Watch Now

“Harry Potter” spotted sa libreng sakay ng MRT-3

by KC Cordero
Apr 2, 2022
Harry Potter at MRT-3 station
Patok sa netizens at Potterheads ang meme ng Department of Transportation featuring Harry Potter, na sumakay nang libre sa MRT-3 nitong April 1, 2022 o April Fools' Day.

Benta sa netizens at sa mga Potterheads ang post ng Department of Transportation (DOTr) sa official Facebook Page nito nitong April 1, 2022.

Makikita kasi sa larawan si “Harry Potter” habang naghihintay ng tren sa North Avenue Station ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Harry Potter at MRT-3 station

Ang caption: “JUST IN: Harry Potter on board na sa Hogwarts Express este DOTr MRT-3 dahil sa libreng sakay na ipinatutupad dito hanggang April 30!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilagyan din ito ng hashtags na #DOTrPH #MRT3 #LibrengSakay.

Obvious na joke ang nasabing post, at bahagi ng tradisyon ng pagdiriwang ng April Fools’ Day.

Gayunpaman, naikonek ito ng DOTr social media team sa programa ng ahensiya na libreng sakay sa MRT-3 hanggang sa katapusan ng Abril.

Matatandaang matapos ang inagurasyon ng isinagawang rehabilitasyon ng mga riles ng MRT-3 noong March 22, inianunsiyo ni President Rodrigo Duterte na libre ang pagsakay ng mga commuters dito mula March 28.

Samantala, enjoy naman ang mga netizens sa pagkomento sa post ng DOTr.

Netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens' comments
Puna ng isa, witty ang social media team ng DOTr.

Wala umanong face mask si Harry Potter, na ginampanan ni Daniel Radcliffe sa movie, kaya hindi bawal itong sumakay.

Narito raw pala sa Pilipinas ang Platform 9 ¾, ang train station papuntang Hogwarts.

Sasakay naman daw ang isang commuter kung narito rin si Hermione, ang karakter ni Emma Watson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

On a serious note, may nagkomento na mabagal at siksikan ang MRT-3 kaya hindi mae-enjoy ni Harry ang libreng sakay.

Hirit pa ng isang netizen, “Sana ayusin nyo din yung LRT 1. Lagi na lang nagloloko 'tapos ang init pa. Nakakaperhuwisyo sa mga pasahero.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patok sa netizens at Potterheads ang meme ng Department of Transportation featuring Harry Potter, na sumakay nang libre sa MRT-3 nitong April 1, 2022 o April Fools' Day.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results