.

Inilarawan ni Kyle Gianan, isang Filipino antique consultant, ang kontrobersiyal na t-shirt.

Ang print image sa t-shirt ay si Shabba Ranks, isang Jamaican dancehall musician mula ‘80s hanggang ‘90s.

Ani Kyle, “If you are a 2000 baby, maybe you know Shaggy, yun yung mga tugtugan niya.

“He’s really one of the pioneers ng ganoong klaseng music.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya ukol sa T-shirt: “Very possible. It’s a vintage item, that it's rarer. Nakahanap siya ng ginto sa ilalim ng lupa.

“Ang mentality is pag ako lang ang meron niyan talaga, minsan skyrocket ang price.”

Sabi naman ng collector na si Jhayz Polintan, “Pag alam nilang rare iyon, talagang aawitan nang sobra kahit gaano nila kamahal makuha.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Left photo shows the ukay-ukay find that the reseller initially priced at PHP180, but a buyer bought it for PHP17,000. It turned out to be a vintage t-shirt. No wonder that in a recent video, ukay-ukay resellers go into a riot over the ukay-ukay items (seen on right photo).
PHOTO/S: Facebook (Shaira Earl Algara, Maricel Demafeliz)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results